Miiiiiiiiisssssssssssssss
Napatingin ako sa boses na yun. Nasilayan ko ang batang masayang tumatakbo papalapit sa akin.
" Ikaw pala." Ako nang tumigil ito sa harap ko. Sa likuran nito ang palagi nitong kasama na yaya.
" Good Morning Miss." Masayang bati nito.
" Good morning din sayo." Ako. At nginitian ang kasama nito.
Ngumiti lang din pabalik ang kasama ng bata.
" Papasok na po ba kayo sa room natin Miss?" Tanong ng bata na ikinatingin ko dito.
Ngumiti na lang ako dahil nakapaskil ang isang magandang ngiti sa mukha ng bata.
Tumango na lamang ako.
" Sabay na po tayo." Sabi nito. Wala naman akong nagawa.
Sa mga araw ang nagdaan. Unti-unting nagbago ang batang noon ay mailap, tahimik at hindi kumikibo.
Habang naglalakad. Hindi paawat sa pagkwekwento ang bata.
Masaya naman akong nakikinig. Habang si Manang na kasama nito. Ayon tahimik lang pero halatang masaya din sa pinagbago ng inaalagaan.
Narating namin ang silid. Agad akong binati ng ibang estudyante. Nagpaalam naman ito sa akin, ganoon din sa yaya nito at nagtungo sa kinauupuan.
Ako naman?
Pumunta sa mesa ko at nilagay ang mga gamit.
" Mga bata, magsihanda na kayo magsisimula na tayo." Ako at ngumiti na lamang.
Pamangkin di mo naman sinabi na ganito pala ka ganda ang guro mo.
Ang ganda talaga ni Ms. Era.
Oo nga. Sayang at walang boyfriend. Aba? Choosy na ngayon ang mga lalaki. Sa ganyan ba ka ganda hindi pinapansin.
Blah blah blah blah blah blah blah
Hindi ko maiwasang makaramdam hiya.
Pag-usapan ba naman ako?
Lalo na sa lovelife ko.
Napa iling iling na lang ako. Mabuti na lang at immune na din ako. Well hindi lang ito nangyari.
Sa maniwala man kayo o hindi. Sa araw-araw na pagtuturo ko. Yan palagi ang naririnig ko.
At imbis na pansinin yun. Minabuti ko na lang baliwalain at tumutok sa mga bata.
Agad namang nagpaalam ang mga bata sa kani-kanilang magulang o guardian.
Fast Forward...
" Ang sarap Miss." Masayang wika ng batang si Princess.
Nga pala ang batang lagi kung tinutukoy na laging mailap, hindi kumikibo ay walang iba kundi si Princess.
" Mabuti at nagustuhan mo." Ako. Well tapos na yung pagtuturo ko sa kanila. Pero itong batang to parang ayaw pa umalis.
Hinayaan ko nanlang dahil mapilit. Pambihirang bata to.
Napatingin ako sa bata. Sarap na sarap ito sa kinakain.
Well binigyan ko ito ng gawa kong pagkain.
Dahil busy ako sa work at haggard kapag umuwi pa ako kaya mas pinili ko na lang na magbaon ng makatipid.
" Dahan dahan lang." Hindi ko maiwasang pagsabihan to. Paano ba naman madungis na ang bata dahil sa pagkain nito.
" Ang sarap kasi Miss." Sabi nito.
" Asuuus. Binobola mo lang ako." Ako
" I'm not Miss. I'm serious about what I've said. Look I eat a lot. Mukhang tataba ako sayo nyan Miss." Sabi nito.
Gulat kayo noh? Well ako din.
" Ikaw talaga." Nasabi ko na lang at ginulo ang buhok nito.
Mabuti na lang at walang pasok ako ng hapon na yun. We spend our time talking to each other. Di kayo makapaniwala noh?
Well it's mutual. Hindi ko nga maisip na buong maghapon kaming magkausap ni Princess.
At kung pambata yun well your wrong. Inaasahan kong pambata nag pag-uusapan namin but it's not.
Well, your my friend now, Am I right Miss?
Natigilan pa ako ng una ko yang marinig sa bata kanina.
"Oo naman." Ako
" That's good then." Masayang sabi ng bata.
At umupo ito sa tabi ko.
" I'm going to share to you my life then." Sabi nito habang nakatitig sa akin.
Napatigil ako at napatingin sa bata.
Nagsimula na itong magkwento hanggang sa nalaman ko ang dala dala ng bata.
" Ang bata ko pa noon ng malamang may sakit si kuya." Panimula nito.
Bakit hindi ka ba bata ngayon?
Gusto ko sanang sabihin yun. Kaya lang hindi nagawa ng bibig ko. Parang may pumigil dito.
" That was 2 years ago. Syempre masakit malamang may sakit ang isa sa miyembro ng pamilya. Kaya lahat naapektuhan." Siya.
" You heard Kuyang pogi right?" Sabi nito.
" Yes. I heard it from you. Siya yung sinasabi mong may sakit diba?" Ako.
Tumango na lang ang bata.
" Your right Miss. Siya nga. Yung Kuyang pogi kong ubod ng bait. Well for me siya yung da best na kuya ever." Sabi nito.
" I dont know why it happened to us. Sa Kuya pogi ko. Bakit kailangan nitong maghirap sa sakit na yun. I remember the first time when it happened." Tutok na tutok ako sa bata.
" Wala pang alam sina Mom at Dad noon. Akala nila nagbibiro lang si Kuya ng magwala ito sa room. Ang Kuyang palaging tahimik at kalmado. Pero ang gumimbal sa amin ng buksan ang pinto ng silid nito. Hawak hawak ako noon ni Mom ng buksan ang pinto ng kwarto ni Kuya. Agad na tumambad sa amin ang duguan nitong katawan. Nasa sahig ito at wala nang malay. Napaiyak at biglang nataranta si Mom nun. Agad din tinakpan ang mata ko pero huli na dahil nasilayan ng mumunti kong mata ang nangyari. Dali daling tinawag nito ang isa sa mga yaya para ibigay ako. Nilayo na ako dun." Sabi nito.
Natigilan ako at gulat na gulat sa sinabi ng bata.
" Anong nangyari?" Ako.
" I dont know. Hindi ako sinasama kapag pumupunta sa hospital sina Mom at Dad. Pero kahit ganoon alam kung may problema dahil palagi nang umiiyak si Mom nang time na yun. At Kahit na busy si Mom sa pagpunta ng ospital. Sa palaging pagbabantay kay Kuya. Hindi nito nakakalimutan ang tulad ko. Siya yung palaging naghihile sa akin para makatulog ako. Nagkukunwaring masaya ito sa harap ko. Pero hindi alam ni Mom na saksi ako sa palagi nitong pag-iyak gabi-gabi at paghihirap nito habang pinapatulog ako." Sabi ng bata.
Hindi ko maiwasang masaktan sa tinuran ng bata. Gusto ko mapaluha. Kaya pala ganito na lang ang bata.
Sa murang edad parang inopen na talaga sa kanya ang nangyayari sa buong mundo.
Yung batang fairy tale sana ang paniniwalaan.
" Miss ayos ka lang ba?" Natauhan ako sa tanong na yun.
" Ah. Oo." Ako. At napatitig na lang sa bata.
BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomanceLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!