Hindi ko maiwasang damhin ang hangin humahaplos sa aking mukha. Nililipad ang aking buhok.
Nga pala nasa jeep ako ngayon. Kala nyo ha. Kaya feel na feel ko talaga ang hangin. Ang bilis ba naman mag drive si Manong.
Napatingin ako sa mga kasabay kong pasahero. Puno yata kaya nagsisiksikan.
Sa paglibot ng aking paningin. Ngayon ko lang namalayan na pogi pala ang katabi ko sa kanan.
Hindi ko kasi napansin kanina. Dahil nakatalikod ako sa kanya.
Napangisi ako sa naisip. Ma try nga.
Umayos ako ng upo. Kung kanina nakatalikod ako ngayon. Hindi na. Hinayaan kong liparin ang buhok ko. Ganda ganda ako sa sarili. Nakakatulong yung hangin. Kaya damang dama ko. Lihim kong hinarap si pogi.
Sa wakas pinansin din ako nito.
" Miss?" Nakangiti akong lumingon dito.
Oh? Diba? Pati si pogi hindi makaya ang ganda ko.
" Yes?" Mahinhin kong sagot dito. At binigyan ng isang ngiti si pogi.
" Pakialis nga yang buhok mo. Nasisira ang beauty ko. Humampas ba naman sa mukha ko." Maarte nitong sabi.
Nalaglag ang panga ko at wala sa sariling pinusod ang buhok.
Bading pala si Pogi. What the H?
Ang epic. Dahil sa kahihiyan. Tumalikod ako dito hanggang sa nakababa na ako sa jeep.
Napahinga ako ng maluwag ng umalis na ang jeep kasama yung pogi. Bading pala.
Napa iling iling na lang ako. Pambihira. Yan kasi kung ano ano na naman pag assume mo. Tsk. Ano napapala mo?
Sermon na naman mg magaling utak.
Teka? Hindi ko pa nagagawang magpakilala.
Era nga pala.
Isang dyosa.
Ayaw nyong maniwala?
Well papatunayan yun ng my loves ko.
Asan na nga ba yun?
Natigilan ako ng iniluwa ng isang mamahalin na sasakyan ang my loves ko.
Napatago naman ako sa isa sa mga pader. Nga pala narito na ako sa malaking establishimento.
Sinilip ko muna ang my loves ko. Nang makitang pumasok ito. Inayos ko ang sarili at nagsimulang maglakad sa pinakusan din ng my loves ko.
Nga pala. Hindi ako tuluyang stalker ha. Nalimutan kong sabihin sa inyo. Isa akong dyosa at nagtatrabaho bilang secretarya ng my loves ko.
Well hindi ko naman nagustuhan ang my loves ko dahil sa yaman nito. Kundi sa ugali at syemre mala greek god na mukha nito.
Meron akong nakakasabayang mga empleyado at dahil matagal tagal na din ako dito. Marami rami na din ang kilala ko dito.
Dumiretso ako sa opisina ng my loves ko. The truth is hindi talaga may ari ng kompanya itong my loves ko. Dakilang kaibigan ito ng may-ari kaya sa kanya na muna ipinakatiwala.
Hindi naman nagkamali ang kaibigan nito. Dahil magaling naman ang my loves ko sa pag hahandling. Proud na proud nga ako.
Kung tinatanong mo kung asan yung Boss namin?
Sa totoo lang pa secreto yung Boss namin. I heard that he is young yet he is a successful man in the industry.
Ni isa sa amin dito hindi pa ito nakikita. Pero sabi nila mala greek god din daw kagaya ny loves ko.

BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomanceLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!