Chapter 38

109 0 0
                                    

" Mga bata kayo na ang bahala dito ha. May pasok ngayon si ate. Tawagan nyo lang ako kapag may nangyari." Ako.

Tumango tango naman ang mga bata.

" Mag-ingat ka Ate Era." Mica at humalik sa pisngi ko.

Ganoon din ang ginawa ng iba.

" Salamat. Ana at Mica kayo na ang bahala sa iba." Bilin ko naman.

Napatawa ako sa ginawa ng dalawa. Tumango ang nga to kasabay ang pagsalute sa akin.

Napa iling iling na lang ako at tuluyang umalis.

Fast Forward...

Kakarating ko lang ng school.

At hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin.

Well nandito lang naman si King.

" Kanina ka pa ba diyan?" Ako.

Tumango lang ito.

" Here." Sabi nito at may iniabot sa akin.

Nakita ko ang fresh na fresh na bulaklak.

* Dug * Dug * Dug * Dug

Lumakas ang kabog ng puso ko habang pinagmamasdan ang hawak nitong bulaklak.

Nag-alala ako na baka marinig ng loko dahil sa sobrang lakas.

Bigla akong napatingin dito.

" Peace offering ko sayo. I'm sorry sa mga nakaraang araw." Siya.

Nahihiyang tinanggap ko naman yun.

" Thanks." Ako.

Hindi ko maiwasang kiligin.

" Alis na ako." Sabi nito.

" What?" Gulat na tanong ko.

Kakabigay lang ng bulaklak tapos aalis agad.

Anong trip ng lalaking to?

Naramdaman ko ang tingin nito. Nahiya ako sa nagibg reaksyon ko sa sinabi nito.

" Ah eh. Sige. Salamat sa bulaklak." Ako at tinalikuran to. Nang ma itago ang kahihiyan na ginawa ko kani-kanina lang.

Mabuti na lang at mabilis kung nabuksan ang pinto ng classroom.

Bigla kong naisara ang pinto at napasandig na lamang dun. Habang hawak hawak ang puso kung hindi magkamayaw sa pagkabog.

Walanhiya.

Ang laki talaga ng epekto ng lokong yun sa akin.

Napayakap na lang ako sa bulaklak nito.

Pangiti ngiti pa ako. Ang sweet nito.

Salubungin ba naman ako ng bulaklak ng ganito ka aga.

Pero agad ding nawala ang saya ko. Tsk. Umalis agad ang loko. Ano yun?

Gumising ng maaga ng maihatid ang bulaklak tapos aalis lang ng ganon ganon. Tsk.

Fast Forward..

Hindi ko namalayan na ang hapon na pala.

Busy kasi ako kakatanong kung saang malapit na bahay ampunan.

Well nangako ako sa mga bata. Kaya kailangan kung gawin to.

At kani-kanina lang sa pagtatanong ko may nahanap akong isang bahay ampunan.

Mabuti na lang at maagang natapos ang klase ko.

Kaya agad kung pinuntahan yun. Bumisita na muna ako at sinuri ang bahay ampunan.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon