Chapter 42

138 1 0
                                    

Bigla akong nagising sa ingay na yun. Kahit na puyat. At gusto pang pumikit at matulog ng katawan ko. Pilit kong hinahanap ang ingay na yun. Hanggang sa nalaman kung Cellphone ko pala yun.

Bigla akong nagtaka. Napatingin ako sa oras.

Ang aga aga merong tumatawag.

Sino naman kaya? At bakit?

Tamad kung kinuha yun at tinignan ito.

Nanlaki ang mata ko sa nakita.
Naka register ang pangalan ng bata.

Kaya bigla akong kinabahan.

Nang mangyari to. Masamang balita ang natanggap ko kay Princess.

Dali-dali kong sinagot yun.

" Princess?" Ako.

" Miiss *sniff we need you *sniff here. Please." Biglang naputol ang tawag.

Kaya lalong dinamba ng kaba ang puso ko. Lalo na hindi mawala wala sa isip ko ang ingay na naririnig sa kabilang linya.

Masama ang kutob ko.

Parang may nangyari!.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Dali dali akong tumayo at nagbihis. Well parang nagising ang katawan ko sa pagtawag ni Princess.

Nang handa na ang lahat. Agad kong kinuha ang susi at nagtungo sa parking lot.

Kung may makakita man sa akin. Iisipin ng mga yun na baliw ako. But f@ck. I dont care. Kailangan kung makarating agad kila Princess.

Iisa lang ang nasa isip ko. Sa tono ng boses ng bata halatang kinakabahan at nag-alala.

Baka anong nangyari kay King.

I drive my car as fast I can.

Kailangan kung makarating agad kila Princess.

Bigla akong napa preno.

Pero paano?

Napahiramos na lamang ako. Ngayon ko lang na isip na first time kung pumunta ng mag-isa sa bahay nito at dahil yun kay Princess.

Baliw ka talaga Era. Hindi mo na itanong sa bata ang address.

Paano yan ngayon?

Hindi ka naman isang Madam auring sa paghuhula.

" Tsk. Kasi naman eh. Sa dami daming pwedeng kalimutan yung address pa ng bata." Kausap ko sa sarili.

Naalala kong dinala ako ni King sa Mansyon pero may problema yata ako sa memorya at hindi ko matandaan ang daan.

Biglang nawala ang pag-alala ko ng makatanggap ng mensahe sa bata.

Sorry Miss. I forgot to tell you my address. Ito po ************************

Yan ang laman ng mensahe.

Agad naman akong nagtipa.

Dont worry Cess. Thanks by the way. I'm on my way now

Reply ko dito.

Agad kung tinago ang phone at nagmaneho.

Hanggang sa narating ko ang sinend na address ng bata.

Ito na kaya?

Tanong ko sa sarili ng makita ang napalaking Bahay. O Mas mabuti pang tawaging Mansyon.

Lumabas ako ng kotse.

Kailangan kong ipaalam kay Princess na nandito na ako.

Kaya agad kung kinuha ang phone sa Bag.

At nagtipa.

Mabilis naman itong nagreply hanggang sinalubong ako nito. Lumabas ang bata. May kasama ito.

Agad kong nakilanlan iyon. Isa sa dito ang Ina ni Princess at ni King. At may kasama silang isang Malaking Mama. Bumati ako dito at nagbigay galang.

Ngumiti naman pabalik ang Ginang.

"Pumasok tayo iha." Ginang

" Ah. Salamat po." Ako.

" Pero bago tayo umalis. Ayos lang ba sayo iha na yung isa sa mga tauhan namin ang magmamaneho ng kotse mo.?" Tanong nitong sa akin.

" Sige po." Ako.

Ngumiti naman ito. Kaya ngumiti din ako.

" Dante, ikaw na ang bahala sa kotse." Ginang.

" Yes Maam." Rinig kung sagot ng Malaking Mama.

" Maam? Kukunin ko lang ho yung susi ng kotse." Sabi nito.

Agad kong binigay naman dito.

" Thank you Manong." Ako.

" Wala ho yun Maam." Sagot naman nito.

" Let's Go?" Rinig kung anyaya ng Ginang.

Nakita kong hinawakan nito si Princess. At nagsimula silang maglakad.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanila.

Nang makapasok. Hindi ko maiwasang mapahanga sa nakikitang magagandang larawan na nakasabit sa dingding.

Ang gaganda. Dumagdag pa ang kulay ng Mansyon at mg kagamitang antique kung titignan. At nakakahanga sa mata.

" Pasensya na iha. At inabala ka pa ng anak ko." Ginang.

" Naku po. Basta si Princess ho yan. Walang abala abala po sa akin." Sagot ko naman.

Asuuuus. Si Princess lang. Tukso naman ng ibang bahagi ng utak ko.

Hindi ko na lang yun pinansin.

" Halika na Miss. Puntahan natin si Kuya sa taas." Suhestiyon ni Princess.

" Anak hindi pa pwede. Kakaturok lang ng gamot ng kuya mo." Mahinahon sabi naman ng Ina nito. At kahit pilit itago nito. Alam kung nasasaktan ito sa sitwasyon ng anak.

Hindi ko naman maiwasang masaktan.

Hinawakan ko ang kamay ni Princess upang makuha ang atensyon nito.

" Listen to your Mom cess." Ako.

" But..... Kuya need to see you here." Hindi maitagong lungkot ni Princess.

"Don't worry Cess. I will wait him" ako.

Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Cess.

" Really?" Siya.

Napatango na lang ako.

" Yeaay. Thank you Miss." Masayang sabi nito. At agad na niyakap ako.

Napatingin ako bigla sa Ina ni princess. Nakita kong napangiti ito.

" At dahil hindi pa nagigising si Kuyang pogi. Wala tayong gagawin kundi ang hintayin to. Pero kailangan na muna nating libangina ng sarili sa paghihintay. Am I right Mom?" Masayang tanong nito sa Ina.

" Of course, Darling." Nakangiti na ngayon saad nito sa anak.

" Let's go Miss." Masayang saad ng bata.

Wala naman akong nagawa kundi ang magtianod sa bata.


Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon