AUTOMATIC na gumuhit ang ngiti sa labi ni Johna nang maramdaman niya ang dampi ng halik sa magkabilang pisngi. Iyon ang gumising sa kanya. "Hmm," pag-ungol niya. Hindi niya iminulat ng mga mata pero niyakap niya ang humalik sa kanya. It was her dearest daughter— Alia. Lia naman ang palayaw niya rito.
"Gising ka na po, Mama?"
"Tulog pa ako," paos ang boses na sagot niya, hindi pa rin nagmumulat ng mga mata.
Muling tumawa ang bata. Her voice seemed to belong to an angel. Maliit, masigla, at malambing iyon. "Gising ka na po, eh."
Iminulat niya ang mga mata. "Good morning," nakangiting sabi niya bago sa isang mabilis na kilos ay ipinailalim niya ang anak sa katawan. Hindi naman niya ito nadadag-anan dahil nakatuon ang mga siko at tuhod niya. Kiniliti niya ang bata at pinupog ng halik. Kapag umaga na lang kasi sila nagkakaroon ng oras na makapag-bonding dahil siyempre tulog na ito kapag umuuwi siya. Nagu-guilty siya dahil doon. Iyon nga lang, hindi niya kayang i-give up ang trabaho dahil napakalaking tulong ng kinikita niya.
"I love you, Lia," mahinang sabi niya. Namamasa ang mga mata ni Johna habang nakatitig sa humahagikhik na anak. Akala niya ay hindi iyon narinig ng anak. But she suddenly stopped giggling and then stared and smiled so fondly at her. Tuluyang nalaglag ang luha niya dahil doon. Agad din naman niya iyong pinahid. Hindi niya maipaliwanag pero nasa mukha ni Lia ang kakaibang emosyon na para bang nagsasabing: Kaya po natin 'to, Mama. At mahal na mahal po kita. Her daughter has expressive eyes. Kahit hindi ito magsalita ay kaya-kaya nitong pakalmahin ang loob niya. Kaya nitong palakasin ang loob niya at pagaanin ang ano mang mabigat na alalahanin.
Kung ikukumpara nga daw sa flavor ng cupcakes ang buhay niya ay maihahalintulad sa Rocky Road. Complicated kasi ang buhay niya. Marami siyang kinakaharap na challenges at pagsubok. Mabigat ang responsibilidad na pilit niyang kinakaya. Pero hindi naman pulos paghihirap ang buhay niya. Tulad sa Rocky Road, may lambot din ng marshmallows, may tamis din ng cholate, may sarap at lutong din ng cashew nuts.
"I love you, too, Mama," anito bago yumakap sa kanya. Ah! Kailanman ay hinding-hindi pagsisisihan ni Johna na binuhay niya ang bata. Maaaring naging mapait na karanasan para sa kanya si Vaughn, pero si Lia... she was the sweet fruit. She was not a mistake. The moment she learned she was pregnant, minahal niya agad ang anak at prinotektahan.
Ilang sandali pa at lumabas na sila ng silid. Karga niya ang anak. It was just 7 o'clock in the morning. Alas diyes pa ang klase niya. Nagagawa pa niyang asikasuhin si Lia at ihatid ito sa school bago siya gumayak sa pagpasok niya. Nauunawaan ni Lia na bukas na uli sila magkikita. Hindi niya alam kung papaanong nangyari pero parang naiintindihan ng bata ang sitwasyon. Ipinaliwanag lang niya dati na nag-aaral siya para sa kinabukasan nito, at nagtatrabaho siya para naman makapag-aral. Noong nakaraang taon kasi ay binawian ng buhay ang tatay niya dahil sa isang aksidente sa construction site na pinagtatrabahuhan nito. Ang tulong pinansyal na natanggap nila ay ginawang puhunan ng nanay niya at nagtayo ng sari-sari store. Siyempre ay hindi iyon sasapat kaya ang paghahanap ng part time job ang nakita niyang solusyon. Mahirap at maraming kailangang isakripisyo, but she was holding on.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...