Chapter 32

127 0 0
                                    

Ang bilis ng panahon. Kaka ensayo lang namin ngayon dumating na ang araw na kailangan naming magperform.

" Miss tayo na po." Natauhan ako ng biglang nagsalita ang isa sa Ina ng aking estudyante.

" Po?" Ako.

" Kailangan na po nating pumunta sa gitna. Tinatawag na po tayo." Sabi nito.

Napatingin ako sa paligid.

Ngayon na talaga ang araw.

Napahinga naman ako at napatingin sa suot ko.

Hindi ko inaasahan ang ganito. Meron pa palang parada at sa bawat baitang at seksyon kailangan ng representatives.

At dahil hindi nakapaghanda ang mga estudyante ko. Nang hindi sila ma iba sa lahat.

Ako na yung kusang naging representative.

Hawak ko ang banner namin.

Maraming napapatingin sa akin. Hindi naman nagmamayabang pero nakikita ko sa mga mata ng mga to. Ang paghanga.

About sa suot ko pala. Naka suot ako ng Kpop attire. Sasayaw kami ng Boom Boom kaya napag isipan na doon na lang ako kumuha ng gagayahing susuutin.

Hapit na hapit na ito sa akin at off shoulder.

" Miss, huwag kang mag-alala sa ayos mo. Ang ganda mo kaya." Napatingin ako sa nagsalita.

Hindi ko namalayan na narito na pala ang nga bata kasa kasama ang Ina ng mga to.

" Oo nga Miss. You look Hot and Fabulous sa suot mo ngayon." Dagdag pa ng isa.

" Sinabi mo. Akala ko maganda na si Miss. May igaganda pa pala." Komento naman ng isa.

" Miss your beautiful." Napatingin ako sa estudyante kong nagsalita non. Agad naman sumang-ayon ang ibang bata.

Ngumiti na lamang ako at nagpasalamat dito.

Dahil sa supporta ng Ina ng mga bata at ng mga estudyabte ko. Hindi ko na inisip ang paligid.

Kailangan kung gawin to para sa mga bata.

Nang marinig na tinatawag na kami. Agad akong nag-ayos. At binalewala na muna ang pagiging mahiyain.

I'm going to do this for them.

Agad akong naglakad sa gitna na nakangiti habang hawak hawak ang banner ng name ng section na hawak ko.

Maraming napapatili ng pagpasok namin. Ewan ko ba kung bakit.

Siguro dahil sa mga kakyutan ng mga bata.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti.

" Miss, ang dami nating fans ha." Napatigil ako sa sinabi ng isang Ginang.

" Po?" Takang tanong ko.

Fans?

" Nakikita mo ang malakasan na paghiyawan ng mga tao.? Theyre cheering for us. Nang dahil sayo Miss." Dagdag pa nito.

Bigla akong namula.

What the Hell. Hindi naman siguro.

" Naku Maam. Hindi naman siguro." Nahihiyang sabi ko dito.

" Ikaw talaga Miss. Ewan ko ba sayo. Ang ganda ganda mo. Bakit mo ikakahiya." Sabi nito.

Napakamot na lamang ako ng ulo sa sinabi nito.

Ako maganda?

Asuus.

Parang hindi naman.

Napabalik ako sa sarili ng marinig ang isang malakas na hudyat. Yun na pala ang pagbukas ng selebrasyon ng School.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon