Mabilis na natapos ang tatlong araw ko na leave.Gusto ko mang huwag matapos ang leave ko. Hindi pwede.
Kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok sa trabaho kahit na late.
Pagkarating sa kompanya. Pa sekreto akong nagtatago sa pwedeng pagtaguan.
Kung pwede lang pagtaguan ang King na yun. Ginawa ko na sana. Kaya lang iisa lang pinagtatrabuhan namin.
At hindi man 100% na magkikita kami meron pa ding ilang percent na magkikita kami ng lalaking yun kahit anong gawin kong pag-iwas.
Sa bawat pinupuntahan ko sinisigurado ko na muna kung andyan yung King nang maiwasan ko to.
Ayoko siyang makita na.
Napangiti ako ng makitang walang King sa paligid. Dali dali akong nagtungo sa table at napahinga ng maluwag.
Inayos ko na muna ang sarili bago kumatok sa opisina ng my loves ko.
Nalaman kung nandito na siya sa iba kung kasama.
Nang marinig ko ang pahintulot ng my loves ko.
Dahan dahan kung itinulak ang pinto nito at pumasok.
Babatiin ko sana ito ng matigilan ako sa taong nasa couch nito.
Hindi ko inaasahan ang pagyakap nito sa akin.
" Miss na miss kita. Ano bang nangyari sayo My Queen" ♥____♥. Ganyan siya oh.
Dumagundong ang kaba sa puso ko. Hindi ko mapigilang kumabog ng sunod sunod.
" A....ano b....ba?" Ako at kinalas ang yakap nito.
Nakita ko ang paglungkot nito.
" Hindi mo ba ako na miss. Alam mo ba gusto kong bugbugin itong si Steven dahil sa pagbigay ng tatlong araw na leave mo. Kaya ayon kailangan kong tiisin ang tatlong araw nang hindi ka nakikita." Sabi nito.
Kinabahan na ako sa kinikilos nito. Huwag mong sabihin umepekto talaga ang gayuma.
" Sorry ha. Pero naguguluhan ako sa kinikilos mo. " Ako at lumayo na din dito.
Alanganin akong napatingin sa my loves ko.
" Kung naguguluhan ka. Mas naguguluhan ako Era.Paano ba naman? Bukambibig ng lokong to ang pangalan mo." Wika ni My loves ko.
Napayuko ako sa sinabi ng my loves ko. May alam ako kung bakit nagkaganyan siya.
At pinagsisihin ko yun.
Napa iwas na lamang ako dahil ramdam na ramdam ko ang titig nito. Hindi ka nanaginip Era. Totoo siya. At totoong may Gayuma.
" Sir alis na po ako. Kung may kailangan kayo. Nasa labas po ako." Ako.
At aakmang aalis na ng matigilan.
Naramdaman ko ang isang kamay na humila sa akin. Kaya nakulong ako sa dibdib nito.
" Bakit mo ba ako iniiiwasan?" Siya at lalong siniil ako ng yakap.
Pilit ko naman kumawala. Ang ackward. Nasa harapan namin ang Boss at syempre ang my loves ko.
Baka ma turn off ang my loves ko. Makipaglandi ba naman sa harap nito.
" A...ano b...ba y...yang s...sinasabi mo." Kunwaring naguguluhan saad ko dito at pilit na kumawala dito.
Mabuti na lang at nagawa kung makaalis dito. Yayakapin sana ako ulit to ng umatras ako palayo dito.
Nakita naman ng my loves ko ang kinakabahan. Kaya sinaway na nito yung weirdong King.

BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomanceLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!