Chapter 37

117 1 0
                                    

Kakatapos lang ng klase.

At dahil wala ng pasok.

Na isipan kong magliw aliw. Napatigil ako sa isang park. Nagmamaneho kasi ako nun. Nang makuha ng park ang atensyon ko.

Ipinark ko na muna ang kotse. Bago naisipang bumaba.

Sa isang taon ngayon ko lang napansin ang park na to. Siguro dahil busy talaga ako.

Naisipan kung maglibot ng mag-isa. Well kahit mag-isa. Nagawa ko pa ding mag enjoy.

Lalo na sa ganda ng paligid.
Hindi ko inakala na may ganitong lugar pa pala.

Sa pagka aliw ko sa paligid. Hindi ko na namalayan. Kung saan na ako pala napunta.

" Magbabayad ka. I will tear you into pieces for stealing my food." Rinig kung saad ninoman sa di kalayuan.

Nakuha yun ang atensyon ko.

" Steal? This food is mine. Kaya hindi yun ninakaw. Ikaw ang dapat na tawaging magnanakaw." Rinig kung sumbat naman ng isa pa.

Sa pagkakarinig ko sa boses ng mga to. Iniisip kung mga bata pa lang sila.

Agad ko naman hinanap yun. Pinakinggan ko ang boses ng mga to.  hanggang sa nalaman ko kung nasan sila.

" Abat? Ako pa ngayon ang magnanakaw. Wala ka talagang hiya noh?." Saad ng batang babae at agad na sinabunutan ang kapwa bata.

Sa di kalayuan nagagawa ko na silang makita.

Hindi lang ang dalawang batang babae yung nandoon.

Marami sila. Mga bata lahat.

Napa iling iling na lang ako sa ibang mga bata. Nakikita nilang magsasakitan na ang dalawa pero walang pumigil ni isa.

Dali dali akong nagpa gitna para awatin ang dalawa.

Mabuti naman at huminto din ang mga to.

" Alam nyo bang masamang makipag-away." Panimula ko.

Nagulat naman ang lahat sa pagsulpot ng tulad ko.

" Alam po namin." Gulat na tugon ng isang bata.

" Ganoon naman pala. Eh bakit kayo nag-aaway?" Ako at tinignan ang mga to.

Bigla nangunot ang noo ko sa nakita. Ngayon ko lang napansin ang suot suot at ayos ng mga bata.

Sira-sira ang damit at puno ng dumi ang mukha at katawan.

" Miss ganda. Relax lang. Nagkamali po kayo sa iniisip." Nagsalita naman ang batang babae.

Yung sinabunutan ng isa pang babae.

" Anong mali? Nakita ko ang pananakit sayo. Masama yan. Papagalitan kayo ni Papa God." Ako.

" Ate Ganda magpapaliwanag po kami. Wala pong nagaganap na away." Siya.

" Walang nagaganap na away? Eh ano yung nakita ko kanina.?" Ako.

" Yun po ba Ate Ganda? Hindi po kami nag-aaway talaga. Nag eensayo po kami para sa contest. Gusto po namin kasing manalo." Paliwanag ng bata.

At may iniabot sa akin. Agad ko naman binasa yun.

Napatingin ako sa lahat ng bata.

" So ibig sabihin ang ginagawa nyo kanina. Ensayo sa pagsali nyo sa contest na to?" Ako at tinuro ang hawak na papel.

" Opo." Sumagot naman ang mga bata.

Napahinga naman ako.

" Akala kung ano na. Hindi nyo naman kasi sinabi agad." Ako.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon