KASABAY ng pagbabalik ng malay ni Johna ay ang pagbabalik din sa isip niya ng pangyayari sa restaurant. She opened her eyes. Gulat na iginala niya ang tingin sa paligid. At saka lang niya na-realize na nasa isang hospital room siya at may nakakabit na dextrose sa braso.
Nagtatakang napabangon si Johna. Umupo siya at isinandal ang likod sa headboard ng hospital bed. Okay, natatandaan niyang nahilo at nagdilim ang paligid niya kanina. Malamang ay hinimatay siya. Pero paano siya napunta sa ospital?
Kumunot ang noo ni Johna nang mapansin ang kulay-beige na jacket sa may silya. Pamilyar iyon sa kanya. May ganoong jacket si Prince. At—Bumukas ang pinto. It was Prince. Ganoon na lang ang paglukso ng kanyang puso nang makita ang binata. Para siyang nakakita ng makakapitan.
Iyon nga lang, pormal pa rin ang mukha ni Prince. Pumasok ito, ipinatong sa mesa ang bitbit bago naupo sa isang stool. Nasa mga mata pa rin naman ng binata ang pag-aalala pero mas nangingibabaw ang kapormalan. Na parang hindi nito gusto ang nakikita sa kanya.
"You okay?"
She was not okay. Napakalaking problema ang kinahaharap ni Johna, pero ngayong nakita niya si Prince, kakatwang gumaan ang loob niya. Because she knew she could count on him. "P-papa'nong nandito ako? A-at papa'nong nandito ka?" nagtatakang tanong niya.
"The owner of the restaurant is a friend. She's a doctor. Hindi mo siya kilala pero ilang beses na niya tayong nakitang magkasama. Pagpasok n'yo pa lang ni Vaughn, nai-text na niya sa akin na may kasama ka. She even sent a picture. You know, gusto akong pagselosin." Nagkibit-balikat si Prince na parang absurd ang ginawa ng kaibigan nito. Para tuloy tinusok ng karayom ang puso ni Johna. "Sabi niya, hindi ka lang basta hinimatay. You look stressed daw. Malamang, bumigay raw ang katawan mo dahil sa stress at pag-iisip. So, in-advice niyang i-confine ka at kabitan ng dextrose. Pinakiusapan ko siyang gawin kung ano ang nararapat," paliwanag ni Prince. "See. You've been sleeping for five hours now."
Nanlaki ang mga mata ni Johna. "Ano?" Nang tingnan niya ang suot na relo, lampas alas-singko na nga. Mukhang bumigay nga talaga ang katawan niya. Ilang gabi na rin kasi siyang hindi makatulog. Halos hindi makakain at pulos pag-iisip ang ginagawa.
"Apat na araw lang mula noong huli kitang makita but look at you, ang laki ng inihulog ng katawan mo. Para ka nang payat na panda dahil nangingitim ang paligid ng mga mata mo," nanenermong sabi ni Prince.
Sa wakas, naramdaman uli ni Johna na mahalaga pa rin siya kay Prince. He seemed really upset. His jaw was clenching. Parang gusto ng binata na yakapin siya nang mahigpit. Nasa mukha na gusto siya nitong i-comfort. Parang hinaplos ang kanyang puso.
"Tumawag na ako sa café at sinabing hindi ka makakapasok because you're in the hospital now. Tumawag na rin ako sa nanay mo."
Nag-init ang mga mata ni Johna. Sinubukan niyang punasan ang namumuong luha pero hindi iyon nagpaawat at tuloy-tuloy na nalaglag sa magkabilang pisngi. Tinuyo niya ang mga pisngi pero agad ding nabasa. Hanggang sa hindi na niya mapigilan ang sarili at nagkaroon ng tunog ang kanyang pag-iyak. Pakiramdam ni Johna ay puputok na ang dibdib niya sa sama ng loob. Sama ng loob para kay Vaughn. Saan ito kumukuha ng kapal ng mukha para sabihing gusto nitong kunin si Lia?
Prince sighed. Tumayo ito mula sa kinauupuang silya at sa gilid ng kama umupo. Hindi tumutol si Johna nang kabigin ng lalaki ang kanyang ulo at isandal sa balikat nito. There, in his shoulder she cried her heart out. Hindi niya pinigilan ang sariling umiyak at humagulhol. Pakiramdam niya ay unti-unting gumagaan ang kanyang loob sa bawat patak ng luha. Tahimik lang si Prince at hinayaan siyang umiyak sa balikat nito. Nasa likod niya ang isang kamay nito na marahang humahaplos.
With Prince by her side, she felt stronger and braver.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...