" Era? What is my schedule now?" Natauhan ako sa boses na yun.
Nag-angat ako ng tingin at nakita si Boss.
Yup. Boss na ang tawag ko sa kanya at hindi na myloves.
Ewan ba. Para yatang nag-iba.
" You have the meeting at exact 2 pm Sir. And 4 pm you need to meet this client." Ako.
Tumango lang ito.
" Meron pa ba?" Tanong nito. Napatingin naman ako sa hawak ko.
" Wala ma po Sir." Ako at humarap dito.
Noon kilig to the bones ako kapag nasisilayan ito. Ngayon parang wala lang.
Napatango tango lang ito at nagpaalam na umalis.
Bumalik naman ako sa pagtatrabaho.
" Talaga? Nagawa mo yun?" Hindi makapaniwalang tanong ng mga loka loka kung friend.
" Hindi mo nagawang landiin.?" Kyla.
Kaya napatango ako.
" Oo nga. Ilang ulit ko na bang sabihin." Ako.
" Asuuus. Ito naman high blood. Sinisigurado lang namin. Baka nagkalagnat ka lamang. Tsk. Noon parang desperada ka na gayumahin ang myloves mo ngayon hanep ah. Parang walang mangyari batay sa kwento mo." Liela.
" Oo nga. Paano nangyari yun?" Kyla.
" Ewan ko. It just it happen. Hindi ko alam ang dahilan." Ako.
Tinignan naman ako ng nakakalokong tingin ng tatlo.
Sa ilang taon naming magkakasama. Kilala ko na hanggang mga hiluka ng bituka ng mga to.
" Asuuuuuus. Huwag mong sabihin na si Oppalala yung dahilan." Sofia.
Napangisi naman ang dalawa.
Yung loko loko?
Napaiwas ako at hindi ko inaasahan ang pamumula ng mukha.
Kaya ang mga baliw ayon kanya kanyang tili na akala mo nanalo sa lotto.
" O my gosh. O my Gosh.! Dalaga ka na girl." Sofia at patalon talon sa harap ko.
" * Kyaaaaah. Your right Sofia. Para yatang naaamoy ako ng pag-ibig." Leila.
Napangisi naman si Kyla.
" Tigilan nyo nga ako." Saad ko dito.
" Yieeeeh. Bakit ayaw mong umamin." Sofia.
" Umamin saan? Nababaliw na ba kayo?" Ako.
" Asuuus. Diyan tayo magaling eh." Kyla with matching sundot sundot sa tagiliran ko.
" Ano ba?" Ako.
Hindi paawat ang loka loka at kiniliti ako kaya ayon. Tawa ako ng tawa.
Hanggang sa pinagtulungan ako ng tatlo.
Napapatingin man ang mga tao sa amin. Hindi na namin yun pinansin. Well nasa bar kami. Kaya ayos lang.
Tumagal ang harutan namin ng ilang minuto. Maluha luha akong nakaupo habang yung tatlo ayon tuwang tuwa.
" Mga loka loka. Pagtulungan ba naman ako." Angal ko.
" Abat? Syempre sino ba sa atin ang inlove ngayon?" Makahulugang tanong ni sofia.
Inlove?
Ako? Kanino?
Sa kanya ba?
BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
Любовные романыLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!