" E...era?" Nanghihina ngunit hindi makakaila ang pagkasabik ko na makita ito.
Isang taon na ang nakalipas pero mas lalo ko yatang minahal ang babaeng to.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito. Ganoon din sa bunsong kapatid ko.
Magkasama sila. Ibig sabihin magkakakilala ang mga to.?
Pero paano?
Kuyaaaaang Pogi.
Natauhan ako sa sigaw na yun.
Kuyang pogi?
Nag-iisa lang naman ang tumatawag sa akin na ganyan.
Si Bunso.
Masaya itong lumapit sa akin at niyakap ako. Agad ko namang niyakap ito pabalik.
Hindi ko maiwasang itago ang pagka sabik sa bunso kong kapatid.
" Na miss kita Kuyang Pogi." Saad nito.
" Na miss din kita Bunso." Saad ko pero nakatutok pa rin ang atensyon ko sa babaeng isang taon kung pinangarap na makasama.
Umiwas lang ito ng tingin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil may epekto pa rin ang mga titig ko sa kanya.
Kumalas ng yakap ang bunso ko. Kaya napatingin ako dito.
" Are you okay Kuyang Pogi?" Parang iiyak na sabi nito.
Para mawala ang lungkot na nararamdaman nito. Pinat ko ang ulo nito.
Ayoko kong nahihirapan ang pamilya ko sa lagay ko ngayon.
" Sorry kung pinag-alala ko kayo ni Mom, ganoon din si Dad. Ang pamilya natin. I'm sorry bunso." Ako. At hinalikan ito sa noo. Hanggang sa hinalikan ko na ito kung saan saan.
Humagikhik ito sa kiliti.
" Kuya naman eh. Nakakaliti yan eh." Angal nito.
Hanggang sa tumigil na din ako. Kawawa si Bunso kapag pinagpatuloy ko.
" Pero teka Kuya paano ka nakalabas?" Princess.
" Tumakas ako Bunso." Ako at lihim napatingin kay Era.
Baka mawala eh. Mahirap na.
Flashback....
" Kyla is the name right?" Ako.
Alanganin tumango ito.
"Pwede bang malaman kung nasaan siya?" Agad kong tinanong sa kaibigan nito.
Nang makita ko sa mukha nito ang pag-aalinlangan.
" Please I need to see her. I'm begging." Ako.
Umiwas ito ng tingin. At akala ko hindi ako nito kikibuin. Pero nagulat ako ng magsalita ito.
" Hindi ko alam kung bakit mo sa kanya yun ginawa. Playing the life of others? Tao pa rin ang kaibigan ko. Hindi nito deserved ang paglaruan. Buong buhay ko kasama ko na ito kaya alam ko ang lahat lahat sa kanya wala kang karapatang manipulahin ang buhay nito." Seryosong saad nito.
" Alam mo bang gigil na gigil akong bangasan ka. You just broke my bestfriend heart. Nangako ka ba namang aalagaan siya. Pero anong ginawa mo.?" Turan nito.
Napayuko na lamang ako.
" I never expected that to happen. Pinaniwala mo kami sa mga kilos mo. Umaasang nakahanap ng magandang lovelife ang kaibigan namin." Siya
" I'm really Sorry about it." Yan lang ang na sabi ko dito.
" Hindi ko alam kung totoo bang mahal mo ang kaibigan namin o it just an act." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomansaLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!