Part 13

3K 98 1
                                    


  Pagkatapos ay mabilis na dinampian ng halik ang labi niya. Mabilis lang ang halik, kung halik nga bang matatawag iyon dahil parang lumapat lang sa labi niya ang labi nito. It was light and tender, like a feather brushing against her lips. And yet, it didn't go unnoticed. Lumikha iyon ng kakaibang init na parang nanulay sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Something throbs at the center of her feminine core. Halos mabitin ang hininga ng dalaga. Lust. It was lust and desire.

Si Prince ay agad lumayo ng ilang hakbang mula sa kanya. Alam kasi nitong makakatikim ito sa kanya dahil sa ginawa. Tuwang-tuwa ang loko sa pang-iisa nito.

"You!" nanggigigil na sita niya. Dinampot niya ang isang throw pillow at ipinangpalo iyon sa binata. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nikawan siya ng halik ng binata. Sa totoo lang ay hindi na niya mabilang. In fact, hindi lang pagnanakaw ng halik ang ginagawa nito, tsinatsansingan din siya ng hudyo. Asal-kanto rin talaga. Minsan nga sinabi pa na mula daw nang ma-in love sa kanya ay zero na daw ang sex life nito.

Patuloy na pinapalo niya ang binata. Natigilan lang siya nang mapansin ang ina nito sa may hagdan. Napangiwi tuloy siya.

"Tingnan mo, Mom. Hindi pa kami kasal, ina-under na ako," anang binata. Inakbayan pa siya. Pasimpleng siniko niya ito bago nilayuan. "Ouch. See, Mom? Kanina pa ako niyan binubugbog. Nagseselos kasi. Nakita daw kasi niya akong may kasamang ibang babae. I said that lady was a colleague, pero ayaw makinig sa paliwanag ko."

Her jaw dropped. Hindi makapaniwalang tiningnan niya nang masama si Prince. Hiyang-hiya si Johna. Halos hindi siya makatingin sa mommy nito. Hindi lamang ang mukha niya ang nag-iinit kundi pati mga taynga. Gusto na naman niya itong hatawin ng throw pillow.

Tumawa naman ang ginang. "Kuh. Baka ikaw ang magselos kung nakita mo yung naghatid kay Johna noong Martes. Guwapo."

There. Nawala ang panunudyo sa mukha ng binata. Kumunot ang noo nito. He looked alarmed and upset. "May naghatid sa 'yong lalaki? Sino?" tanong nito sa kanya. Pilit nitong ginawang kaswal ang boses pero hindi pa rin naitago ang selos doon.

Napangiti naman ang dalaga. Mrs. Patterson was just saving her from an awkward situation. Actually, silang dalawa ang nagkasabay sa pag-uwi. Nag-aabang na siya ng jeep nang tumigil ang sasakyan nito sa harap niya. May kinatagpo umano itong kaibigan at napasarap sa pakikipagkuwentuhan kaya ginabi. Hindi naman niya napahindian nang alukin siyang sumabay na dito.

"Johna," untag ni Prince nang hindi siya sumagot. "Sino yon, ha?" Gusot na ang mukha nito. Parang walang pakialam kung naroon man ang ina nito.

"Someone I like," taas-noong sagot niya bago iningusan ito.

Si Mrs. Patteson ay lalong naaaliw. "Oh, Johna. Heto ang padala ni Princess. Lumarga ka na at maghahanda ka pa pagpasok." Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na kahon. May nakasulat doon na To Lia.

"Salamat po. Pakisabi po kay Princess salamat. Magmi-message rin po sa kanya sa Facebook. Alis na po ako." Binalingan niya ang binata. Nakangising kinawayan niya ito. 

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon