Ilang araw na ang nakalipas pero wala pa rin kaming mahanap.
Well paano ba naman mahahanap ang taong trabaho lang yung clue? At pangalan.
Muntik ko na ngang maibangga ang sasakyan ng malaman kong yung trabaho at pangalan ang alam lang ng bata.
Ni apelyido ng babae hindi nila alam. O lugar man na madaling matunton to. Wala.
Malungkot na napaupo ang bata. Well hanggang ngayon naghahanap pa din kami.
Ayaw paawat ng bata. Kaya saan saan na kami nakaabot.
Pati yung malalaking kompanya nagagawa namin mapasok. At dahil yun kay Princess.
Paano?
" Miss bilisan mo. Doon titignan natin sa kompanyang yun." Sabi nito at hinila ako.
Wala namang akong nagawa kundi ang magpatianod.
Nakita ko ang tinuro nito. Isang napakalaking kompanya.
Kaya napatigil ako napahinto din ito.
" Hindi pwede Princess, Hindi tayo nyan papayagan." Ako.
" Miss naman eh. Hindi pa nga tayo nagtatanong." Saad naman nito.
" Kahit na. Bawal tayo dyan." Ako.
Pero hindi paawat ang bata.
Nagtungo ito sa isa sa mga bantay ng kompanya. Yung security guard.
Wala akong nagawa kundi ang sundan ito.
" Manong pwede ho bang magtanong?" Bata.
Agad itong tinignan ni Manong.
" Sa ayos mo hindi ka naman gusgusing bata. Ano yun?" Sagot naman ni Manong.
" Pwede po bang makapasok diyan?" Siya at tinuro ang kompanyang kinatatayuan namin.
Biglang napakunoot ng noo si Manong.
At tinignan si Princess.
" Bakit? Baka gumuwa ka ng gulo dun." Saad naman ni Manong.
" No. Importanti lang ho. Here's my I.D." Princess at iniabot ito kay Manong guard.
Nagtataka man. Kinuha na lang yun ni Manong.
Nang makita ang I.D ng bata. Nanlaki ang mata nito na para bang may natuklasan.
" Ah eh. Sige bata pwede kang pumasok pero wala kang gagawin dun makakagulo ha.?" Nagulat ako sa sinabi ng Manong.
Ngumiti ang bata.
" Nga pala Manong may kasama ho ako." Wika ng bata at tinuro ako.
Tumango naman si Manong habang pakamot kamot ng ulo.
Naiwan si Manong guard. Nakitang may lumapit dito. Isa din sa security guard.
" Pre bakit hinayaan mong makapasok.?" Rinig kung tanong ng kasama nito.
" Paanong hindi? Baka mawala tayo nyan ng trabaho. Kilala mo ba yung batang yun. Anak ng mga sikat na businesa tycoon pre. Kapag hindi ko pinayagan yun. Baka ngayon pa ako nawalan ng trabaho." Huling rinig ko kay Manong ng tuluyang nakalayo kami dito.
Napa iling iling na lang ako. Kaya pala. Bakit ko nga kinalimutan na ang batang to. Napakayaman.
End of flashback....
Ganoon din ang nangyayari sa ibang kompanyang pinupuntahan namin.
Kakalabas lang namin sa isang kompanyang pinasukan. Hanggang ngayon wala pa ding kaming nahanap.
Nakita ko ang tahimik na Princess. Napa upo ito.
" Pagod ka na ba Princess? Magpapahinga na muna tayo." Ako.
Biglang tumayo ito.
" No. Ok lang ako. Hindi dapat tayo nagpapahinga. Ayaw ko masayang ang oras. Para to kay Kuya kaya kakayanin ko para sa kanya." Bata.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa tinuran nito.
Kakaibang bata talaga.
Imbis na magreklamo o mag inarte ang batang to. Parang wala lang ang kapagurang paglalakbay na to.
Fast forward...
Kagaya kanina wala pa din kaming nakukuhang impormasyon tungkol sa babae.
At dahil malapit na mag gabi wala kaming nagawi kundi ang umuwi na lang.
The Next Day....
Umaga nagturo na muna ako sa mga bata. Pumasok din naman si Princess.
At ng hapon ginamit namin ang pagkakataon na maghanap sa babae.
Pero kagaya ng paghahanap namin.
Nahirapan din kami.
" Wala na bang ibang impormasyon tungkol sa babae?" Ako.
Kaya siguro kami nahihirapan dahil sa kulang ang info tungkol sa babae.
" Wala na po Miss." Malungkot na sagot ng bata.
Halata ang pagod dito pero hindi nito sinasabi.
Kaya naisipan ko munang tumigil kami sa isang ice cream parlor. Nang bumalik ang energy ng bata.
Hindi naman ako nagkamali dahil ang saya saya nito.
Kumain na muna kami bago magsimula ulit sa paghahanap.
Well hindi pa din mawawala na isang bata pa din to.
Sa kaunting bagay sumasaya din pala siya.
Nang matapos kumain ng Ice cream. Syempre nagsimula ulit kaming maghanap.
Yung bata ba namang walang kapaguran. Nag-eenjoy pa nga sa ginagawa.
Napa iling iling na lang ako.
" Sana sa susunod kasama na natin si Kuya na ganito ang ginagawa natin." Mahihimigan ang lungkot sa boses nito.
Bigla naman akong naawa sa bata.
Talagang mahal na mahal nito ang kapatid.
Well ako kasi lumaking nag-iisang anak. Kaya hindi ko naramdaman na may kapatid.
Pero mabuti na lang at dumating ang mga kaibigan ko.
Hindi ko man sila kadugo. Pamilya ko na din ang turing sa mga bruhang yun.
Ginulo ko naman ang buhok ng bata.
Kaya nagtatakang napatingin ito sa akin.
" Maniwala ka. Magagawa mo din ang mga to kapag gumaling na ang Kuya mo." Ako.
Lalong ngumiti ito. Pati yata ang mata nito kumikinang.
" Magsimula na tayo." Bibong saad nito.
" Aja" Ako.
Napatawa naman ang bata at inulit ang sinabi ko.
Parang baliw man kami sa paningin ng iba. I dont care as long as masaya kami.
BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomanceLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!