"Then... ikaw, what do you want from me in return?" lakas-loob niyang tanong. Pinag-isipan niya kagabi kung ano ang maaaring hilingin ni Prince sa kanya. And honestly, she had an idea.
Binalingan siya ni Prince na seryoso pa rin ang mukha. "Marry me."
Hindi napigilan ni Johna ang pagsinghap kasabay ng pagtuwid ng likod. Did she hear him right? "M-ma—marry y-you?" nauutal na tanong niya. Hindi iyon ang inaasahan niyang marinig. Dahil sa totoo lang, ang naisip niyang hihilingin ni Prince ay, "Spend two passionate weeks with me." Yup, ang katawan niya ang iniisip na maging kapalit. Who could blame her? Marami na siyang nabasang romance novels na ganoon ang eksena. At dahil naisip niya ang posibilidad na iyon, pinag-isipan din niya kung papayag o hindi. Sa huli, alam ni Johna na gagawin niya ang lahat huwag lang mawala sa kanya ang anak.
Pero ngayon, ang gusto ni Prince ay pakasalan niya ito? Like, really?
"I love you," he said, almost in a whisper. His face softened.
Gustong kilabutan ni Johna, lalo na nang sa wakas ay tingnan uli siya ni Prince sa mga mata. There was so much tenderness and love in his eyes. Parang bumalik ang Prince na na-miss niya nang sobra.
"Kung kailangang i-blackmail ka o suhulan para mapasaakin, then so be it."
Napalunok siya. Her eyes grew weary. Nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa labas ng bintana. Bagaman sa totoo lang, wala siyang nakakapang violent reactions sa dibdib. Nagulat siya, oo. Nasorpresa, oo. Pero wala siyang nararamdamang galit o disgusto. To be honest, parang tumatalon sa saya ang kanyang puso. It was wildly pumping against her chest. Gusto siyang pakasalan ni Prince. Hindi lang ang katawan niya ang habol nito.
"We'll try to make the marriage work. Pero kung hindi, kung hindi mo ako matututunang mahalin... handa naman akong pakawalan ka. Just give me a year or two."
Napapikit si Johna. Parang may sumuntok sa kanyang sikmura. May nararamdaman siya kay Prince—All right, mahal na nga yata niya. Kaya nasisiguro niyang imposible ang sinasabi ng binata na hindi niya ito matututunang mahalin. Sa tingin niya, walang ibang patutunguhan ang damdaming iyon kundi ang lalong magpakahulog kay Prince. She would fall for him hard.
"Johna."
Napapitlag siya nang hawakan ni Prince ang kanyang kamay. Napatingin siya sa binata.
"Ano'ng masasabi mo?"
Tiningnan niya ang mga kamay nilang magkasalikop. Their hands fit perfectly. Bagaman bahagyang nanlalamig ang palad ni Prince, dahil siguro sa nerbiyos, gusto pa rin niya ang pakiramdam na hawak nito ang kanyang kamay.
Napatingin si Johna sa mga mata ng binata. "H-hindi mo ako matutulungan kapag hindi ako pumayag sa gusto mong mangyari?"
She got her answer the moment she asked the question. Nabasa niya ang sagot sa mga mata ni Prince. His eyes couldn't lie. Tutulungan siya nito kahit ano ang mangyari. Hindi siya matitiis ni Prince because he loved her that much. He loved her and Lia.
Nag-init ang mga mata ni Johna. Napakagat-labi siya para pigilin ang emosyon. "P-pag-iisipan ko," sabi niya.
"That guy you like—"
"I didn't like him," agad niyang tanggi, at huli na para bawiin ang sinabi. Okay, might as well lay her cards on the table. Mabuti na ring malinaw niya sa binata kung ano ang nangyari. "He means nothing to me. G-gusto ko lang bigyan ka ng dahilan para tigilan mo na ang pangungulit sa akin."
Akala ni Johna ay ikatutuwa ni Prince ang narinig pero mukhang hindi. Nag-iwas pa ito ng tingin.
"You used him, I see. Gano'n ka ba kadesperada para alisin ako sa landas mo?" Mahina lang ang boses nito pero bakas doon ang sakit.
"I'm sorry." Kung alam mo lang na sising-sisi ako pagkatapos n'on...
"So now, kinamumuhian mo na ba ako dahil gusto kong magpakasal ka sa akin?"
"H-hindi. I never hate you. I will never hate you."
Nagpakawala ng buntong-hininga si Prince. "Pag-isipan mo kung gusto mo akong pakasalan o hindi. Tatanggapin ko kung ano man ang maging sagot mo."
--------------------
Finally nakapag-update din. :) Salamat sa mga matiyagang naghintay!
For more updates, huwag pong mahihiyang mag-comment at mag-Vote, please. Para naman malaman ko na nagustuhan ninyo ang kuwento. Salamat!
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...