CHAPTER SIX
"HUWAG mong sabihing aatras ka?" nakataas ang kilay na tanong ni Johna kay Bill. Palabas na sila noon ng school.
Nagkamot ng ulo ang kaklase. "Siyempre, hindi. Akin na 'yang mga books mo." Kinuha ng kaklase ang mga kipkip niyang libro at ito na ang nagdala.
"Good." Lihim na bumuntong-hininga si Johna. Baka ang pagkakaroon niya ng maipapakilalang boyfriend ang magpapatigil kay Prince sa pangungulit sa kanya. She needed a pretend boyfriend. Or at least, kailangan niya ng lalaking kunwari ay nagugustuhan niya. At humingi siya ng pabor kay Bill para tulungan siya. Prince was getting on her nerves, at nawawala siya sa focus. Hindi niya kailangan ng distraksiyon sa puntong ito ng buhay niya. Ayaw niyang maulit ang nangyari noon na nawala siya sa focus dahil sa pagpasok sa isang relasyon. Kaunting panahon na lang ay ga-graduate na siya. Hindi niya iyon kayang ipakipagsapalaran.
"Bakit hindi na lang natin gawing totohanan?" sabi ni Bill na lalo pang dumikit sa kanya. Sasawayin na sana niya ang binata pero napansing nasa labas na ng gate si Prince. Kailangan na nilang simulan ang palabas.
Hinawakan niya sa braso si Bill at nginitian nang matamis. "Gago! Hindi mo ako maisasama sa listahan ng mga babaeng napasakamay mo, 'no?"
Bill laughed. "Nanggigigil ka pero nakangiti ka sa 'kin. Nakakapit ka pa. Is he around already?"
"Oo." At sigurado si Johna na nakita na sila ni Prince. In fact, naramdaman niya ang matalim na tingin nito sa kanila ni Bill. At hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya.
"I think you really like him," komento ni Bill. "Hindi ka mag-e-effort ng ganito kung wala kang nararamdaman sa kanya."
"Shut up," angil niya. Tama si Bill, hindi nga niya iisipin ang kalokohang iyon kung wala siyang nararamdaman kay Prince.
"Sisingilin kita nang malaki para dito, Johna," nakangising sabi ni Bill.
"Excuse me. Kung hindi ko lang alam na gustong-gusto mo ang sitwasyong ito. Nagagamot ang nasugatan mong ego. Iisipin na ng mga kaklase natin na nadala rin ako ng charms mo. Kung susumahin, ikaw pa ang may utang sa akin."
Bill laughed. "I know, right."
"Johna."
Tumayo yata ang mga balahibo ni Johna sa malamig na boses ni Prince. Kalalabas lang nila ni Bill ng gate. Hindi niya alam kung bakit nanlamig ang kanyang mga paa. Looking at Prince's grim face, parang gusto niyang umurong sa palabas na iyon. Nakatiim-bagang ang binata, madilim ang mukha at mariing nakatikom ang mga labi. He looked dangerous. Pero hindi... She needed to get rid of Prince. Kailangan niyang alisin ang distraksiyon. Kailangan niyang umiwas sa lalaking nakikihati sa kanyang focus at attention.
Binalingan ni Johna si Bill at kinuha rito ang kanyang mga libro. "Thank you. See you tomorrow."
"Yeah. See you tomorrow."
Natigilan siya nang lumapit ang mukha ni Bill na parang hahalikan siya. Hindi siya sigurado kung sa mga labi o sa pisngi lang.
Pero bago pa tuluyang makalapit ang mukha ni Bill sa kanyang mukha, nadaklot na ni Prince ang damit nito.
"You should not kiss somebody elses' woman." Pagkatapos ay buong buwelong sinuntok si Bill.
"Prince!" nahihindik na bulalas ni Johna. Sadsad si Bill sa lupa. Agad niya itong dinaluhan at tinulungang makatayo. Nakatawag sila ng atensiyon at nagsimulang paligiran ng mga estudyante. Gigil na nilapitan niya si Prince at hinampas ng libro ang dibdib nito. "Sino ka sa palagay mo? Ano ang karapatan mong basta na lang manuntok?"
Lalong dumilim ang mukha ni Prince at naggalawan ang facial muscles. Hinawakan nito ang braso niya. "Let's go."
"Ano ba!" Iwinasiwas niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. Pagkatapos, automatic na tumaas ang kamay niya at sinampal si Prince. Maging si Johna ay nabigla sa kanyang ginawa. She couldn't believe it. Gusto niyang lapitan ang binata at mag-sorry. Gusto niyang sabihin na hindi niya sinasadya. Pero hindi niya magawa. Iyon ang unang beses na naging marahas siya. Prince was so hurt. Kitang-kita sa mga mata nito ang sakit. Hindi sakit na dulot ng pagkakasampal kundi sakit na dulot ng nasasaktang puso. She could feel his pain. Kakatwa na maging siya ay nasasaktan.
Pero iyon naman ang gusto niya, hindi ba? Gusto niyang saktan si Prince. Gusto niyang bigyan ito ng dahilan para tigilan na siya. Nagawa na niya kaya paninindigan na.
"H-huwag kang umakto na pag-aari mo ako. H-huwag kang umakto na may karapatan ka sa akin dahil wala. Wala! At wala kang pakialam kung may iba man akong nagugustuhan. So stop pestering me. Please just stop! Nag-aaksaya ka lang ng oras sa akin. Kailan mo ba 'yon maiintindihan?" sabi ni Johna bago tinalikuran si Prince.
Mariin siyang napakagat-labi. Shit. What have I done? Kitang-kita ni Johna ang sakit na bumakas sa mukha ng binata. Parang kutsilyo ang mga salita niya na tumutusok sa puso nito.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...