"'NAY," tawag-pansin ni Johna sa ina. Kahahatid lang niya kay Lia sa school. Nag-text si Prince kahapon. Dumeretso na raw ito sa trabaho pagkahatid sa kanya kahapon. He said a text will do to relay him her decision.
"Ano 'yon?" tanong ng kanyang ina. "Kilala kita. May gusto kang sabihin. Naghihintay lang naman ako na magkusa kang magkuwento."
Naramdaman ni Johna ang pang-unawa at suporta sa boses nito.
Tinabihan niya ang ina sa sofa. "I-inalok po ako ni Prince na... na m-magpakasal sa kanya." Alangan namang sabihin niyang iyon ang kabayarang hinihingi ni Prince sa gagawin nitong pagtulong.
"Talaga nga ba?" Bakas ang saya sa mga mata ng nanay niya. "Aba, ano ang sabi mo?"
"Sinabi ko pong pag-iisipan ko."
Tumango ito. "Anak kita, alam ko at ramdam ko kung ano ang totoo mong nararamdaman kay Prince."
Napangiting napayuko si Johna dahil sa sinabi ng ina. Totoo nga ang sabi nila na ang ina at anak ang may pinakamatibay na bigkis sa mundo. Laging alam ng ina kung ano ang iniisip o nararamdaman ng anak.
"Ano ang pumipigil sa 'yo, Johna?"
Ano nga ba?
"Natatakot ka ba uling sumubok?"
Natatakot nga ba siyang baka matulad sa nangyari sa kanila ni Vaughn ang relasyon nila ni Prince? "Hindi naman po. At wala naman ho sa kalingkingan ni Prince si Vaughn. Ahm... H-hindi ko pa kasi natutupad ang pangako ko sa inyo ni Tatay. Hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral. Wala pa akong magandang trabaho kaya hindi ko pa kayo napapatikim kahit kaunting ginhawa sa buhay..."
"Sa palagay mo ba, pipigilan ka ni Prince na tuparin ang mga pangarap mo kapag naikasal na kayo? Kilala mo si Prince. At saka, hindi ba't mas maganda na kasama at kahawak-kamay mo ang lalaking mahal mo sa pagtupad ng mga pangarap mo?"
Right. She was sure Prince would support her all the way.
"Si Lia, alam mo bang itinatanong na niya sa akin kung kailan niya puwedeng tawaging papa si Prince?"
Napamulagat si Johna. "Po?"
"'Ku. Kaya nga hindi nag-volunteer na ninong si Prince noon dahil siya na raw ang magiging papa ni Lia." Hinawakan ng nanay niya ang kanyang kamay. "K-kung may isang bagay akong hihilingin sa Diyos tungkol sa lalaking susunod mong mahalin, iyon ay ang mahal ka niya at mahal niya si Lia na parang sarili niya. Iyong lalaking hindi isusumbat sa 'yo ang nakaraan mo. 'Yong lalaking tatanggapin ka nang buong-buo."
Napakagat-labi na naman si Johna para pigilin ang emosyon. Pero hindi niya napigilan. Nag-init ang mga mata niya, hanggang sa tuluyang tumulo ang kanyang mga luha. Ano pa nga ba ang mahihiling niya kay Prince? He was one in a million.
NAGISING si Johna sa tunog ng pukpok. Kapag ganoong Linggo ay tanghali na siya nagigising. Sa ganoong araw lang kasi siya nakakabawi ng tulog dahil walang pasok sa school at wala rin siyang pasok sa trabaho. Pagsapit ng tanghali ay ipinapasyal naman niya ang anak. She spent most of the time with Lia. Sa hapon na sila nagsisimba. Siguradong kasama ng nanay niya si Lia.
Humihikab na bumaba si Johna mula sa kama, nagpunta sa banyo at inayos ang sarili. Naghilamos siya at nagsepilyo. Then she combed her hair and tied it in a ponytail. Sando at shorts ang nakasanayan niyang pantulog. Magkakape at mag-aalmusal lang siya, pagkatapos ay maliligo na.
Humihikab pa ring lumabas na si Johna mula sa kuwarto nilang mag-ina. She went to the kitchen. Matamlay at inaantok pa siya kaya walang kalakas-lakas na hinila niya ang isang silya at naupo muna roon. Ipinatong niya ang mga braso sa ibabaw ng mesa at inihilig doon ang ulo.
Shit, hinihila pa siya ng antok. Mabigat pa ang talukap ng mga mata niya.
Then she heard a chuckle. A very familiar chuckle. Nanlaki ang pipikit na sanang mga mata ni Johna. Parang inilipad ng hangin ang nararamdamang antok. Napabalikwas siya. Oh, how she missed that chuckle. Paglingon ni Johna, nakita niya si Prince na nakasandal sa isang pader sa kusina.
Oh, boy, natulala siya sa hitsura ng binata. Hindi na niya kailangan ng kape para magising. Hindi lang himaymay ng katawan niya ang nagising kundi bawat patak ng kanyang dugo. Napaka-seductive kasi ng hitsura ni Prince. Dumidikit na sa katawan nito ang damit na basa na ng pawis. Maging ang buhok ay bahagyang basa na rin. May hawak itong martilyo. Nakakabit sa baywang ng binata ang nail and hammer holder. Ito pala ang narinig niyang nagpupukpok. At hindi mahirap sabihin na ito ang nag-aayos ng pinto sa may kusina.
"Good morning kahit magtatanghali na," sabi ni Prince sa amuse na boses. Parang tuwa-tuwa ito sa nasaksihang pagkaantok niya kanina dahil kahit sa mesa sa kusina ay iniyukyok niya ang ulo.
Namangha si Johna. Hindi lang basta amusement ang dahilan ng pagkislap ng mga mata ni Prince. He's back. My prince is back... Ang dating ugali nito ang tinutukoy niya. Ang makulit at pilyong Prince.
Napalunok si Johna, hindi malaman kung ano ang sasabihin. Hindi siya makapag-isip dahil nadi-distract siya sa hitsura ng binata. Ang hot! Hindi na siya nagulat na may hawak itong martilyo o nagpapanday. Ang alam niya, binatilyo pa lang ay kaya na nitong bumuo ng bahay from scratch. He could really do the hard works. Prince wasn't the typical engineer na puro pagsu-supervise lang ang ginagawa. He was the kind of man who could walk his talk. Sa katunayan, kahit mayaman ay hindi ganoon kalambot ang mga palad ni Prince.
"Nalimutan kong magdala ng face towel. Can you get me one?"
Kinakabahan si Johna sa pilyong kislap ng mga mata ni Prince. And yet, lumulukso ang kanyang puso sa tuwa. He was really back!
"S-sure. Sandali," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...