Nagulat ako ng pumunta yung isa sa tauhan ni Mom sa silid at sinabing kailangan ko namang umuwi.
Nagtataka man. Wala akong nagawa kundi ang sumama kay yaya at Manong driver.
Bigla akong nag-alala ng dumiretso kami ng Mental Hospital.
Yeah. Kuya is in Mental Hospital.
Natatakot sila Mom and Dad for ending his life. So wala silang nagawa kundi ang ilagay ito sa isang Mental Hospital.
This Mental Hospital si Exclusive. Mayayamang tao ang nandito at hindi kung sino sino lang.
From their facilities and employess. Siniguradong papasok sa standard ng mayayaman.
Wala naman akong paki sa luxurious na ospital. Ang inaalala ko lang si Kuyang pogi.
Inilagay ito sa isang silid.
Yung silid na hindi nito magagawa ang binabalak.
Sa unang pagdala nila Mom at Dad kay Kuya dito. Nilagay ito sa isang ai.oleng silid. Hindi inaakala ng lahat na ihahampas nito ang ulo sa matigas na pader.
Halos mawalan ng malay si Mom ng marinig ang balita. Mabuti na lang at natagpuan agad si Kuya.
Kundi naubusan ito ng dugo at wala na.
Kaya ngayon ang paligid nito malambot. Pero hindi pa rin maiiwasan ang plano nitong pagkakamatay.
Tulad na lang ng patago nitong kinuha ang isang maliit na gamit ng nars na naghatid ng pagkain nito.
Mabuti na lang at naabutan. Yung plato nito nagawa nitong basagin at kinuha ang matalas na bahagi ng plato para isaksak sa kanya.
Maagap naman kumilos ang mga tauhan kaya kampante pa rin sila Mom at Dad na dito siya ilagay.
Mabilis namin nilakbay ang silid kung nasan sila Mom at Dad.
Napatigil ako ng nasa harapan na kami ng pinto ng yaya ko.
Bubuksan ko na sana ng....
" Mahal paano na. Ilang ulit na bang pagtatangka ang ginawa ng anak natin. Nasasaktan ako sa pinagavawa nito. Kailan ba siya titigil.?" Narinig kung humahagulgol na sabi ni Mom.
" Shhhh. Everything will be okay Mahal. Huwag kang sumuko. Our Son needs his family now. Hindi natin siya susukuan Mahal. Alam kung gagaling siya." Malumanay namang saad ni Dad.
" But what if yung susunod na pagtatangka nito magawa niya. Mahal hindi ko kakayanin." Mom.
" Shhhhh. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Makakayanan natin to. Maniwala lang tayo." Dad.
Hindi ko naman maiwasang masaktan.
" Anong gagawin natin ngayon Mahal?" Mom
" Nalamang ko kay Doc na may sinisigaw itong pangalan. Pang babae daw. Iniisip ni Doc na subukan nating hanapin ang babae. Baka makatulong ito sa anak natin." Dad.
" Babae? " Mom
" Yes." Dad.
" Kailan tayo magsisimula hanapin yung babae?" Mom.
" May hinire na ako kani-kanina lang." Dad.
" I hope makatulong ang babaeng yun." Mom.
" Kailangan ko yung baby girl natin asan na siya." Dagdag nito.
Nang magtanong si Mom tungkol sa akin. Dali dali kung binuksan ang pinto.
Agad ko sinalubong ng yakap si Mom at Dad to ease the pain the feel now.
End of flashback...
" So nasa Mental Hospital ang Kuya mo. At ngayon dahil sa narinig mo ang usapan ng Dad at Mom mo about sa babaeng yun. Gusto mo din tumulong.?" Tanong ni Miss.
" Yes po." Ako.
" Ano ka ba? Delikado kaya yun. Ang bata mo pa." Angal naman ni Miss.
Hindi ko maiwasang mapangiti.
" Kaya nga nandito ako para magpatulong sayo. Alam kung hindi ko yun magagawa ng mag-isa lang kaya magpapasama ako sayo." Ako.
Napa iling iling na lang ito.
" Ikaw talaga. San mo ba nakukuha yang katalinuhan mong yan." Na sabi na lang nito.
Napa shrugg na lang ako.
" Ano Miss? Sasamahan mo ba ako?" Excited kung tanong dito.
" Ano pa nga ba? Alangan namang pabayaan kita." Sabi nito.
Kaya sa sobrang tuwa ko. Niyakap ko ito.
Gusto kong hilingin na sana si Miss na lang yung babae.
Bagay naman sila ni Kuya. Super Gwapo ni Kuya at Super Ganda naman ni Miss.
O diba match na match.
Ang gwa-gwapo at ang gaganda siguro ng mga anak ng nga to.
" Oy? Anong nginingiti ngiti mo diyan? At nakatulala ka pa ha?" Miss.
" Wala po yun. Iniimagine ko lang po ang buhay nyo kapag nagkapamilya ka na Miss. Siguro ang gwa-gwapo at ang gaganda ng anak mo kapag kayo ni Kuyang pogi ko." Binulong ko na lang yung huli kaya alam kung hindi nito maririnig.
" * Che. Hindi ko pa nga nahahanap yung Mr. Right ko yung future ko na agad ang iniisip mo." Siya.
" Gusto mo bang mahanap si Mr. Right Miss. Yung Kuya ko pwede yun. Supportado ko kayong dalawa." Ako.
" Alam mo ba? Nagtataka na ako kung bata ka talaga o isang ka edad ko na nagpapanggap lang na bata." Sabi nito.
Hindi ko maiwasang matawa.
" Pwede sana Miss kung Fantasy to. Pero hindi eh. Ganito lang talaga ako." Ako.
" Sabagay. Pero baliw kang bata ka. May problema na nga yung Kuya mo ibubugaw mo pa sa akin." Siya.
Kaya napatawa ako lalo.
" Hindi ko naman sayo binubugaw si Kuya. Gusto ko lang malaman mong may naka gwapo akong kuya." Ako.
" Ikaw talagang bata ka. Osya kailan tayo magsisimula sa paghahanap sa babaeng yun.?" Siya.
" May gagawin po ba kayo ngayon?" Ako
" Wala." Siya.
" Pwede pong ngayon?" Ako.
" Sure. Halika na." Siya.
Masayang humawak ako sa kamay nito. Nagtungo kami sa parking lot.
May dalang sasakyan ngayon si Miss kaya hindi kami nahirapan maglibot libot.
BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomantizmLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!