Part 52

1.3K 64 2
                                    

MARIING itinikom ni Johna ang mga labi para pigilin ang pag-alpas ng hagulhol. She bit her trembling lips hard and fought her emotions as she watched her husband lying helplessly on the hospital bed. Parang hindi niya kayang makita ito sa ganoong kondisyon. He was lying so still. Maputla ang mukha at mga labi. May tubo sa bibig. At parang mabibingi siya sa mahihinang tunog na nagmumula sa iba't ibang aparato.

"P-Prince..." garalgal ang boses na tawag ni Johna habang umuupo sa silya sa tabi ng kama. Kaaalis lang ng mommy ni Prince. Ang iba ay nasa labas ng ICU. Kinuha ng nanginginig niyang kamay ang kamay ng asawa. Hinawakan niya iyon at hinalikan. "L-lalaban ka, h-hindi ba? L-lalaban ka p-para sa m-mga taong nagmamahal sa 'yo. P-para sa mga taong mahal mo..." Patuloy ang pag-agos ng maiinit na luha sa magkabilang pisngi niya. Nagsisikip ang kanyang dibdib at nananakit ang lalamunan.

"M-mahal na mahal kita. A-ang dami ko nang pinagdaanan... Ang dami ko nang pagsubok na nalampasan... 'tapos 'eto na naman. B-bawal ba akong maging masaya? P-pakiramdam ko, laging may kapalit ang kasiyahan." Ano ba ang naging kasalanan ko para pagdaanan lahat ng pagsubok na ito? Terorista ba ako sa previous life ko? Masamang tao ba ako kaya ngayon ay wala akong karapatan na maging masaya habang-buhay? Lagi bang susubukin ang katatagan ko?

"L-love..." humahagulhol na sabi ni Johna. "P-please fight. N-nagsisimula pa lang tayo. Marami pa tayong gagawin kaya huwag mo kaming iiwan. D-don't you dare leave me, love. M-maawa ka sa akin, ha? I love you. I love you so much.

"Oh, God..." Impit na humagulhol siya. "Please tell me... A-ano ang kailangan kong gawin para sa kaligtasan ng asawa ko? A-ano ang kailangan kong i-give up para lang iligtas N'yo siya? P-please tell me. G-gagawin ko ang lahat. I-iligtas N'yo po ang asawa ko..."

Napatayo si Johna nang biglang tumunog ang mga alarm. "A-anong—" Binalot ng lamig ang katawan niya nang ma-realize na nagmumula sa mga monitor ng vital signs ang alarm. Nagbi-blink iyon habang nagkukulay-pula. Danger, danger...

I love you, Johna. Mahal na mahal kita, sabi ng boses sa tainga niya. Parang boses ni Prince. Pagkatapos, nawala ang panlalamig ng kanyang katawan. Something warmth enveloped her. A kind of warmth that was so eeringly familiar. It was like her husband's hug.

Natulala si Johna habang naninindig ang mga balahibo. Para siyang natuod at hindi makagalaw. But tears were tremendously flowing down her cheeks. Hanggang sa bumukas ang pinto at magsipasukan ang mga tao—doctors. Nagmamadali ang mga ito nang lapitan si Prince. Johna was too shock to respond. Pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng umiikot na ipuipo.

"J-Johna," sabi ng boses na kumapit sa kanya.

Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari. She gasped aloud when something hit her face. May sumampal sa kanya. At saka lang parang bumalik ang realidad sa kanya. Saka lang siya nakawala mula sa pagkakatulala at saka lang na-realize na nandoon na siya sa hallway.

"I'm so sorry to do that. Natulala ka na kasi. I need to bring you back," paghingi ng paumanhin ni Jared.

Hindi inintindi ni Johna ang panghahapdi ng pisngi. Humahagulhol ang mommy ni Prince. Sina Randall ay tensed na palakad-lakad habang namumula ang mga mata. Binalingan niya ang ICU. "P-Prince?!" hintakot na bulalas niya nang ma-realize kung ano ang nangyayari. "P-Prince, no, Prin—ce!" hiyaw niya. Para siyang masisiraan ng ulo. Sumigaw siya. Humagulhol. She needed to release the pain or else she would lose it. Maagap naman siyang niyakap at inalo ng biyenan. "M-mahal kita. P-please d-don't give up... please! H-huwag mo kaming iiwanan. Please! N-nakikiusap ako. Nakikiusap ako..." Patuloy siya sa paghagulhol. Parang puputok ang dibdib niya sa nagsisiksikang takot at pag-aalala. Hanggang sa mahirapan na siyang huminga. Sinapo niya ang dibdib.

"J-Johna... Johna..." Nag-aalalang nilapitan siya nina Randall at Vaughn.

"I... I c-can't breathe," sabi niya na kay Randall nakatingin. Iyon lang at kinarga siya nito.

"Call another doctor!" utos nito sa kung sino.

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon