JOHNA answered her phone. "Love..." Lumayo siya nang tatlong hakbang mula kina Vaughn at Lia. Lumapit naman na ang nanay niya at naupo sa bench na malapit."L-love..."
Kumunot ang noo ni Johna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi iyon ang klase ng kabog na madalas iparamdam sa kanya ni Prince. Iyon ang klase ng kabog na may pangamba, may takot. "P-Prince, something wrong?" alertong tanong niya. Base sa boses ng asawa, parang hinang-hina ito. Parang pabulong at pinipilit lang na magsalita. "P-Prince..."
"J-Johna... I..." Narinig niya ang pag-ubo ni Prince.
Shit! Para siyang maiihi na hindi niya maintindihan. Nilalamon ng lamig ang buo niyang katawan.
"P-Prince, ano'ng nangyayari?" natatarantang tanong ni Johna, bagaman pinananatiling kalmado ang boses. Parang may nagkakagulo sa paligid ni Prince. She could hear the commotion. Mula sa gilid ng mga mata, nakita niyang nakatingin na rin sa kanya si Vaughn at ang nanay niya.
"I... I—l-love you. I w-will always do."
Kinilabutan si Johna. Naiiyak na siya sa takot dahil parang kinakapos na ng hininga ang asawa. Nang bigla siyang makarinig ng sirena ng ambulansiya sa background. Lumapit ang nanay niya. Humawak ang nanginginig niyang kamay sa kamay nito para kumuha ng suporta. Pumapasok sa isip niya ang mga pangit na eksena. "P-Prince, l-love, ano'ng nangyayari? B-bakit—Bakit nagkakagulo yata diyan? A-are you okay? B-bakit may ambulansiya? Are—" Oh, my God! Oh, my God! She could hear the commotion. Naririnig niya ang hirap na paghinga ni Prince. May naririnig siyang sirena ng ambulansiya kaya sino ang hindi matatakot at matataranta? "Oh, God, Prince, ano'ng nangyayari?"
"A-ayokong m-mag-alala ka... p-pero k-kung hindi kita kakausapin n-ngayon, baka... baka hindi na kita m-makausap k-kahit kailan... I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time..."
She gasped. "A-ano'ng... ano'ng s-sinasabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Johna. Hot tears were already running down her cheeks. Patuloy niyang naririnig ang sirena ng ambulansiya. "P—Prince, ba—bakit nasa a-ambulansiya ka?" walang boses na tanong niya habang nakatakip sa bibig.
"Johna? A-ano'ng nangyayari?" nag-aalalang tanong ng nanay niya.
Hindi siya makasagot. Natatarantang isinenyas niya si Lia, na tingnan nito ang bata.
"Prince!" sigaw niya. She felt so helpless. Parang... Parang nag-aagaw-buhay ang asawa niya at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang mag-teleport noon din mismo para puntahan ang asawa.
"I... w-want to tell you h-how—how much I love you."
"N-no... No!" umiiyak na sigaw ni Johna. Pumapadyak na siya. Nagpapaalam na ba ang kanyang asawa? Bakit naman ito magpapaalam? Maliban na lang kung delikado ang lagay ni Prince at sa tingin nito ay hindi makakalig—No, no!
"P-Prince, love, pa—pakausap sa m-medical staff ng ambulansiya," umiiyak na pakiusap ni Johna at mariing kinagat ang labi. Maybe Prince handed the phone to a staff because she heard a new voice. Agad niyang itinanong kung saang ospital iyon papunta, pagkatapos ay ipinabalik na niya sa asawa ang telepono. Sa ospital na niya uusisain kung ano ang nangyari.
"Johna, ihahatid na kita," alok ni Vaughn.
Hindi niya magawang tumanggi. Time was very precious at this very moment.
"Iuuwi ko na muna si Lia," sabi ng nanay niya.
Tumango siya bago sumama kay Vaughn.
"L-love...?" umiiyak na tawag ni Johna. Para na siyang masisiraan ng ulo. "P-please hold on. P-please don't talk anymore, b-baka lalong makasama sa 'yo," nagpapakatatag na sabi niya. "P-papunta na ako diyan. P-pupuntahan kita. P-please fight. Pleaseeee!"
Ilang sandali pa at humaharurot na sa kalsada ang kotse ni Vaughn.
Muling umubo si Prince sa kabilang linya. Nang magsalita ito ay halos hindi na marinig ni Johna ang boses nito. "W-will you hate me i-if I... c-can't m-make it?" Parang hinuhugot na sa ilalim ng hukay ang boses nito.
Nanindig ang lahat ng balahibo sa katawan ni Johna. Lalo siyang napahagulhol habang kinikilabutan at natatakot sa naririnig.
"Y-yes!" umiiyak na sagot niya habang nanginginig ang buong katawan dahil sa takot. "I—if you love me, you'll make it," pilit nagpapakatatag na sagot niya.Parang puputok ang kanyang dibdib. She couldn't breath. "I l-l-love y-you," garalgal na sabi niya. "I love you so much, Prince. I love you, a-as deep as the deepest sea. I love you with all my heart."
--------------------
don't forget to vote po. Kumusta po ang story so far? Nagustuhan n'yo ba? If, yes, paki-recommend naman sa friends ninyo, paki-post sa social media accounts. :) Salamat!
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...