What the f@ck.!?
" Sinasabi mo bang siya yung uminom nyan S...Sir?" Nauutal kong saad. Nanginginig na tinuturo ang kape.
Nakakapanghina.
Para namang naguluhan ito sa tanong ko.
" Yeah. I'm sorry hindi ko alam na gusto din pala nito ng maiinom. Hindi ko na napigilan. Inagaw nito ang kape ko at siya yung uminom." Paliwanag naman nito.
" May problema ba Era?" Nag-alalang usal ni Sir ng makita ang hindi mapinta na mukha ko.
" Ho? Wala po Sir. It just para kasi sayo yun Sir." Ako.
Sa totoong sa kanya talaga yun.
Gusto kong umiiyak. Paano ba naman?
Napurnada ang plano ko dahil sa weirdong taong to.
Anong karapatan niyang agawin sa my loves ko ang kapeng hinanda ko para lang dito.?
Paano na? Malaking problema to?
Natatakot akong tumalab nga ang gayumang yun pero sa ibang tao.
F@ck this life.
Gustong tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko lang yun. Baka magtaka ang my loves ko sa kinikilos ko ngayon.
Hindi ko naman masugod o di sumbatan ang King na weird na yun.
Nag-aalangan man. Ginawa ko na din. Yes.
Nasa harap ko na ang kapeng inirequest ng my loves ko.
At hawak ko naman ang gayumang binigay sa akin ng friend ko.
Kinakabahan man. Papikit na nilagyan ko ang kape nito.
Nang makitang humalo sa kape ang patak ng gayuma. Inihatid ko na ito.
" Sir ito na yung kape nyo." Matamis kong nginitian to.
Natigilan ako ng nandoon pa din yung King na weirdo.
Ewan ba kung bakit kong napapansin ang palaging pagtatambay nito sa opisina ng my loves ko.
Hindi ko na lang pinansin yun at inilagay talaga sa table ng my loves ko.
Syempre dapat siguraduhing sa kanya talaga.
" Thank you Era." Saad ni Sir.
" Wala yun Sir. Kapag may kailangan kayo. Nandoon lang ako sa labas Sir. Alis na po ako." Hindi ko maiwasang ma ilang hindi sa my loves ko ha.
Kundi sa taong naka upo sa couch ng my loves ko.
Kahit hindi ko kasi tignan yun. Ramdam na ramdam ko ang titig nito.
" Sige." Saad naman ng my loves ko.
Mabilis kung narating ang pinto ng opisina nito at dali daling lumabas.
Dumagundong ang kabog ng puso ko.
Napasandig ako sa pinto ng opisina ng my loves ko.
At napapikit na lamang.
Ilang minuto ang kinakailangan. Magbabago na ang pakikitungo ng my loves ko sa akin. Pareho na yung nararamdaman namin sa isa't-isa.
Hindi ko na kailangan magpapansin dito. Dahil mapapansin na nito ako.
Napahinga na lamang ako. At na isipang bumalik sa table ko.
Hindi ko maiwasang makilig sa mangyayari. Isipin pa lang ang sweet nito sa akin. Kilig to the bones na. Paano pa kaya kapag totohanan na.
BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomanceLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!