MAAGANG lumabas si Johna mula sa trabaho kinagabihan. Matamlay pa rin ang pakiramdam niya. Halos distracted siya kanina. She was not okay. Apektado pa rin ang buong sistema niya sa nangyari kanina. Parang multong hinahabol siya ng sakit na nabasa niya sa mukha ni Prince. Kahit ano ang gawin ay hindi maalis sa isip niya ang binata. Sinaktan niya ito. Nahihirapan siyang isipin na sinaktan niya ang lalaking naging mabuti sa pamilya niya. Nagsisisi siya, at hindi niya alam ang gagawin.
To her surprise, paglabas ni Johna ay nakita niya ang sasakyan ni Prince sa may kalsada. Nakaramdam siya ng tuwa. Parang tumalon pa nga ang kanyang puso. Iyon nga lang, hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang binata. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib... Ganoon na talaga ang nangyayari sa kanya. She felt pathetic.
Kagat-labing naglakad si Johna papunta sa sakayan ng jeep. Sa totoo lang, ina-anticipate niya ang gagawin ni Prince. Kukulitin kaya uli siya nito? Aakto kaya ang binata na parang walang nangyari?
Hanggang sa kumabog ang kanyang dibdib nang tumigil sa harap niya ang sasakyan ni Prince. Bumukas ang pinto ng passenger's side, binuksan ng binata mula sa loob.
"Get in," sabi nito sa walang-emosyong boses. It brought shiver down her spine.
Hindi makita ni Johna ang mukha ng binata pero base sa boses ay mukhang kinokontrol din nito ang ekspresyon ng mukha.
"H-hindi na," pagtanggi niya. "Salamat na lang."
Bumukas ang pinto sa driver's side at lumabas si Prince. Iniisip ni Johna na baka pipilitin na naman siya ng binata na sumakay. Baka kargahin na naman siya nito at—No, he wouldn't do that. Nakita na niya ang mukha ni Prince at... at nakakaiyak ang emosyon ng mukha nito. He looked arrogant.
"Don't worry, I won't pester you anymore."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Johna. Prince was cold and it was giving her a chill.
"May kailangan lang akong i-discuss sa 'yo kaya kailangan nating mag-usap. Get in," patuloy nito bago agad na uling sumakay.
Johna bit her lower lip. Nasasaktan siya sa kalamigang ipinakita ni Prince. Sumakay siya. Pagsulyap sa binata, hindi na arogante ang mukha nito. Blangko na iyon.
"A-ano ang pag-uusapan natin?" hindi nakatiis na tanong ni Johna. Tahimik si Prince habang nagbibiyahe na sila. Ni hindi siya sinusulyapan. Nakatutok lang sa kalsada ang mga mata nito.
"Later," maiksing sagot nito.
Naging napaka-awkward na ng biyahe nila. Halos mabingi si Johna sa katahimikang namamagitan sa kanila. Halos mamuti ang knuckles ni Prince dahil sa higpit ng pagkakahawak sa manibela. Though, hindi naman matulin ang pagpapatakbo nito. Mukhang nagkakatotoo na ang gusto niyang mangyari. Si Prince na mismo ang naglalagay ng pader sa pagitan nila. And it hurts. Nasasaktan siya at hindi niya malaman kung ano ang gagawin.
Tumingin si Johna sa labas ng bintana. Mabuti na rin siguro ang ganoon. Sa hinaharap na lang niya malalaman kung si Prince talaga ang para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...