Chapter 11

166 1 0
                                    


" Naku girl! Ayan na si boyfriend. Ang gwapo." Rinig kung sabi ni Leila.

Well magkasama kami nina Leila at Sofia. Sayang at wala si Kyla. Busy kasi ito sa trabaho.

Hindi ko maiwasang mapalingon.

At tama nga si Leila. Papalapit ang loko.

Gulat kayo noh?

Well totoong sinagot ko na ito. Umabot ba naman ng 3 buwan na panliligaw.

Flashback...

" May sasabihin sana ako. Pwede ba?" Napalingon ako sa taong yun.

Yung loko pala. Nakalimutan ko na kasama ko pala ito.

Nagtataka man. Tumango na lang ako.

" I like you. Pwede bang ligawan ka?" Nahihiyang tanong nito.

Bigla naman akong nagulat at sa sobrang star struck ko hindi ako nakapagsalita o umimik man lang.

" Okay lang kung hindi ka pa maka decide. I'll wait. And please allow me to express my love for you." Sabi nito.

Kaya ayon si heart naghaharumentado.

Nagkatinginan kami. Seryoso ito. At ramdam kong hindi ito nagbibiro.

Binigyan ko ito ng isang ngiti. Kaya nawala ang pag-alala sa mukha ng loko.

The Next Day...

Kararating ko lang ng opisina. Agad na sumalubong sa akin ang napakagwapong mukha ng loko. Dumagdag pa ang ayos at ngiti nito.

Syempre. Hindi maiiwasan na mapapatingin ang iba sa kanya. Pero walang pake ang loko.

" Ako na magbibibit nyan." Sabi nito at kinuha ang dala kong bag.

Hinayaan ko naman ito.

" Kumain ka na ba?" Siya.

" Hindi pa." Ako.

" Bakit?" Siya.

" Late kasi akong nagising kaya wala na akong oras para magluto." Ako.

Ang sarap din palang makipag-usap dito ng normal. Well palagi kasing nakataas ang kilay ko kapag siya ang kaharap.

" Thats good." Rinig kong pahayag nito.

" Makakain ka ng luto ko. Hinanda ko to para sayo." Siya at ipinakita ang isang lunch box.

" Bilisan natin at ng makakain ka." Dagdag pa nito.

Narating namin ang table ko.

Nakita ko ang paglapag nito ng bag ko at ng bitbit nitong lunch box.

" Maupo ka na dito." Utos nito.

At parang may spell naman ang pagkasabi nito dahil agad akong sumunod.

Nakatangin ako dito habang hinahanda nito ang pagkain.

Nang maayos na binigay nito sa akin ang kutsara. Ngumiti naman ako at nagpasalamat.

Umupo naman ito sa harap ko. Pinapanood ako sa pagkain.

Sumubo ako at expected ang sarap nito magluto.

" Kumain ka na ba?" Ako at humarap dito.

Nakita ko ang pagkapahiya nito.

" Actually hindi pa." Siya.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon