"HINDI POR QUE napilit mo akong sumabay sa 'yo kaninang umaga, eh mapipilit mo uli ako ngayon," mataray na sabi ni Johna kay Prince. Nakaalis na ang mga kasamahan niya sa café. Habang tumatagal ay lalong nasasanay ang mga ito sa binata. Ang iba nga ay hindi na naniniwala na wala talaga silang relasyon. Hindi na motor ang dala ng binata kundi ang ang Fortuner nito.
Prince shrugged his shouders. Na para bang sinasabi na walang epekto rito ang pagtataray niya. Binuksan nito ang pinto sa passenger's seat. "Either sasakay ka nang kusa o bubuhatin kita at isasakay," kampanteng sabi nito. Ginagamitan na naman siya ng pagka-brusko.
"Subukan mo lang," hamon niya.
Prince smiled arrogantly. "I'm sorry to disappoint you, love, pero pagod na akong sumunod nang sumunod sa mga demands mo. Wake up call na para sa akin ang sinabi ni mommy."
Hindi makapaniwalang napatanga ang dalaga kay Prince. Tinaasan niya ito ng kilay. "Excuse me pero p'wedeng ipaalala ko sa 'yo na wala tayong relasyon? P'wede bang ipaalala ko sa 'yo na wala kang karapatang umakto na akala mo eh pag-aari mo ako? At, ano 'kamo, pagod ka ng sumunod sa mga 'demands' ko? Hello, hindi ako nagde-demand sa 'yo ng kahit na ano. Ikaw itong hindi makaintindi ng salitang 'Lubayan mo ako.'" Kailangan ng dalaga na panatilihin ang composure niya. Kailangan niyang maipanalo ang round na ito laban kay Prince. Kung hindi... naku po, baka maging sunod-sunuran na siya sa lokong ito na akala mo may karapatang diktahan siya.
Tumaas ang sulok ng labi ng binata na para bang na-a-amuse ito. Kabaligtaran iyon sa akala niya na mao-offend ito sa mga sinabi niya. Ikiniling nito ang ulo, pinagmamasdan siya. Kapagkuwan ay makahulugang ngumiti ito. Na para bang may alam itong sekreto tungkol sa kanya. "You're trying so hard, love. Mas lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo."
"Ano?" naguguluhang tanong niya. Hindi niya maintindihan ang sinabi nito.
Ngumisi ang binata. "Pinahihirapan mo ang sarili mo kasi kahit sa sarili mo pilit mong idini-deny ang totoong nararamdaman mo para sa akin. You're trying so hard to act like I am nothing to you."
Umalon ang sikmura ng dalaga. Paanong... papaanong tila nababasa nito ang bagay na pilit niyang itinatago sa kasuluk-sulukan ng kanyang isip? Nagiging transparent na ba siya? Because, yes, what he said was a bull's eye.
Sinikap niyang kalmahin ang sarili. "Wow," sarkastikong komento niya. "Saan mo napagpupupulot iyan, ha? Tsk. You're imagining things, Prince." Nayakap niya ang sarili dahil umihip ang panggabing hangin at talaga namang malamig iyon. Actually, kanina pa siya giniginaw.
"Sakay na," anito.
Imbes na makipagtalo pa, inirapan niya ito bago lumapit sa kalsada para pumara ng jeep. Pero walang ano-ano ay nasa harapan na niya si Prince at isang kisap mata ay parang sako ng bigas na pinasan siya nito.
"Ibaba mo ako bago pa ako tumili at tumawag ng atensiyon," banta niya.
"Gawin mo," balewalang sagot nito. Pero bago pa siya makatili ay naipasok at naiupo na siya ng binata sa passenger's seat. Isinara nito ang pinto bago lumigid sa kabilang bahagi ng sasakyan. Hindi makapaniwalang napabuga siya ng hangin. Ang guard sa café na si Mang Aris ay ngingiti-ngiti lang. Ano pa ba ang aasahan niya eh tagaroon din ito sa kanila. In no time, Prince was already seated behind the steering wheel.
"Do you think it's cute, Prince?" angil niya.
"Nasa iyo naman yan kung ganito lagi ang gusto mong mangyari," nakangising sabi nito. Kapagkuwan ay nahigit niya ang kanyang hininga nang umabante ito papalapit sa kanya. Habang lumalapit ay nakatingin ito ng deretso sa mga mata niya, may kislap ng kapilyuhan ang mga mata nito.
Her blood rushed at the back of her ears. "Ano'ng ginagawa mo?" sita niya, halos nakadikit na siya sa may pinto sa pag-iwas dito. Masyado nang malapit ang mukha nito sa mukha niya. Isa na naman ba ito sa kapangahasan ng binata? Shit, parang mabibingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Pulos nakaw na halik ang ginagawa nito dati, pero ngayon... ngayon ay hindi ito nagmamadali at parang inaakit siya. He was tempting her; intoxicating her with his warm and sweet breath.
"Relax. Ikakabit ko lang naman ang seatbelt mo," anito, nagsasayaw sa pagkaalis ang mumunting ilaw sa mga mata nito.
"Kaya kong magkabit ng seatbelt," sagot niya bago itinuon ang isang palad sa balikat nito at itinulak ito. Dahil sa inis ay umabante siya at pinagpapalo ang braso nito. Kinukurot at pinapalo niya ito. "Napaka-annoying mo talagang lalaki ka! Akala mo kung sino ka, ha. Akala mo kung sino ka."
"Ouch! Ouch!" anito, panay ilag sa atake niya. Pero hindi naman nasasaktan ang loko, nakatawa pa nga. "Kapag hindi ka tumigil, hahalikan kita sa lips."
Na-freeze sa ere ang mga palad niya. Ibinaba niya ang palad. Baka kasi gawin nga nito ang banta. Mahirap na at baka traydurin siya ng sariling katawan lalo pa't madalas na niyang natatagpuan ang sarili na nagpapantasya sa binata.
Sumimangot si Prince. Nagdadabog na ikinabit nito ang sariling seatbelt. "Aba at— Nakaka-offend ka ha. Parang ayaw mo talaga ng halik ko. Kuh. Ikaw lang talaga ang nakakagawa niyan sa akin, Johna. Masyado mo nang inaapakan ang pride ko." In-start ang sasakyan. "Kung hindi lang kita mahal..." bulong pa nito.
Tumingin si Johna sa labas ng bintana. Ginawa niya iyon para itago ang ngiti na hindi niya mapigilan sa pagguhit sa mga labi niya. Kapagkuwan ay hinagilap niya ang seatbelt at ikinabit iyon. Sinulyapan niya ang binata. Na sana ay hindi na niya ginawa dahil nakatingin din pala sa kanya ang lalaki. Natatarantang nag-iwas tuloy siya ng tingin. Pero hindi siya tinantanan ng binata, kumanta na naman ito.
"Pasulyap-sulyap ka sa akin. 'Di maintindihan. Ang ibig kong sabihin, kung may pagtingi'y ipagtapat mo na sa akin. Agad naman kitang sasagutin..."
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...