GANOON na lang ang tuwa ni Lia nang malamang makakasama na nito si Johna tuwing hapon dahil wala na siyang trabaho. Pero sa pagkamangha nila, nalungkot din ang bata. Paano na raw sila makakapag-aral kung wala na siyang work? Iyon kasi ang sinabi niyang dahilan noon kung bakit kailangan niyang magtrabaho.Prince was so amused. Agad na ipinaliwanag ng lalaki na ito na ang magwo-work para sa kanilang mag-ina. Bukod daw sa mahalin ang pamilya, responsibilidad ng ama na mag-provide para sa pamilya.
"Ah. Kaya po pala kailangang mag-work ni Mama dati kasi wala akong papa noon. Pero ngayon, may papa na ako..." Namimilog ang mga mata ni Lia sa katuwaan. She was seated in Prince's lap. Magkatabi naman sina Johna at Prince sa sofa.
Mayamaya, ngumuso ang bata at muling lumungkot ang mukha. "Eh, di Papa, ikaw naman po ang hindi namin makakasama ni Mama sa hapon? Tuwing umaga na rin po kita makikita tulad ni Mama dati?"
Nagkatinginan sina Johna at Prince. A smile was in corner of their lips.
"Hindi. Makakasama n'yo rin ako sa hapon at gabi kasi umaga naman ang work ni Papa. Habang nasa school ka, nagwo-work si Papa," sagot ni Prince.
"Wow! Masaya po 'yon!" tuwang-tuwang reaksiyon ni Lia. She hugged him and showered Prince's face with luscious kisses.
"Ay, 'andaya. Bakit ako, walang kiss and hug? Mas mahal mo na ang papa mo kaysa sa akin?" kunwari ay nagtatampong tanong ni Johna.
Her daughter giggled. "Pareho ko po kayong mahal, Mama, Papa." Bumaba na ito mula sa hita ni Prince at inabot siya para yakapin. Her little arms were wide open. "Mama, bukas daw po namin sasabihin kay Teacher Kelly kung ano ang wish namin kay Santa Claus ngayong Pasko. Sure daw pong ibibigay 'yon ni Santa Claus. Can I wish something else, Mama? Kasi po 'yong dati kong wish, nagkatotoo na."
"Oh? Ano ba ang wish mo dati?"
Lia smiled so brightly. "Wish ko po dati kay Santa Claus pati kay Papa Jesus na sana, maging papa ko na talaga si Papa Prince."
Muli silang nagkatinginan ni Prince.
"Because you're a good girl kaya natupad ang wish mo," sabi ni Johna. "Of course, puwede kang mag-wish uli ng iba."
Her daughter giggled again. "Si Molly—Kilala mo siya, 'di po ba, Mama? Sabi kasi niya, nagkatotoo na rin daw po ang wish niya. Hmm. Tulad na rin lang kaya sa kanya ang sunod kong i-wish?"
"Ano ba ang wish ni Molly?" tanong ni Prince.
"Baby sister po. Eh, ngayon daw po, may baby na sa tummy ng mommy niya."
Prince laughed. Pilyo na naman ang tingin nito kay Johna. "Dahil mabait kang bata, I'm sure ibibigay din ni Santa Claus at ni Papa Jesus ang wish mo."
Namilog ang mga mata ni Lia. "Talaga po? Magkaka-baby din sa tummy ni Mama?"
"Oo. Ako'ng bahala," he said naughtily.
Pinanlakihan naman ni Johna ng mga mata ang asawa at lihim na kinurot. Nag-iinit ang kanyang mga pisngi.
Nagtaka si Lia. "Bakit ikaw po ang bahala, Papa? 'Di po ba si Santa Claus at si Papa Jesus ang tumutupad ng wish?"
Napakamot ng ulo si Prince.
Napahagikgik naman si Johna.
"Ahm kasi, ipagpe-pray ko na magkatotoo ang wish mo."
"Ah. Gano'n po pala."
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Roman d'amour"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...