Part 57

1.2K 76 5
                                    



B
UMUKAS ang pinto. Nakita ni Johna nang pumasok ang mommy ni Prince pati na ang nanay niya. Parehong namamaga ang mga mata at ilong ng dalawa.

"P-Prince, anak, enough. Oras na ng pahinga mo. You shouldn't exhaust yourself."

Marahas na umiling si Prince. Tears were falling tremendously on his face. "N-no. D-dito lang ako sa asawa ko. I w-won't leave her, Mom. A-alam kong naririnig niya ako. A-alam kong nandito siya... Johna, love, I love you. P-please... p-please fight."

Johna bit her lip. Isinubsob ng nanay niya ang mukha nito sa mga kamay at tahimik na umiyak. Halos madurog ang puso niya sa naririnig at nakikita. And yet, she couldn't do anything. Sinubukan niyang yakapin ang asawa pero tumatagos lang siya sa katawan nito. Sinubukan niyang yakapin ang nanay niya pero ganoon uli, tumatagos lang siya.

"P-please, p-please h-huwag mo namang gawin sa akin 'to. P-please wake up... M-mas gusto kong ako ang umalis k-kaysa ako ang i-iwanan mo. J-Johna..." Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ng kanyang asawa. His nose was red. Basag at garalgal ang boses nito.

Nagsisikip ang dibdib ni Johna sa nakikitang paghihirap ni Prince. Siguro ganoon din ang nararamdaman ng asawa noong siya ang umiiyak at nagmamakaawa para sa kaligtasan nito.

"P-Prince, hijo..." sabi ng nanay niya. "S-sige na, m-magpahinga ka na muna. K-kailangan mong magpalakas p-para kay Johna. A-ako na ang bahalang magbantay sa asawa mo."

Wala nang nagawa si Prince nang itulak na ng mommy nito ang wheelchair palabas ng kuwarto. Nang makalabas ang dalawa, hinila ng nanay ni Johna ang isang silya at inilapit sa kinahihigaan ng kanyang katawan. She started stroking her hair. Kagat-kagat nito ang kumikibot na labi at basa sa luha ang mga mata. Her nose was flaring because of emotion. Masakit sa dibdib na makitang nagkakaganoon ang nanay niya.

"A-anak..." Basag ang boses nito, tumulo ang mga luha sa magkabilang pisngi. "G-gising na. I-isang linggo ka nang natutulog kaya gumising ka na. W-walang tigil sa pag-iyak si Lia..."

Suminghap si Johna. Si Lia! Diyos ko, ang anak ko! Ang anak ko...

"S-sabihin ko raw sa 'yo na... na b-bukas hindi na siya iiyak. A-aalagaan ka raw niya. M-magdadasal daw siya bago matulog at pagkagising na sana ay gumaling ka na. S-sabi niya... m-matapang ang mama niya k-kaya m-makakaligtas ka raw. N-nangako siyang m-magiging mas mabait k-kapag gumising ka na. At sabi niya... sabi niya, araw-araw ka na raw niyang sasabihan na mahal ka niya." Her mother sobbed. "J-Johna, h-hindi kita nasasabihan na... m-mahal kita pero alam mong mahal kita, hindi ba, anak? Mahal na mahal ka ng nanay. P-proud na proud a-ako sa 'yo noong p-panindigan mo si L-Lia k-kasi alam kong naging m-maayos ang pagpapalaki namin sa 'yo ng tatay mo. A-ang bata-bata mo pa noon pero isinantabi mo ang takot..." humihikbing sabi nito. "P-proud na proud ako sa 'yo kasi kinakaya mo lahat ng hirap at pagsubok para kay Lia... Johna, anak, g-gising na. M-mahal ka ni N-nanay..."

"'Nay... Nanay..." daing ni Johna. Ramdam na ramdam niya ang paghihirap ng kanyang ina. And how she wished she could ease the pain. "Alam ko po, 'Nay. A-alam ko pong mahal n'yo ako. Mahal na mahal. At mahal ko rin po kayo. Sobrang mahal ko kayo, 'Nay..."

"Sir, kumanta na po ang sniper."

Nanlaki ang mga mata ni Johna sa narinig. Hinanap niya ang pinagmulan ng boses. Mukhang galing sa labas ng kuwarto. Hinawakan niya ang doorknob para sana lumabas pero tumatagos lang ang kanyang kamay. She bit her lip. Oo nga pala, kaluluwa na lang siya. Kung ganoon, paano siya makakalabas?

Sinubukang hawakan ni Johna ang pinto pero tumagos ang kanyang kamay. Tuloy-tuloy na niyang itinulak ang sarili palabas.

She saw Randall. Mukhang kararating lang ng lalaki nang matanggap ang tawag. Naka-loudspeaker ang cell phone nito kaya narinig niya ang sinasabi ng kausap sa kabilang linya.

"What did he say?"

"Tama po kayo ng hinala. Hindi po random shooting ang nangyari. He had a certain target. Tama rin po kayo na for confusion lang ang ilang biktima."

"Sino ang target?" tanong ni Randall.

"Ang pinsan n'yo po."

Johna gasped. Naipagsalikop niya ang mga kamay sa tapat ng dibdib. Dumiin naman ang pagkakahawak ni Randall sa cell phone. "Ikinanta na rin ba kung sino ang mastermind?"

"A certain Vaughn Asuncion. Ilalabas na po ang warrant of arrest para hulihin siya."

Parang nanghina si Johna sa narinig. Kung ganoon, tama siya ng hinala.

Randall's jaw, on the other hand, became rigid. His aura became dangerous. "Siguruhing hindi makakatakas si Vaughn, whatever it takes. Thank you." Pinutol nito ang tawag, pagkatapos ay may tinawagan uli. "Give him what he asked. Give him war. An all-out war. Ilabas sa media ang baho nila. I-pull out ang lahat ng investments sa mga negosyo nila. Huwag kang titigil hangga't hindi sila gumagapang sa hirap," Iyon lang at pinutol nito ang tawag, pagkatapos ay malalaki ang hakbang na umalis.

Naiwang natitigilan si Johna. Biglang may maliit na pagdududang pumasok sa kanyang isip. Hindi ba alam na ni Vaughn ang kakayahan ni Randall at ng mga kaibigan nito? Alam ng dating boyfriend na wala itong laban sa grupo kaya bakit nagtangkang gumawa ng maling hakbang? O siguro, inakala nito na hindi mahuhuli?

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon