Chapter 33

136 0 0
                                    

Finally natapos din.

Curios kayo noh?

Well ilang araw na ang lumipas. Kung noon abalang-abala ang school sa paghahanda. Ngayon abala pa rin to pero sa paglilinis at pag-aayos na ng school.

The event was successful. At alam kung matagumpay na naihatid ng selebrasyon ang kasiyahan sa mga bata.

Aaminin ko. Pati ako nagawa kong mag-enjoy sa ginawa namin ng bata.

Asuuus. Sino bang hindi mag eenjoy. Kasama si papalabs eh. Sulsol ng ibang bahagi ng utak ko na ikinatigil ko.

Agad na nagflashback ang nangyari ng time na yun.

Ngayon pulang pula na ako.

Curios kayo?

Flashback....

" Wow Good job student. Hindi ko inaasahan na ang gagaling nyo palang sumayaw. Good luck." Komento ng MC.

Kakatapos lang kasi ng isang grupo ng mag-aaral ang sumayaw.

Well I saw their performances.

Magagaling ang mga to.

"  Well we need to go to the next participants.  Ang alam ko puro kakyutan ang susunod na sasayaw. Sasamahan pa ng Hot at napakagandang guro ng mga bata. Di rin sila pagpapahuli sa sayawan. Please welcome the Hot teacher with her students."  MC na agad na ikinapalakpakan ng mga manonood.

Kahit nahihiya man sa sinabi ng MC. At gustong magpalamon sa lupa.

Binalewala ko na muna yun. At nanatiling nakataas ang mukha para sa mga bata.

Naglakad kami sa gitna.

Ako yung nasa unahan.

At nakahanda naman ang mga bata sa likuran ko.

Naka linya ang mga to.

At naghanda sa kanya kanyang pose.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang kyu-kyut ng mga to.

Ibinalik ko ang atensyon sa harap.

Kagaya ng mga bata. Naghanda na din ako at ginawa ang pose ko.

Naramdaman kung may tumabi sa akin. Bigla akong nagtaka.

Sa pagkakaalam ko. Wala akong kasama.

Bakit may tao?

Napalingon ako dito. Mabuti pa nga at hindi pa nagsisimula ang tugtog baka mapurnada pa ang sasayawin namin ng mga bata.

" What are ypu doing here?" Nanlalaki ang mata kong napatingin dito.

" What do you think?" Nakangising saad nito at nagpose din.

" What?  Anong kalokohan yan King?. Hindi na ako nagbibiro." Ako.

Hindi ito ang panahon sa pagbibiro.

" Hindi to kalokohan. I'm here to support you." Seryosong sabi nito na ikinatigil ko.

Aangal pa sana ako ng nagsimula ng tumunog ang kanta na sasayawin namin.

Alangan naman na papaulitin ko pa. Nakakahiya. Madami ba naman tao. Tsk.

Nagsimula kaming umindak. Wala naman problema sa lokong loko dahil nagagawa nitong makisabayan. Well isa ito sa tumulong sa akin. Kaya madali king natuturuan ang mga bata.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon