Chapter 27

142 1 0
                                    

Natigilan ako ng makitang may nakapatong na isang box sa table ko.

Bigla akong nagtaka. Lumapit ako dun at sinuri yun.

Ano kaya to?

Natigilan ako ng malamang isang lunch box ulit yun.

At kanino kaya nanggaling to?

Ilang araw na bang nanagyayari na may nagpapadala nito sa akin.

Napatingin ako sa mga bata.

" Magandang umaga sa lahat." Bati ko.

" Magandang umaga din po Miss." Sagot naman ng mga bata.

Nakita ko na nandoon na si Princess sa upuan nito. Kumaway ang bata kaya ngumiti lang ako.

" May itatanong lang sana ako." Ako at napatingin sa box.

Inangat ko yun.

" Alam nyo ba kung kanino galing to?" Ako.

Nakatingin ang mga bata sa akin.

Nakita kong napa iling ang lahat. Kaya nagtaka ako.

Sino naman kaya?

Hindi naman sa nag inarte ako ha. Pero hindi ka ba mag-alala na may nagbibigay sayo ng isang box na palaging laman ay pagkain.

Well okay lang naman sa akin. Pero araw araw nangyayari at hindi ko alam kung sino ang gunagawa nun.

Kaya hindi nyo ako masisisi kung magtaka at minsan kabahan.

Napabuntunghininga na lamang ako.

" Salamat mga bata. Forget about what I've asked earlier. Okay?" Ako.

Tumango naman ang mga to.

" Good. Let's continue what we dicuss yesterday." Ako. At pinasawalang bahala na muna ang pag-iisip sa lunch box.

Fast Forward...

Kakatapos lang ng klase ko.

" Miss?"

Napaangat ang tingin ko sa boses na yun.

Si Princess pala.

" Ano yun Cess.?" Ako.

" Alis na po ako. Nandoon na si Kuya." Naka pout na sabi nito.

Napatingin naman ako sa pintuan. Tama ang bata. Nandoon nga ang Kuya nito.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Alam kung ayaw pa ng batang umuwi kaya lang wala itong magagawa. Sinusundo na ito ng nakakatandang kapatid.

" Gusto ko pa sana magkasama tayong kumain. Kaya lang si Kuya eh. Parang atat na atat na pauwiin ako ng masolo ka." Sabi nito pero yung huli hindi ko narinig.

" * Chuckle. Huwag kang mag-alala kapag may free time ako. Susunduin kita. At mamamasyal tayo. Okay ba yun sayo?" Ako.

Biglang ngumiti ang bata.

" Talaga.?" Masayang tanong nito.

Tumango tango na lang ako.

" Sige po Miss. Alis na ako. Baka magtampupurot na naman ang Kuya ko sa paghihintay." Princess.

Natawa ako sa sinabi nito.

" Bye Princess. Ingat." Ako.

Sinundan ko ng tingin ito ng lumapit sa Kuya nito.

Aksidenteng nagtagpo ang aming paningin. Hindi ko inaasahan ang pag kindat nito sa akin.

Gusto ko mang kiligin. Pinigilan ko yun.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon