Chapter 26

160 1 0
                                    

"Hi" Napalundag ako sa biglaan pagsulpot ninoman.

Napatingin ako dun.

" Sorry. Nagulat ba kita?" Parang biglang huminto ang paghinga ko ng makilala ang taong yun.

Si King.

Yan na naman ang pagkalakas lakas na pagkabog ng puso ko.

Kakatapos lang ng klase ko.

Ito ako ngayon nag-iisa. Dumating lang ang loko. Ewan ba kung bakit to nandito.

Kung nagtataka kayo kung nasan si Princess well sinundo agad ito ng lokong to at hinatid pauwi.

At ilang araw na hindi ko nakakasama at nakakakulitan ang bata.

" Sa ngayon yun na lang muna ang ating pag-aaralan. Good bye class." Ako.

" Good bye Miss." Sagot ng mga bata. Ngumiti lang ako.

" You may go now." Ako.

Agad naman sumunod ang mga to. Kanya kanyang ligpit ng gamit. At nagsisilabasan.

Kagaya ng mga bata nagligpit din ako ng mga gamit.

Habang nagliligpit. Naramdaman kung may lumapit. Tinignan ko yun.

Agad na tumambad ang nakangiting mukha ni Princess.

Ngumiti naman ako pabalik.

" Aalis ka na ba?" Tanong ko dito habang nagliligpit. Nakita kong dala dala nito ang bag.

Napa iling iling ito.

Bigla akong natigilan.

" Wala ka bang sundo?" Ako at napatingin sa labas.

Nang makitang wala ang kapatid nito. Napatingin ako pabalik sa bata.

" Meron po. Si Kuya. Pakikiusapan kung mamaya na ako umuwi. Gusto ko munang manatili dito." Princess.

Napangiti na lang ako.

" Let's go." Tanong ko sa bata ng tapos na ako magligpit.

Nakangiting tumango ang bata. Hinawakan ko ito.

Hanggang sa nakalabas na kami ng room.

Agad kami nagtungo sa naka assign Area for teachers.

Wala pang tao ng pumasok kami. Hindi na ako nagtaka dahil yung mga kasama kung teachers nasa ibat-ibang baitang ang tinuturuan. At nalaman kung ako yung may pinakamaagang natatapos ang klase.

" Umupo ka na muna dun Cess(Princess)." Ako at tinuro sa bata ang isang sofa.

Tumango na lang ang bata at umupo dun.

Agad naman akong nagtungo sa table ko at ginawa ang nararapat gawin.

Fast Forward...

Nang matapos sa pagliligpit. Kinuha ko ang baon na pagkain.

Ang lumapit sa bata.

" Nagugutom ka na ba?" Ako at tumabi dito.

Napa iling iling ang bata.

" Sigurado ka ba?" Ako.

" Yes Miss." Siya.

Napatingin ako sa paligid. Okay lang na dito kami kumain. Pero alam kong mahihiya ang batang to kapag may ibang tao kaming kasama.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon