Dahil sa pagod at tagaktak na pawis.
Naisipan ko na munang magpahinga.
" Kids, we will have a break for now. Just 20 minutes." Ako.
Tumango naman ang mga bata.
At nagsipunta sa kanilang Ina.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Well lahat ng parents naging active sa plano namin para sa gagawin ng mga bata.
Nagawa ko nang matapos ang song na sasayawin ng mga bata kaya nagagawa na naming mag ensayo.
Asuuus. Nakalimutan mo si papalabs mo. Kung hindi dahil sa kanya. Hindi mo agad natapos ang pagreremix. Sumbat ng ibang bahagi ng utak ko.
Well may punto naman ito. Malaki ang pasasalamat ko sa lokong loko na yun. Akala ko ang alam lang nito ay pestehin ang buhay ko.
Flashback...
Narito ako ngayon sa school. Maaga kong pinauwi ang mga bata. Nang magawa ko ang nararapat na gawin.
Hindi ko pa kasi nagawang tapusin ang sasayawin ng mga bata. Kailangan ko nang matapos yun.
Dahil kapag hindi ko matapos yun. Hindi namin magagawang mag-ensayo. Malapit na kaya. Napakabilis kasi ng panahon.
Tsk.
Nakatutok ako ngayon sa laptop. Dito ko naisipang gawin ang sasayawin. Dahil na din sa walang magagawang istorbohin ako at may wifi dito kaya magagawa kong i donwload ang kailangang kanta.
At dahil hindi naman ako ekspert sa ganoong bagay. Asahan nyong nagkakamali ako palagi. Kaya pa ulit ulit akong nagsisimula. Tsk.
Hindi ko maiwasang mainis.
Palagi kasing mali ang nagagawa ko.
" Need some help?" Nagulat ako sa taong kakasulpot sa bukana ng pinto ng room.
Biglang napakunot ang noo ko ng makitang yung loko loko pala.
" What are you doing here?" Tanong ko dito.
Hindi ito kumibo at lumapit sa ginagawa ko.
Nakatitig ito sa laptop ko.
Sa inis kong hindi ito sumagot sa akin. Inilihis ko ang laptop.
" Anong ginagawa mo dito?" Ako.
" Ilang oras na kitang pinapanood. At napapansin kung nahihirapan ka kaya I'm here. I volunteer myself." Sabi nito.
Nagawa namin magkakatitigan.
Pero teka?
Ilang oras na kitang pinapanood. At napapansin kung nahihirapan ka kaya I'm here. I volunteer myself.
Ilang oras na kitang pinapanood. At napapansin kung nahihirapan ka kaya I'm here. I volunteer myself.
Ilang oras na kitang pinapanood. At napapansin kung nahihirapan ka kaya I'm here. I volunteer myself.
Ano daw??
"What do you mean? Huwag mong sabihin na kanina ka pa na nonood sa ginagawa ko?" Hindi ako makapaniwala.
Simpleng tumango lang to.
" Alam kong nahihirapan ka na. Kaya naisipan kong puntahan ka na. Ano bang ginagawa mo? Baka makatulong ako." Siya.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong King ngayon.
Seryoso ito at para talagang gusto akong tulungan.
BINABASA MO ANG
Unluckily Lucky (Completed)
RomantizmLove Potion? Sa Maling Tao? Ano kaya ang magiging buhay ng taong umiibig at naatim na gumamit ng Gayuma. Ang pagkakamali lang sa maling tao.? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng bida? Let's find out.!