Chapter 10

177 2 0
                                    


Naku! Andyan si Boss. Ang gwapo talaga niya.

Sinabi mo pa.! Nakakalag panty girl.

Blah blah blah blah blah blah blah blah

Napa angat ako ng tingin ng marinig ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid.

At dahil na curios ako. Napatingin ako sa pinag-uusapan nila.

Agad kong nakita sa malayo si Boss na naglalakad na gwapong gwapo sa suot nitong suit habang may bitbit na isang maliit na suit case.

Ang gwapo ni Boss. Kaya lang mas gwapo siya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi.

What the Hell.

Saan ko naman natutunan yun. B*ysit.

Asuuuuus. Indenial ka pa rin kasi. Parinig naman ng ibang bahagi ng utak ko.

Indenial? I'm not. Kung ano ano ang sinasabi mo.

Napahampas na lamang ako ng noo ng pati yung sarili ko sinasagot ko.

Walanhiya.

" Era? May problema ba?" Hindi ko inaasahan na nandito na pala sa harap ko si Boss. Well kilala ko ang boses ng Boss ko.

Nag-angat ako ng tingin. At nagtagpo ang aming mga mata.

Kung noon nahihiya at kinikilig ako. Ngayon parang ewan.

No epek na. Para bang may nagbago. Pero hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Tumayo ako at...

" Good Morning Sir. May iniisip lang po." Ako

Nakita ko ang pagngiti nito. Parang may kahulugan .

Tsk. Yan ka na naman sa pagka praning mo Era.

" I see. I'll go now." Siya.

Napatango lang ako. At sinundan lang ng tingin ang bulto ni Boss.

Hindi ko maiwasang kahit ni isang kilig kay Boss hindi ko na maramdaman.

Bakit nga ba?

Huwag mong sabihin na infatuation lang yun at hindi ko talaga siya mahal.

F@ck.

Ngayon ko lang narealize na mali pala ang paggamit ko ng gayuma.

What if siya yung naka inom? Anong mangyayari?

Magiging masaya ba ako? O katulad nito ngayon?

Hindi ko alam na naka desperada na pala ako. Makuha lang ang atensyon ng lalaking infatuation lang pala ang nararamdaman ko.

" Hey!" Sa boses na yun.

Hindi maiwasang kumabog ng puso ko.

Ito na naman. Ang kakaibang nararamdaman ko kapag siya ang kaharap, kausap o kasama.

Napatingin ako dito. Gusto kong humanga sa napaka gwapong mukha nito. Lalo na ang nginiti nito.

" Ano?" Tila bang naiinis kong sabi dito.

" Yan ka na naman. Tinatarayan mo na naman ako. Ito oh flowers ng mawala yang inis mo sa akin. At food, syempre ng pagkalaman yang tiyan mo my Queen." Sabi nito.

Gusto kong ngumiti sa sinasabi nito. Pero syempre pinipigilan ko. Baka anong isipin ng loko.

Hindi namin inaasahan ang paghagikgik ninoman.

Agad kaming napatingin dun. At tumambad sa amin ang ilang empleyado at ka trabaho namin na kilig na kilig sa pinagagawa ng loko.

" Ang swerte mo girl. Ang sweet ng King mo." Isa sa mga ka trabaho ko.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon