Kakatapos lang ng klase ko. At dahil wala na akong pasok sa hapon naisipan kung umuwi. Hindi ko naman kasi makakasama si Princess. Maaga kasi itong sinundo.
Naglalakad ako palabas ng school meron akong nakakasalubong na kakilala o di kaya mga estudyante na bumabati kaya nginingitian ko na lang.
Narating ko na ang labasan ng School.
" Good Morning Miss." Bati ng isa sa mga gwardiya.
Well isang taon na din ako nagtatrabaho dito. Kaya nagagawa kong makisalamuha sa ibat-ibang tao. Isa na dun si Manong guard.
" Good Morning din po Manong." Nakangiti kong bati.
" Uuwi na po kayo Miss?" Manong guard.
" Ah. Opo Manong." Ako.
" Ah. Sige po Miss. Ingat po kayo." Manong guard.
" Salamat po Manong." Ako.
"Mauna na po ako." Dagdag ko.
Aalis na sana ako pero napatigil din ng marinig ang sigawan.
Hindi lang pala ako pati na din sila Manong guard.
Hinanap ko yun. At nakita ang nagkukumpulang mga tao. Karamihan dun mga babae.
Bigla akong na curios.
Ano kaya ang pinagkakaguluhan ng mga iyon.?
" Tsk. Bakit ganoon ang ibang mga babae. Nakakita lang ng magandang lalaki. Makareact parang nanalo ng lotto."
Napatingin ako kay Manong guard habang napa iling iling.
Hindi ko maiwasang matawa. Ewan kung humuhugot ba si Manong.
Pero ano daw?
Tsk. Bakit ganoon ang ibang mga babae. Nakakita lang ng magandang lalaki. Makareact parang nanalo ng lotto
So lalaki pala ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng yun.
Napa iling iling na lang ako.
Pambihira akala ko kung ano na.
Inalis ko na ang pansin dun at napatingin kay Manong guard.
" Manong sa uulitin aalis na po ako." Paalam ko.
Ngumiti at tumango lang si Manong.
Narinig kung naghiyawan ang mga babae.
Kung kanina nagtataka ako. Ngayon hinayaan ko nalang yun. Lalaki lang naman. Akala ko kung ano na.
Napa iling iling na lang ako.
Inayos ko na muna ang sarili at napatingin kay Manong. Alam nitong kailangan ko nang umalis.
" Ingat po kayo Miss." Dinig kung sabi ni Manong.
Tumango na lang ako. At magsimulang maglakad. Kaya lang bigla din akong napatigil ng marinig si Manong na tinatawag ako.
Takang hinarap ko si Manong.
" Ano po yun Manong.?" Ako.
Imbis na sagutin ako nito. May itinuro ito gamit ang bibig. Bigla akong nagtaka.
Matagal ko nang kakilala si Manong kaya alam kung hindi ako nito niloloko. Pero anong gustong sabihin ni Manong.
" Ho?" Yan na lang ang na sabi ko.
Napakamot si Manong ng hindi ko maintindihan ang gusto nitong sabihin.
" Sa likuran nyo Miss!" Manong.
BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomanceLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!