Chapter 25

147 1 0
                                    


Napagulong gulong ako sa kama ng maalala ang nangyari ng magkita ulit kami ng loko.

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa din ako maka move on.

Nang makita kong papalapit ito sa akin.

Bigla akong kinabahan.

Sa hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman.

Bigla akong napatakbo.

Nang makarating sa sasakyan. Napasabunot na lamang ako.

Gusto kong yakapin ang loko pero ano ang ginawa ko?

Tinakbuhan ba naman.

Napa iling iling na lang ako.

Wala na akong magagawa.

Nakakahiya naman kapag naisipan ko pang bumalik dun.

Bigla kong naalala si Kyla. Kaya tinext ko ito na mauna ako.

Tinago ko na ang Cellphone sa bag. At pinaandar ang sasakyan.

Baliw ka talaga Era.

End of flashback...

Sino ba naman baliw ang tatakbo agad?

Ano na lang ang iisipin ng bata.

Ikaw talaga Era.

Tamad akong tumayo at napagdesisyunan na maghanda.

Kailangan kung pumasok.

Fast Forward..

Kakarating ko lang sa School. Habang naglalakad. Meron akong nakakasalubong na mga mag-aaral. Meron ding mga guardian ng mga bata na bumabati sa akin.

Kaya napapangiti na lamang ako at bumabati pabalik.

Miiiiiiiiiiiiissssss

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa taong yun.

Napangiti ako ng makilala ito.

" Princess ikaw pala." Ako nang magawa nitong makalapit sa akin.

" Good Morning Miss." Masayang bati nito.

" Good Morning din." Ako at ginulo ang buhok nito.

" Si Manang ba ang kasama mo.?" Ako. Hindi ko kasi nakita si Manang. Ang palaging naghahatid sundo sa kanya.

" Hindi po siya Miss." Bata.

Kaya nagtaka ako.

" Mag-isa ka lang bang pumunta dito?" Gulat kong tanong dito.

Napatawa naman ito.

" No. May naghatid sa akin. But hindi si Manang." Nakangiting saad nito.

Bigla akong kinabahan.

Bakit kaya?

" Sino?" Natanong ko bigla.

" Hi!" Napatigil ako sa sumulpot na tao.

Napatingin ako dun. Agad na nagtagpo ang mga mata namin.

Napamura ako ng ang lakas lakas ng kabog ng puso ko.

Napaiwas na lamang ako nang hindi ko ma kaya ang kakaibang titig nito.

" H...Hi!" Nauutal na bati pabalik dito.

Huli kong napagtanto na siya pala ang naghatid sa kapatid nito.

" Hindi mo sinabi Bunso na ang ganda pala ng guro mo." Namula ako sa siabi nito.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon