Part 48

1.3K 62 0
                                    


"LIA IS just five years old," sabi ni Johna kay Vaughn.

Nasa park sila ng subdivision. Kasama niya si Lia at ang nanay niya. Her daughter was playing in the sand bar with her lola. Tinututukan niya ng tingin ang bata. Biyernes at wala pa rin siyang pasok sa eskuwela. Balik-trabaho naman si Prince. Gusto nitong sumama pero sinabi niyang kaya na niya. Nakaupo sila ni Vaughn sa isang bench.

"Matagal na niyang hiling na maging papa niya si Prince. At ngayong nagkatotoo na, she was the happiest. Kaya sa tingin ko, hindi pa makabubuti para kay Lia na makilala ka niya bilang biological father niya." Hindi naiwasan ni Johna na ipagdiinan ang salitang biological father.

Vaugh bowed his head. Laglag ang mga balikat nito at obvious ang lungkot sa aura. Naiinis si Johna sa sarili dahil nakakaramdam siya ng awa sa lalaki.

"I... I u-understand..." Nag-angat din ng ulo si Vaughn. Namamasa ang mga mata nito habang nakatingin kay Lia.

"Ipapakilala kita kay Lia bilang kaibigan ko. After a few more years, kapag nag-mature pa ang isip niya, kapag kaya nang i-absorb ng utak niya ang sitwasyon... then saka kita ipapakilala bilang tunay niyang ama," masakit sa loob na sabi ni Johna. She felt jealous for Prince. Pero noon pa naman, napag-isip-isip na rin niyang makakabuti kay Lia na alam nito kung sino ang tunay na ama. Iyon ang bubuo sa pagkatao nito. Prince was selfless. Pumayag ito. Alam nilang iyon ang makabubuti.

"A-agreed. Pero puwede ko siyang lapitan, hindi ba? Puwede ko siyang kausapin? Puwede ko siyang bilhan ng mga regalo."

Agreed? Wala kang choice kundi pumayag! gusto sana niyang isinghal sa pagmumukha nito. "Puwede mo siyang bigyan paminsan-minsan. But you can't shower her with gifts as often as you want to."

"Pero—"

"I make the rules here, Vaughn," putol niya. "Ako ang nakakaalam kung ano ang makabubuti para sa anak ko. And I'm sorry pero hindi mo muna siya mahihiram na wala siyang kasama dahil hindi pa kita kayang pagkatiwalaan. Oh, siyanga pala, ipina-process na ni Attorney Montecillo ang legal papers para maging legal na Patterson si Lia."

"What?" gulat na tanong nito, halatang hindi iyon nagustuhan.

She snorted. "Hindi ko hinihingi ang permiso mo. I'm just telling you that. Tunay na anak ang trato ni Prince kay Lia. Ayaw niyang maging outsider si Lia balang-araw. Aside from that, he wants Lia to bear his name para legal na magkaroon ng karapatan sa mga ari-arian niya. How selfless and loving could he get?" parunggit niya.

"Pero si Lia na lang ang magdadala ng pangalan ko," protesta ni Vaughn, nasa mukha ang kapaitan.

"Then bring it in court. Puwedeng doon natin 'yan pag-usapan," sarkastikong hamon ni Johna.

"Malakas ang loob mo kasi nasa likod mo sina Randall Clark," akusa nito.

"Malakas talaga ang loob ko kasi pinili kong buhayin ang bata," matalim niyang sabi. "Hindi katulad ng mga nakarelasyon mong kolehiyala dati. Mahina ang mga loob nila dahil sinunod ka nila na ipalaglag ang mga nasa sinapupunan nila. Ironic, isn't it? Siguro kung malakas din ang mga loob nila, hindi mo kami guguluhin ni Lia dahil maraming magdadala ng pangalan mo."

Her words hurt him. Hindi maitago ni Vaughn na apektado at nasasaktan ito sa mga sinasabi niya. Ganoon talaga, the truth really hurts.

"P-pinagsisisihan ko na ang mga 'yon. A-at habang-buhay na pagsisisihan," basag ang boses na sagot nito.

Nag-iwas ng tingin si Johna nang tumulo ang mga luha ni Vaughn. "I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin. Huling beses na niyang sasabihin ang mga salitang iyon. Alam niyang mahirap din ang sitwasyon ngayon ng dating boyfriend. Miserable ang buhay nito dahil sa kawalan na ng kakayahang mag-anak. Magiging thankful na lang siya dahil masaya ang buhay niya ngayon at sa hinaharap. She would forgive him. At siguro, iyon talaga ang kapalaran niya. Hindi siya pinanagutan ni Vaughn dahil may prinsipeng nakalaan para sa kanya.

Tumayo si Johna at pinuntahan ang anak. Sandaling nag-usap ang mga mata nila ng nanay niya bago ito marahang tumango.

"Lia, anak, halika, may ipapakilala ako sa 'yo."

"Naglalaro pa po kami ni Lola, eh..."

Ang nanay niya ang sumagot. "Sige na, apo. Sumama ka na sa mama mo. Sandali lang naman, eh. Kaibigan siya ng mama mo." Inalis din nito ang buhangin sa mga palad ng apo.

Tumayo si Lia. "Sige po, Lola. Wait n'yo po ako, ha?"

Hawak-kamay na iginiya ni Johna ang anak papunta sa kinaroroonan ni Vaughn. At nang makalapit, umupo siya para magpantay sila ng anak. "Lia, anak, siya si... T-Tito Vaughn mo. Kaibigan ko siya. Come on, say hello..."

Umupo rin si Vaughn na halatang nagpipigil na yakapin agad ang bata.

Kumaway si Lia. "Hello po. My name is Alia Grace Nava—ay!" Tinakpan nito ang bibig bago binalingan si Johna. "Hindi na nga po pala ako Navales, ano po, Mama? Sabi ni Papa, pare-parehas na po tayo ng apelyido kasi family na po tayo. Apelyido na raw po niya ang gagamitin natin," bibang sabi nito.

Napasulyap si Johna kay Vaughn. Nakita niya ang dumaang sakit sa mga mata ng lalaki. "Oo. Pero Navales ka pa rin. Kasi ang mga anak, parehong ginagamit ang apelyido ng mama at papa niya. Kaya ikaw, ang pangalan mo na ay Alia Grace Navales Patterson."

Tumango-tango si Lia. "Ah, gano'n po pala." Muli itong bumaling kay Vaughn. "My name is Alia Grace Navales Patterson. I'm five years old."

Vaughn blinked his tears away. "N-nice to meet you, A-Alia. I'm... I'm Tito Vaughn. P-puwede ba tayong maging m-magkaibigan?"

"Opo. Kung friend ka po ni Mama, puwede rin po tayong maging friends."

Nag-ring ang cell phone ni Johna. Dahil hawak iyon, nakita agad niya na ang asawa ang tumatawag. Baka hindi na ito mapalagay sa kaiisip kung ano na ang nangyayari sa pag-uusap nila ni Vaughn.

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon