Chapter 23

144 1 0
                                    


" Miss ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Princess ng magtanong ito.

Nga pala pagkatapos kung bisitahin si King. Naisipan kong puntahan na muna ang bata.

Well nangako akong pupuntahan ito ayoko naman sirain. Gusto ko mang tumakbo palayo nang masilayan si King sa sitwasyon nito. At isipin na hindi totoo. Wala akong magagawa. Hindi ito mahinasyon.

" Bakit ang lungkot lungkot mo. At halatang umiyak ka?" Dagdag ng bata.

Nagkatinginan kami ni Kyla. At alam kung nag-alala ito. Nakilala na nito si Princess.

Binigyan ko naman ng tingin ito na ayos lang ako. At pilit naman akong ngumiti sa tinuran ng bata.

Nandito ako para damayan siya. Hindi yung ako pa ang dadamayan sa sitwasyong to.

" Ayos lang ako. Hindi ako malungkot may iniisip lang." Palusot kung sabi.

Nandito pala kami sa hardin. Actually si Kyla talaga ang nagdala sa amin dito. Siguro ramdam nito ang bigat na dala dala namin.

" Kamusta ang Kuya mo?" Ako

Naging malungkot ang mukha ng bata.

" Kanina tinangka na naman nitong magpakamatay." Siya.

" Mabuti na lang at may nakakita. Nag-alala na ako Miss para kay Kuya." Dagdag pa nito.

Agad ko naman niyakap ang bata.

Alam kong kailangan nito ng kayakap at isa pa kailangan ko din.

Hindi nalalayo ang sitwasyon namin.

" Baka gusto ng makakain. Ibibili ko kayo. Masarap kumakain habang malungkot." Kyla.

Napatingin kaming dalawa sa kanya.

Bigla kaming nagkatinginan at ngumiti sa sinabi nito.

Napatango kaming dalawa.

Ngumiti din ito at umalis.

" Sandali lang ako." Siya.

Ngayon kami na lang ang naiwan.

* Ringtone

Napatingin kami sa ingay na yun. Kay Princess pala.

Agad na tinignan ito ng bata.

Bigla akong nagtaka ng makita ang reaksiyon nito.

" May nangyari ba?" Nag-alalang tanong ko.

Hindi ito sumagot kaya tinapik ko ito ng mahina.

Napatingin ito sa akin.

" Miss si Kuya......

" Anong nangyari sa Kuya mo?" Hindi ko na pinatapos ito sa sasabihin.

" Nagawang makatakas ni Kuya." Sabi nito.

" What?" Nagulat naman ako.

" Miss bumalik tayo at tumulong na hanapin si Kuya. Baka anong gawin nito sa sarili." Nag-alalang saad naman ng bata.

" Sige. Bilisan natin." Ako.

Maagap itong tumayo at nagsimula kaming maglakad.

Pero hindi pa kami nakakalayo ng may sumulpot na isang tao.

Bigla akong natigilan sa taong yun.

Kyla's POV


Hindi ko maiwasang mag-alala kay Era.

At nasasaktan akong makitang nahihirapan ito.

Hindi ko maisip ang kaninang na diskubre naming dalawa ni Era.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon