Chapter 7

207 5 0
                                    


" My Queen." Inis kong hinarap to.

" Ano na naman?" Ako.

Well sino bang hindi maiinis.? Kada minuto nandito ang loko. Kung walang sasabihin. Meron namang bitbit ng kung ano ano.

Mapagkain man o mapa bulaklak, Stuff toy,etc.

Alam kung ang sweet nito pero parang OA naman. Kada minuto pa talaga?

Tinignan ko ito. Pero yatang napawi ang inis ko sa nakita ko. 

Ang  mala greek god na mukha nito. Isama mo pa ang nakakatunaw na ngiti nito.

Oy? Era kailan ka pa natuto nyan? Singhal naman ng ibang bahagi ng utak ko.

Kaya bago pa tuluyang mapawi ang inis ko dito. Kunwaring salubong ang aking kilay.

Nang makita nito ang mukha ko. Bigla itong nahiya at napakamot ng ulo.

" Sorry. Para sayo." Siya at inilagay ang isang maliit na piraso ng bulaklak.

Ang ganda nun. Puti ang kulay nito. Kaya lalong gumanda sa paningin ko.

Pero hindi porket binigyan ako ng bulaklak. Okay na kami. Tsk.

Tinignan ko ito. At hindi pa din kumibo.

Napansin yata nito kaya siya na yung unang nagsalita.

" Alam kung nakukulitan ka. Pero hindi mo naman ako masisisi na maging sweet sayo. Araw-araw man. Sa bawat oras, sa bawat minuto at bawat segundo. Hindi ako mapapagod. Maiparamdam lang sayo ang halaga mo sa buhay ko." Sabi nito.

Aksidenteng nagkatinginan kami. At yan na naman ang pakiramdaman na hindi ko matukoy.

* Dug * Dug * Dug * Dug * Dug * Dug * Dug

Walang kumurap sa amin. Pero dahil sa kakaibang pakiramdam na to. Pinili kong putulin ito at umiwas na lamang.

Lalong lumakas ng pintig ng puso ko. Nahihiya ako at baka marinig nito.

Lihim akong nagsisisi.

Napapikit na lamang ako sa kakaibang nararamdaman.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari to.?

At sa bawat araw lalo akong naguguluhan.

Kakatapos lang ng trabaho ko. Well busy kasi yung My loves ko. Kaya minsan ko na lang ito nasisilayan. Nakakalungkot din abala ito at may pagkakataon na hindi ko ito nakikita kahit nasa isang kompanya lang ang pinagtatarabahuan namin.

Naintindihan ko naman yun dahil alam kong ang dami talagang gawain ito. Pero hindi ko lang maiwasang ma miss ito.

Napatigil ako sa paglalakad ng malayo pa. Napansin ko ang pagbuhos ng ulan.

Bigla kong hinagilap ang payong sa bag. Napahampas ako ng noo ng maalalang nakalimutan ko pala yun sa bahay. Naglakad ako palabas. At tinignan ang paligid.

Sa paningin ko ang busy ng mga tao. Hindi naman ako nagtaka dahil alam kong uwian talaga ang oras na yun.

Iniangat ko sa ere ang kamay. Agad na pumatak ang ulan sa aking kamay. Naramdaman ko ang lamig at nabasa agad ang kamay ko.

Binawi ko yun at pinunasan ang basang kamay.

Naisipan kong hintaying tumila ang ulan. Wala akong dalang sasakyan kaya kailangan kong mag commute.

Napatigil ako ng ilang minuto. Merong isang napakaganda at garang sasakyan ang huminto sa harap ko.

Napatingin ako sa paligid. Hindi na ma tao ang kompanya dahil umuwi na ang iba.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon