CHAPTER EIGHT
WALANG nagawa si Prince nang hilingin ni Johna na gusto na niyang lumabas ng ospital. Dinala siya ng binata sa isang mataas na burol. Mula roon ay kitang-kita ang nagsasayawang ilaw ng Angeles City. Para iyong mga bituin sa madilim na kalangitan. Nasa may railings sila at nakatanaw sa tanawing iyon. Mahangin kaya walang lamok. Hindi lang sila ni Prince ang nandoon dahil may mga couple rin doon.
Mayamaya, ipinatong ni Prince sa likod niya ang jacket nito.
"A-alam mo bang gusto nina Inay na iparehistro sa pangalan nila si Lia?" umiiyak na pagkukuwento ni Johna. Kanina pa siya umiiyak at halos mamaos na. Namamaga na ang mga mata at ilong niya. "K-kikilalanin lang ako ni Lia na kapatid. Lilipat daw kami ng lugar, doon sa walang nakakakilala sa amin. Para daw makapagbagong-buhay ako. B-bata pa raw ako at m-marami pang opportunity ang darating sa akin." Sumisigok na umiling siya. Tears were flowing freely down her cheeks. "T-tempting, p-pero hindi ako pumayag kasi... kasi a-anak ko 'yon, eh." Pumiyok ang boses niya. "O-oo, nagagalit ako kay Vaughn pero hindi sa buhay na nasa sinapupunan ko." Humagulhol siya. "B-because every baby is a gift from God. H-hindi sila pagkakamali. Oo nga't nakakagulat ang pagdating niya pero kahit kailan ay hindi siya isang pagkakamali. P-pinandigan ko si Lia. I... I w-was so young and scared p-pero pinanindigan ko ang buhay na nasa sinapupunan ko. M-minahal ko siya nang buong puso. Hindi madaling maging dalagang ina, lalo't napakabata ko pa, pero kinaya ko..." daing ni Johna. "K-kinaya ko kasi mahal na mahal ko ang anak ko! K-kinakaya ko ang responsibilidad hanggang ngayon kasi mahal ko ang anak ko. Nag-aaral ako, p-pinagkakasya ko ang oras ko para sa anak ko. K-kinakaya ko lahat ng hirap, lahat ng pagsubok dahil mahal ko ang anak ko." Patuloy siyang humagulhol. Ang sakit-sakit ng kanyang dibdib. She wiped away the tears. Pero walang silbi na maya't maya niyang punasan ang mga pisngi dahil agad din naman iyong nababasa. Hinahayaan lang siya ni Prince na magsalita. Alam nitong makabubuti kung ilalabas niya ang lahat ng hinanakit at sama ng loob.
"...'T-tapos ngayon, sasabihin ni Vaughn na kukunin niya si Lia? Na mabibigyan niya ng magandang buhay ang anak ko?" mapait na patuloy ni Johna. "M-mabibigyan ko rin naman si Lia ng magandang buhay, ah. K-kaya nga ako nagsisikap kasi w-wala akong ibang iniisip kundi ang kinabukasan ng anak ko. K-kaya nga kinakaya ko ang lahat ng hirap..." Humagulhol siya. Oh, God. Hindi niya kakayaning mawala sa kanya ang anak. "Ang kapal ng mukha niya para sabihing kukunin niya ang batang gusto niyang pagkaitan ng buhay noon!" naghihinanakit na sabi niya.
"What?" biglang tanong ni Prince na tumiim ang mga bagang.
Humikbi si Johna. Bumuga siya ng hangin para pagluwagin kahit paano ang nagsisikip na dibdib. "N-noong sabihin ko kay Vaughn na buntis ako, he was shocked and rattled. Pero mayamaya sinabi niya: 'It's okay. We'll just get rid of it. May alam akong clinic na puwede nating puntahan.' A-abortion. Gusto niyang ipa-abort ko ang baby," mapait niyang pagkukuwento. "I... c-couldn't believe he was that evil. S-sa puntong 'yon, wala akong ibang naisip kundi protektahan ang baby sa tiyan ko at siguruhing makikita niya ang mundo. Kung ayaw siyang panindigan ng ama niya, paninindigan ko siya. K-kakayanin ko..."
"That bastard," gigil na komento ni Prince.
Sinulyapan ni Johna ang binatang katabi. Kahit nanlalabo sa luha ang mga mata, nakita pa rin niya ang galit sa mukha ng binata. Parang mapapatay nito si Vaughn nang mga sandaling iyon. "P-paano na, Prince? P-paano 'pag kinuha nila ang anak ko?" humahagulhol na daing niya. She felt so helpless. "H-hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Lia. P-pero... pero paano ako lalaban sa kanila? P-para akong kuto lang na kayang-kaya nilang tirisin."
Hinawakan ni Prince ang braso niya, pagkatapos ay dahan-dahan siyang ipinaloob sa mga bisig nito. Hindi siya tumutol. Para siyang kusang nagpapadala sa agos ng tubig at hinahayaan kung saan siya dadalhin. Walang sinabi ang binata. He just hugged her.
Natagpuan ni Johna ang sariling pumipikit at dinadama ang init ng yakap ng binata. His embrace was calming and tender. She felt so secured in his arms. Hindi niya alam na ganoon pala ang pakiramdam ng yakap ni Prince. Gusto niyang gumanti ng yakap at gustong mas higpitan ni Prince ang yakap sa kanya. Mula nang maging ina, sinikap na niyang magpakakatag at tumayo sa sariling mga paa. Pero ngayon... parang hindi niya kayang mag-isa. Kailangan niya ng makakapitan, ng masasandigan.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...