Hindi ko maiwasang mamula ng maalala ang mga nangyari sa mga nakaraang araw.
Tsk. Ang sarap sabunutan ang lokong yun.
Paano ba naman? Imbis na hinatid ako nito ng gabing yun.
Idiretso ba naman ako sa sariling bahay nito. Ang masama pa. Kung nasan ang Ina, Ama at kapatid nito na si Princess.
Nakakahiya.
" Teka saang bahay to.?" Bigla akong nataranta ng makitang huminto kami aa napakalaking bahay o mas mabuting tawagin na lang natin na Mansyon.
Imbis na sumagot ang loko. Bumaba ito ng kotse at umikot upang pagbuksan ako ng pinto.
" Oy ano ba? Nagtatanong ako ng maayos. Sagutin mo nga." Mahahalata sa tono ko ang inis.
Tsk. Pasalamat siya at may bali ako ngayon. Kundi makakatikim talaga ito sa akin.
Binuhat ako nito. At dahil ayaw ko namang mahulog. Kumapit ako sa leeg nito. Briday style kung titignan. Gusto ko mang kiligin ang sitwasyon namin.
Hindi ko maiwasang mainis dito.
" Sa bahay." Napatingin ako sa loko. Naglalakad ito papasok habang buhat buhat ako.
" Kaninong bahay?" Ako.
" Sa akin." Mabilis na sagot nito. At parang wala lang ang pagbubuhat sa akin.
Namilog ang mata ko sa narinig.
" What? Sa bahay mo? Nakalimutan mo yatang may sarili akong bahay." Kunwaring malditang sabi ko dito.
Nainis ako ng hindi man lang ito kumibo sa sinabi ko. Aawayin ko sana ito ng may nakasalubong kaming ilang ka tao.
Nakayuko ang mga ito sa lokong to.
Wow. Parang big time ah.
Well sabagay. Nakalimutan mo yata Era. Big time talaga ang pamilya nito.
" Maligayang pagbabalik Senyorito." Sabay na saad ng lahat.
King just nod.
Napatingin ang mga to sa akin.
Bigla naman akong nahiya. Kaya nagtago ako sa dibdib nito.
Ang sarap hampasin ng lalaking to. Kung di ko lang mahal. Nakakatikim na talaga ito sa akin.
" Senyorita ako na po ang bahala sa kanya." Rinig kung saad ng isa sa kanila.
" No. Just prepare my room for her." Sabi nito.
Nang lihim kung tinignan ang kaninang kinatatayuan ng mga taong nakasalubong namin.
Napahinga ako ng maluwag na wala nang tao.
Napatingin ako sa loko ng maramdamang ngumiti to.
" Anong nakakatawa?" Inis kong tanong dito.
" Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nakayakap ka sa akin." Bulong nito malapit sa tenga ko.
Muntik pa akong malaglag sa gulat. Mabuti na lang at nagawa nitong mahawakan ako muli.
Rinig na rinig ko pa ang mura nito.
" Tsk. Be careful." Rinig kung sabi nito. Kaya ayon si heart parang nanalo sa lotto. Ang bilis ng kabog ng puso.
Nagpatuloy ito sa paglalakad habang buhat buhat pa din ako.
Hindi ko maiwasang maguilty. Ang laki laki ng Mansyon na to. Tapos ang layo layo pa ng lalakarin ng loko.
BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomansaLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!