Matagal ko nang gustong lumabas ng ospital pero si King hindi pumayag.
Kaya ito. Ilang araw na ako dito.
Bagot na bagot na ako.
" Eat this." King at may inilagay sa plato ko.
King si always here. Hindi ito nagkakamaling puntahan ako.
At ang sweet nito. Katulad na lang ngayon.
Kumakain kami ngayon.
Dinalhan kasi ako nito. Ngayon pinagsisilbihan ako ng loko.
" Salamat." Ako.
Tumango lang ito.
" King?" Panimula ko.
Tumingin naman ito.
" Kailan ang labas ko dito.?" Ako.
" We need to ask the doctor. Kailangan nating masigurado ang sitwasyon mo." Siya.
" But I'm okay now." Ako
" No. Mas mabuting marinig natin ang sasabihin ng doctor." Siya
Wala naman akong nagawa. Basta kapag siya yung debatihan mo. Hindi ka talaga mananalo.
" Okay." Ako.
" Alam kung naiinip ka na. But we need to ensure your situation.." Seryosong sabi nito at tinitigan ako.
Kitang kita ko sa mga mata nito ang pag-alala kaya tumango na lang ako.
" Good. Kumain ka na." Siya.
Lihim ko naman ikinangiti.
Napatingin ako dito.
Malaki ang pasasalamat ko na dumating ito ng oras na yun.
Nalaman ko na siya pala ang nag ligtas sa akin.
" Naku mabuti at ligtas ka." Kyla.
Wala ngayon ang mga bata at si King. Kaya malaya kaming nagkwekwentuhan.
" Yeah. Hindi ko nga inaasahan na makakaligtas ako dun." Ako.
" Salamat na lang sa shining armor mo." Leila.
" Huh? Shining armor." Ako.
Napatigil ang tatlo at nanlalaki ang matang napatingin sa akin.
" Kung ganoon hindi mo alam ang nagligtas sayo?" Kyla.
" Hindi eh." Ako.
" Baliw talaga. Hindi ba sinabi sayo ni King." Sofia.
" Anong hindi sinabi?" Ako
" Baliw. Yung pagliligtas niya sayo." Leila.
Napa iling iling na lang ako.
" So siya pala ang nagligtas sa akin.?" Ako.
Tumango ang mga to.
" Yhup. Mabuti nga daw at sinundan ka pala ni King. Napansin kasi nito ang kakaiba mong kilos. Kaya ayon." Paliwanag ni Kyla.
" What do you mean? Sinundan ako ni King?" Ako.
" Yhup. Kaya nga nakita nito ang paghablot sayo ng Mamang yun. At tinulungan ka." Sofia.
" Kung ganoon kailangan kung magpasalanat sa kanya." Ako.
" GO girl. Huwag pabebe ha. Pasalamatan mo naman ang shining armor mo. Ilang araw na yan naka duty dito at wala pang absent ha. Mahiya ka naman." Leila.
Sinamaan ko naman ito ng tingin.
End of flashback....
" Nga pala thank you sa pagsagip sa akin." Ako.
Napatitig ito sa akin.
" Masaya akong malaman na ayos ka. Kung nahuli ako hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayo." Siya.
Ayan na naman si heart naghaharumentado sa sobrang kilig.
Naramdaman ko ang isang mabilis na halik sa cheeks. Doon ko lang napagtanto na hinalikan pala ako ni King.
" Magpagaling ka." Siya.
At lumabas.
Ako naman nakatitig na sinundan ang pag-alis nito.
Habang hawak hawak ang puso ko. Ang lakas lakas ng pagkabog.
..........
Ilang araw ang nakalipas. Nagawa ko na din maka labas ng ospital.
At ngayon papasok na ulit ako. Kaya excited na ako.
Naghanda ako ng maaga kaya maaga din akong nakarating sa school.
Dahil sa na ospital ako. Madami daming masayang makita ulit ako.
Unti-unting nagsidatingan ang mga bata at bawat isa may dalang bulaklak at binati ako sa muling pagbabalik.
" Misssss." Napatingin ako sa masayang Cess na tumatakbo palapit sa akin.
" Para sayo Miss." Princess at binigay ang napakagandang bulaklak.
" Salamat." Ako.
" Naku Miss nanggaling po yan kay Kuyang pogi." Bulong na sabi ni Princess na nagawa ko ding marinig.
Bigla akong napatingin sa paligid. Nang maramdaman ko ang titig nito. Hindi din ako nagkamali ng makita ito.
Binigyan ko ito ng isang simpleng ngiti.
Tumango lang ito.
Hindi ko maiwasang kiligin.
Habang nagtuturo sa mga bata. Hindi mawala wala ang lalaking yun sa isip ko. Kaya walang panama ang titig ko dito. Kahit palihim.
Hanggang sa natapos din ang klase.
Nagsiuwi na din ang mga bata.
" Miss? May gagawin ka ba?" Biglang sulpot na tanong ni Princess.
" Cess. Kailangan niyang magpahinga. Alam mo yun." Rinig ko naman paalala ni King sa kapatid.
" Op. Sorry Kuya. Nakalimutan ko. Miss kuya is right. Sumabay na po kayo sa amin. Ihahatid po kayo namin ni Kuya." Princess.
Tatanggi na sana ako ng..
" I insist Miss." Princess.
Wala naman akong nagawa kundi ang pagpahatid dito.
" Ako na ang bahala sa kotse mo. Ihahatid ko na lang dito. " rinig kung saad ni King bago umalis.
Parang nililipad naman ako sa boses na yun ng loko.
What the hell.
Napabalik ako sa sarili ng maramdaman nanginig ang nasa bulsa ko.
Nalaman kung may message na natanggap.
Agad kong kinuha yun.
Rest okay. Huwag papagurin ang sarili.
Yan ang laman ng mensahe at alam kung kanino yun nangggaling.
Nakangiting buong magdamag.
BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomanceLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!