Part 53

2.1K 129 25
                                    

PRINCE'S condition has gone from worse to worst. He was now in life support. Parang unti-unting pinapatay ang puso ni Johna habang nakatingin sa nakahimlay na asawa. And she couldn't do anything! Napakahirap at napakasakit na makita ang mahal mo sa buhay na nahihirapan pero wala kang magawa. It was the worst feeling in the world.

Pinahid ni Johna ang mga luha. "A-alam kong... Alam kong kailangan kong magpakatatag..." Kinagat niya ang labi para pigilin ang paghagulhol pero hindi niya kinaya. Impit siyang umiyak habang hawak ang kamay ng asawa. Namamaga na ang mga mata at ilong niya. Namamaos na ang boses. "I—I'm sorry. I k-know you hate these tears but I'm sorry I c-can't help it. P-paano akong hindi iiyak kung... kung..." Hindi niya napigilan ang muling paghagulhol.

"P-Prince, love, h-hindi ka namin susukuan kaya sana... Sana h-huwag ka ring sumuko, ha?" She bit her trembling lips. And then she took deep breaths. "I know you're still there. I w-won't let you go. H-hindi kita papayagan. If... if you need a lot of rest, t-then rest. P-pero ipangako mong gigising ka. Ipangako m-mo. H-hihintayin kita. H-hindi ako aalis sa tabi mo."

Bumuga ng hangin si Johna. Bakit ba kailangang mangyari ang bagay na iyon? Bakit kailangang subukin na naman siya nang ganoon katindi? The road was rocky again...

She swallowed hard. "I love you. N-naririnig mo ba ako? M-mahal kita. M-marami kaming nagmamahal sa 'yo. M-maraming dahilan para lumaban ka, Prince. B-bibigyan pa natin ng kapatid si L-Lia. K-kaya nakikiusap ako... m-magpagaling ka. B-bumalik ka sa amin..."

Oh, God! Please po, huwag si Prince. Huwag si Prince...




"GAWIN n'yo ang lahat para mahuli ang sniper," puno ng authority na utos ni Randall Clark sa ilang matitinik na agent. They've been doing secrets jobs for him and his friends for the past years. Alam na ng mga ito kung ano ang gusto niyang mangyari. "Check all the CCTVs in the vicinity. I-profile n'yo rin ang limang biktima ng pamamaril. Make a list of their enemies and know their capabilities. Alamin kung sino talaga ang target ng sniper."

"Yes, Boss."

Bagaman iniimbestigahan na ng pulisya ang nangyari, pinili pa rin ni Randall na magsagawa ng sariling imbestigasyon. Random shooting? He wasn't buying that. May hinala siya na isa talaga sa limang biktima ang target. Idinamay lang ang iba para magkaroon ng confusion.

"I want a result as soon as possible. Magdagdag ng tao kung kinakailangan. Don't disappoint me." Nobody hurts his family. Those who dared had paid dearly. At ngayon, nasa bingit ng kamatayan si Prince, at hindi niya iyon mapapalampas. Heads will roll.



------------------------

Kumusta po ang story, so far? :) Paki-VOTE po. Leave a COMMENT. Ma-a-appreciate ko po nang sobra kung ise-share n'yo ang story sa friends ninyo. :) 

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon