"HINDI sa opisina ni Attorney Montecillo tayo pupunta kundi sa bahay niya?" hindi makapaniwalang bulalas ni Johna. Kaninang tanghalian ay niyaya siya ni Prince na pumunta kay Milo Montecillo. Pumayag naman siya. Isinama nila si Lia na karga ni Prince. Nakayukyok ang bata sa balikat ni Prince dahil nakatulog sa biyahe.
"Correction, nandito na tayo sa bahay nila," sabi ni Prince.
Iyon na nga ang ipinanlalaki ng mga mata niya. Nasa bakuran na sila ng isang malaki at magarang bahay.
"Hindi ka pa rin convinced na close ako sa kanila? Really?"
"Hindi naman sa gano'n," natatawang depensa ni Johna. Siyempre naniniwala na siya pagkatapos na marinig iyon kanina kay Vaughn. "I'm nervous. Crush ko kaya sila."
Umungol si Prince. "Please! Mas guwapo ako sa kanila."
"Ang yabang naman nito." Sa pagkamangha niya, bumukas ang front door ng bahay at—holy cow! It was Randall Clark.
Natulala si Johna, lalo na nang tingnan siya ng lalaki at ngitian. The man was larger than life. Nanlambot yata ang kanyang mga tuhod.
"Bunso, ano pa ang hinihintay mo? Bring her in and introduce her to us," sabi ni Randall. "We're excited to meet her."
Bunso?! Tinawag talaga nitong "bunso" si Prince? As in?
"Hoy," untag ni Prince sa pagkatulala niya at bahagya siyang sinagi. "Nakakasakit ka ng loob, ha? Hindi ka natulala sa akin nang ganyan."
"B-bakit nandito si Randall Clark?" He was the only son of Senator Clark. Dahil nga sinubaybayan ni Johna ang grupo nito, aware siya nang masabit sa issue ng illegal drugs ang senador. Na-freeze pa nga ang lahat ng asset ng mga Clark. Pero tulad nga ng sabi nila, malalaman mo kung sino ang mga tunay na kaibigan sa pinakamababang parte ng buhay mo. Hindi iniwan si Randall ng mga kaibigan nito. Si Milo ang humawak ng kaso. In no time, Milo cleared his friend's father's name.
"Kuya Pierro is also here," nakasimangot na sagot ni Prince.
Suminghap si Johna. The gang was composed of seven guys. Sa pitong magkakaibigan, bagaman walang itulak-kabigin sa bawat isa, kay Pierro at kay Art siya nagka-crush nang todo.
"Talaga?" To Randall's amusement, si Johna na ang humila kay Prince para makapasok sa bahay. "Hi," sabi niya kay Randall. She was fangirling! "Ahm, ako si Johna Navales. I'm a fan."
"Hindi na nakapaghintay na ipakilala siya. Nagkusa na," bulong ni Prince.
Sabay silang natawa ni Randall. Sinenyasan siya nito na nakasimangot na raw si Prince. Kakatwang nagkakaintindihan na agad sila.
Binati siya ni Randall. He was so accommodating and welcoming. Hinalikan pa siya ng lalaki sa pisngi.
"Pinsan mo talaga si Prince?" kunwari ay hindi pa rin naniniwalang tanong niya kay Randall.
"Aba't—" naghihimutok na reaksiyon ni Prince.
"'Yon ba ang sabi ni Prince?" balik-tanong ni Randall. Halatang ikinatutuwa rin nito ang pagsimangot ni Prince.
God! The man was breathtaking.
"Kuya!" hindi makapaniwalang reaksiyon ni Prince.
"Oh, narito na pala kayo," sabi ng boses na nagmula sa isang panig ng bahay.
"Oh, my God!" exaggerated na reaksiyon ni Johna. It was no other than the mighty Lance Pierro Alvarez himself. He was the leader of the gang. The man with dark and dangerous eyes. He was already in his late forties, but damn... damn he was still so drop-dead gorgeous. Parang gusto niyang tawagan ang mga kaibigan at ibida na nakita at nakausap na niya nang personal ang ilang miyembro ng grupong ito. Of course, alam niyang hindi siya paniniwalaan. Kaya naman sisiguruhin niyang makapag-selfie sa mga ito.
"Hi."
The man smiled and Johna couldn't help but subtly sigh in admiration. Lumapit ito. "You're Johna, right? We heard so much about you. Pleased to meet you."
She gasped when he also kissed her cheek. Oh, my... Oh, my.
"Milo and his wife are in the kitchen. The rest were outside the country kaya hindi natin makakasama ngayon."
Binitiwan ni Prince ang kamay ni Johna at tumalikod habang karga pa rin ang natutulog na si Lia. Naglakad na ang binata papunta sa pinto.
"Prince, where are you going?" tanong ni Lance Pierro.
"Uuwi na," nagmamaktol na sagot ni Prince. "Bigla akong na-out of place."
Laughters roared across the hall.
Leave a comment and Vote! :)
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...