Chapter 3

282 5 2
                                    


Nakatitig ako sa nakasulat sa aking notebook. Nga pala nasa table ko ako ngayon.

Hindi ko maiwasang titigan yung isinulat ng isa sa mga loka loka kung friend.

Ano ba yun?

Well Gayuma lang naman.

Yan nag nakalagay sa notebook ko.

" Wala pa ding nangyayari?" Gulat na tanong ni Sofia.

Napatango na lang ako habang nakasimangot.

" Ang daya naman. Hindi kaya bakla yang my loves mo.?" Leila.

" Naku hindi ha. Lalaki yun." Pagtatanggol ko.

" Asuuus. Gusto mo kaya pinagtatanggol mo." Kyla.

Tinignan ko naman ito ng masama. Nag peace sign lang ang loka loka.

" Paano yan? Gusto kong mapansin ako nito. Nang may pagkakataon na maging kami din sa huli." Ako.

Naramdaman ko naman ang kamay sa balikat ko. Nakita ko si Sofia.

" Maniwala ka. Mangyayari din yun." Sabi nito.

Napatango lang ako.

" Hindi pa ba sapat yung pagbibigay ko ng motibo dito o paglalandi.? Kailan kaya ako nito mapapansin. Gusto ko talagang pansinin ako nito."  Mahinang saad ko.

Ramdam naman yung mga kaibigan ko.

" Well kung gusto mo talaga. May isang paraan friend. Ewan nga lang kung magugustuhan mo yun.?"  Sofia.

Napatingin naman ang lahat sa kanya.

" Gayuma!?" Sabay naming tanong dito.

" Shhhh. Ang iingay nyo naman. Isinulat ko na nga sa papel eh. Tsk." Suway ni Sofia.

" Saan mo naman yan napulot friend?" Kyla.

" Hindi ko lang yun napulot girl. Meron akong kakilala. At sa maniwala man kayo o hindi. Totoo yun." Sofia.

Gayuma?

Love Potion.

" Kaya nitong paibigin ang taong kahit na ayaw sayo. Kailangan mo lang siya painumin." Wika ni Sofia.

" Totoo ba yun?" Nag-aalangan na taning ko dito.

" Yes naman friend. Gusto mo pang samahan kita sa naka gamit na nyan. Happy na yung life nila. Dahil nagawa nilang paibigin ang taong kahit walang nararamdaman sa kanila." Paliwanag naman ni sofia.

" Hindi ba yun masama Sofia." Ako.

Natigilan naman ang lahat sa tanong ko.

" Well masama nga namang pilitin yung taong ayaw sayo. Pero hindi natin masisisi ang mga taong gustong makamit ang kasiyahan." Sofia.

" Katulad mo. Diba gusto mong mapansin ka ni My loves mo. So ito na yung chances mo." Saad nito.

End of flashback.

Napaayos ako ng upo at biglang napanghalumbaba dahil sa taong sumulpot sa harap ko. Pa sekreto kong tinakpan ang nakasulat notebook na tinititigan ko.

Bumaling ako sa taong gumambala sa akin.

Napa kunot ang noo ko ng makilala ito.

King? Yung weird?

Ano na naman ang ginagawa nito.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon