HUMIKAB si Johna. Mabigat na ang talukap ng kanyang mga mata at inaantok na talaga. It was already two in the morning. At gustong-gusto na niyang humiga at matulog. But she needed to finish her research paper. Nagka-cram siya dahil nalimutan niyang bukas na nga pala ang pasahan at kanina lang niya naalala nang ipaalala ng professor nila. And because she still had a part-time job, hindi niya iyon naasikaso agad. Thank God, kompleto sa gamit ang mini-library. May nagagamit siyang laptop, printer, office materials, at higit sa lahat may Internet connection.
Nag-inat-inat si Johna para itaboy ang antok na nararamdaman.
"Hey," sabi ni Prince sa may pinto. He was barefoot. T-shirt at boxer shorts ang suot nito.
"Hey," sagot niya.
"Mukhang pinatulog mo lang ako, ah," sabi nito habang pumapasok sa kuwarto.
Johna slept in his arms. Totoo namang hinintay lang niyang makatulog ang asawa bago siya pumunta sa library para gawin ang research paper. Alam niyang kulang na kulang ang oras na inilalaan niya sa asawa, but he was so understanding.
Pumuwesto si Prince sa likod niya, inihawak ang isang kamay sa silya bago bahagyang yumuko at inusisa ang ginagawa niya. "Ano'ng ginagawa mo? 'Looks like you're cramming."
Nagka-cram na talaga siya. Marami nang papel at bond papers na nasa sahig. Her books were open. Abala sa pagpi-print ang printer, habang siya ay nasa harap ng laptop at ginagawa ang report. "Research paper. Nalimutan kong bukas na ang deadline." Hindi niya napigilan ang paghikab.
Kinuha ni Prince ang notebook sa tabi niya. Binasa iyon. It was her notes regarding her research. Habang nagbabasa, inilagay ng asawa ang isang kamay sa batok niya at marahang minasahe iyon para alisin ang tensiyon doon.
Shit, it felt so good. Ngalay na ngalay na nga ang batok niya at naninigas na ang muscles doon. Kaya ngayong minamasahe iyon ni Prince, it felt heaven.
"Alin dito ang natapos mo na?" tanong nito mayamaya.
"Last two topics na lang. 'Tapos isa-summarize, then printing."
"Hmm. I'll do this one topic. Umidlip ka muna."
"Kaya ko na—" Natigil si Johna sa pagsasalita dahil sa muling paghikab. Nakailang tasa na siya ng kape pero mukhang sa pagkakataong iyon ay hindi effective ang kape. Inaantok siya. Humihingi ng pahinga ang kanyang katawan.
Isinara ni Prince ang lid ng laptop. "Get some sleep. Halos sarado na ang mga mata mo. Sa tingin mo, magiging maganda ang resulta ng research paper na 'to kung nagka-cram ka? Nope. Dahil hindi ka na nakakapag-isip nang maayos. Go get some sleep. Gigisingin kita when I'm done with this one topic."
Ayaw ng isip ni Johna pero gustong-gusto ng katawan niyang magpahinga. Inaantok na talaga siya. "Iidlip lang ako. Gigisingin mo ako, ha?"
Tumango ang kanyang asawa. "Oo nga." Nang hindi pa siya tumayo, natatawang hinawakan nito ang mga balikat niya para itayo. "Go to our room and sleep for a few minutes. Lucky you, I have a knowledge about this topic."
Paupo na si Prince sa binakante niyang upuan nang hawakan niya ang braso ng asawa para pigilin ito. Pagkatapos ay yumakap siya rito. She just felt the urge to hug him tight. "Just let me hug you for a few sec," usal ni Johna, idinikit ang mukha sa dibdib ni Prince at pumikit. Nakayakap ang mga braso niya sa katawan nito. Hmm, his scent was calming her nerves. Napakakomportable talaga sa mga bisig ng asawa.
He chuckled. "Hmm. Naglalambing ang maganda kong asawa..." Iniyakap din nito ang mga braso sa katawan niya. And then he planted a kiss on her temple.
Oh, how she loved it in his arms.
"Prince..."
"Hmm...?"
"Please be patient with me." Isiniksik pa ni Johna ang sarili sa katawan ng asawa. Masarap talagang mapaloob sa yakap nito. "Alam kong marami na akong pagkukulang pero—"
"Sshhh. I won't get tired of you."
"Promise?"
"Promise."
I love you. I love you...
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...