Pareho kaming hindi na muna pumasok ng trabaho.
Well we need to have time to each other at ito na nga.
Para na ding date ang tawag dito.
Una naming pinuntahan ang arcade.
Lahat ng klase ng laro nasubukan namin.
Yung pagsasayaw gamit ang machine.
Yung baril-barilan. Nagawa din namin yun.
Sa basketball section.
" Loko turuan mo ako." Ako.
Well eanderment ko sa kanya yung loko. Hindi naman ito umangal kaya loko na talaga ang tawag ko sa kanya.
Dinala ako nito sa gitna ng court. May hawak itong bola.
" Ito subukan mong i shoot." Sabi nito sa akin at ibinigay ang hawak na bola.
Sinunod ko ang loko. Nakakahiya dahil hindi umabot sa ring ang ginawa kong tira.
Ang loko loko ayon tinawanan lang ako.
Nainis naman ako.
Kaya nga nagpapaturo dahil hindi ako marunong. Pagtawanan ba naman.
" Ayoko na. Tsk." Ako at aalis na sana.
Hindi ko inaasahan ang mabilis na paglapit ng loko sa akin.
" Sorry na My Queen. Nagbibiro lang ako. Tuturuan na kita huwag ka nang magtampo." Siya.
" Sinabi mo yan ha. Makakatikim ka talaga sa akin." Ako.
" Ang brutal mo." Komento naman nito.
" Syempre sayo lang." Nakangiti kong sabi. Napa iling iling na lang yung loko.
Laking tuwa ko ng tinuruan talaga ako ng loko.
Nagawa ko din magshoot.
" Yaaaay. Ang galing natin. Salamat loko." Ako at niyakap to.
Well yung kaninang hindi magawang umabot na tira ngayon nagawang makapuntos pa.
" Wala yun My Queen." Si loko yan.
Sinubukan din namin yung mababang court type. Na paramihan ng puntos.
Nagsimula yung timer kaya nagsimula na din kami. Nagagawa kong makapuntos kaya lang meron din hindi pumapasok.
Napasilip ako sa kabila. Nanlaki ang mata ko sa score nito.
Para yatang walang sumasablay.
Pambihira. Para yatang matatalo ako.
Hindi pwede to.
Kaya napaisip ako ng magandang plano.
" Loko ang gwapo mo. Kaya inlove na inlove ako sayo." Binulong ko sa kanya yun at dahil matangkad ang loko. Kailangan ko pang tumingkayad magawa lang ang kailangan gawin.
Success ang plano ko. Tumigil ito sa paglalaro habang pilit na tinatago ang pamumula.
Hindi ko naiwasang mapahagikgik. Ginamit ko ang pagkakataon na yun na pumuntos. Nagawa kong lumamang. Hanggang sa natapos ang oras.
" Tsk. Ang daya mo naman My Queen." Reklamo nito.
" Anong madaya. Wala akong ginawa ha." Inosenteng sabi ko.
" Meron kaya. Binuhay mo ang natutulog kong diwa." Pabalik na bulong nito na ikinapula ng buo kong mukha.
" Waaaah. Baliw." Ako.
BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomanceLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!