CHAPTER 4
"JOHNA!"
Napilitang tumigil ang dalaga sa paglalakad at lumingon sa pinagmulan ng tinig. Mula iyon sa bahay nina Prince at ang ina nito ang tumatawag sa kanya. Kahahatid lang niya kay Lia sa school.
Nakita niya ang ginang na mukhang kalalabas lamang ng bahay. May hawak itong water sprayer. Nalampasan na niya ang bahay kaya naglakad siya pabalik. "Magandang umaga ho, Aling Yolly," bati niya. Malaki ang bahay nina Prince. Parang mansion na nga. Sa lugar nila, isa ang Patterson sa mayayaman. Sundalong amerikano ang ama ni Prince. Laging naka-enlist kaya tuwing may pagkakataon lang ito nakakauwi sa Pilipinas. Sa Subic daw nagkakilala ang ama at ina nito. May isang kapatid si Prince na Princess naman ang pangalan. Sa apat na taon na paninirahan nila sa Barangay Masinop, hindi na niya mabilang ang mga pagkakataong narinig niya mula sa mga Ka-barangay na hindi lang umano ganito kayaman ang mga Patterson. Masyado lang umanong mabait at down-to-earth ang mga ito kaya na nananatili sa barangay nila. Oh well, saksi naman siya sa kababaan ng loob ng mga ito. Naging takbuhan ng tulong ang mga Patterson. Si Prince nga eh tropa ng mga siga at tambay sa kanto. Dahil sa mga Patterson, naniniwala na siya na may mga mayayaman talaga na nakaapak pa rin sa lupa.
"Magandang umaga rin sa 'yo," anito. Binuksan nito ang gate. "Buti at natiyempuhan kita. Pumasok ka muna sandali."
"Po? Eh—"
Hinawakan nito ang braso niya at marahang hinila siya papasok kaya napilitan siyang umagapay dito. "Alam kong maghahanda ka pa pagpasok, may ibibigay lang ako. Dumating kahapon ang package na ipinadala ni Princess. May padala sa inaanak niya."
Ang inaanak na tinutukoy nito ay si Lia. Though hindi naman talaga ito ninang ni Lia. Nabinyagan na kasi ang bata noong nasa Batangas pa sila. Habang lumalaki si Lia ay kinagiliwan ito ng mga tao sa subdivision. Biba at maganda kasi ang bata. Noong mag-a-apat na taon na ito ay nagtanong kung bakit wala umano itong ninang at ninong na napamamaskuhan. Hindi niya maalala kung anong okasyon noon pero nagkakatipon-tipon sila noon. Nag-volunteer si Princess na maging ninang at pati na ang iba pang kadalagahan at kabinataan doon.
Inalok siya nito ng kape pero maayos siyang tumanggi. "Siya, maupo ka muna. Kukunin ko lang sa itaas," magiliw na sabi nito nang makapasok sila. Iminuwestra nito ang sofa. Sasabihin sana niya kanina na hihintayin na lang niya sa labas pero hindi niya natagpuan ang boses niya.
"Whoa!" anang boses ni Prince na kumuha sa atensiyon niya. Johna's heart skipped a beat. Bigla siyang nataranta pero agad niyang kinalma ang sarili. Nakita niya ang binata sa itaas ng grand staircase. Mukhang kagigising lang at kalalabas lang ng silid.
Boy, he was shirtless! Pantalong maong na may malaking butas sa bandang tuhod ang tanging suot. Parang gustong mapalunok ni Johna sa katawan nito. Ngiting-ngiti ang loko.
Bumaba ito ng hagdan. "Ang aga mo namang manligaw."
Pinandilatan ni Johna ng mga mata si Prince kahit ang totoo ay parang gusto niya itong titigan. Si Mrs. Patterson ay natawa. Noong unang biru-biruin siya ni Prince, aware si Johna na hindi siya gusto ng mommy nito.
Pero habang lumalakad ang panahon, nagiging malambot ito sa kanya. Siguro ay dahil nakita nito na hindi siya katulad ng kung ano mang masamang impresyon nito sa kanya noon. Isa pa, aware si Mrs. Patterson na hindi rin naman iilang foreigner ang nag-alok sa kanya ng magandang buhay. And those foreigners aren't DOM, if she may say so. Sa isang primera klaseng restaurant siya unang nag-part time. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero maganda siya, maganda ang tindig at maganda ang hugis ng katawan. She was sexy. Noon pa man ay malaki na ang bulas ng katawan niya. Amazingly, lalong gumanda ang hugis ng katawan niya noong magkaroon siya ng anak.
"Teka't kukunin ko lang ang padala ni Princess," anito.
Si Prince ay nakababa na ng hagdan.
"Good morning," anito habang lumalapit sa kanya. Gulong-gulo ang buhok ni Prince, mamula-mula ang mukha, at bahagyang naniningkit pa ang mga mata. He was a sight to behold. Nakapaa ang loko at sa malas ay guwapong—
Hindi, hindi siya guwapo. Hindi... pangungumbinsi ni Johna sa sarili. Hindi siya hot. Hindi rin malakas ang sex appeal. Mukha siyang unggoy. Puro bilbil at taba ang katawan. Pandak pa at — Oh, shit, ang abs! Iniiwas niya ang mga mata sa dibdib nito. Bagong gising si Prince. Gulo ang buhok pero— damn, the insides of her mouth watered.
"Coffee? May pandesal ako dito, mainit pa," nakangising sabi ni Prince. Punong-puno ng panunukso ang mukha. Ang mga mata ay kumikinang sa kapilyuhan at katuwaan. Alam niya na ang pandesal na tinutukoy nito ay ang abs na nakabalandra sa mga mata niya.
"Hindi ako mahilig sa pandesal," nakairap na tugon niya. Pero hayon at parang nangangati ang mga palad niya. Parang hindi iyon mapakali at gustong damhin ang mga pandesal na iyon. Malaki ang kaha ng katawan ni Prince. And it was kind of sculpted into perfection. Kasi naman define na define ang mga abdominal muscles nito.
"Really? Pero ibang klase ang pandesal ko. Kapag natikman mo, siguradong—"
"Will you please stop it?" Nag-iinit ang mga pisngi na sita niya. Paano ba naman kasi, hindi lang topless ang loko, low waist din ang pantalong suot. Kita na ang garter ng suot nitong briefs na kulay puti. Aaminin niya, ang hot ng binata. Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung ano ang imino-model nito, kung ang briefs o ang pantalon, o kung ano mang pangpa-guwapo. He was oozing with sex appeal.
Johna, hindi mo nga papansin ang mga katangian niya, 'di ba? Huwag mo na lang siyang pansinin, paalala niya sa sarili. Pero kasi, ang hirap panindigan na hindi siya apektado ng lalaki. Gumuguho na nga talaga ang depensa niya. Oh, damn! Naglalaway na talaga siya sa lalaking ito. Napalunok tuloy siya ng hindi oras.
Prince Wolfe grinned. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang walang babalang sinapo ng mga palad nito ang mukha niya. "You're blushing, love," anito.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...