Chapter 35

126 0 0
                                    

Ilang araw ang nakalipas. Ang bilis talaga ng panahon.

Kakaligpit ko lang. Kakatapos lang kasi ng klase ko.

" Miss, may gagawin ka ba?" Napatingin ako dito.

Si Princess pala.

" Wala naman Cess. Bakit?" Ako.

" Miss magpapasama sana ako sa mall. Okay lang ba?" Siya.

Napatingin ako sa likuran nito.

" Wala ka bang sundo.?" Ako.

" Meron po. Pero sina yaya lang po ang kasama ko. Gusto ko sanang magpasama sayo. Si kuya kasi parang walang gana. Miss pwede po ba?" Siya.

" Hmmm. Okay. Sandali lang at magliligpit lang ako." Ako.

Sumaya naman ang mukha ng bata.

" Teka? Asan ba ang Kuya mo?" Hindi ko maiwasang magtanong.

" Si Kuyang pogi ba? Ayon kinukulong ang sarili sa kwarto." Rinig kong sabi nito.

Napatingin naman ako bigla dito sa narinig.

" Ano bang dahilan?" Ako.

" Ewan. Minsan di naman kasi pala kwento si Kuya." Siya.

Natigilan naman ako.

Baka yun ang dahilan.

" Miss are you okay?" Nag-alalang tanong ng bata.

" Okay lang ako. May iniisip lang. Tayo na." Aya ko na lang dito.

Ngumiti naman ang bata.

Pinagbuksan kami ng pinto ni Manong driver. Nagpasalamat na lang ako.

Ilang minuto din bago namin narating ang mall.

Fast forward.

Ilang oras din pala ang ginugol namin sa pagshoshopping.

Kakauwi lang ni Princess. Pinauna ko na siya.

Pero dahil mapilit ang bata. Pinahatid na muna ako sa school. Doon ko kasi iniwan ang dala kong sasakyan.

Kinakausap ko naman ang bata na magcocommute lang ako papuntang pero ayaw talaga. Wala akong nagawa kung di ihatid sa school.

Si Princess may pag King version din. Matigas ang ulo.

Asuuuus. Dinamay pa ang bata. Ang sabihin mo. Na miss mo lang si King. Ilang araw bang hindi nagpaparamdam? Komento naman ng ibang bahagi ng utak ko.

Napa iling iling na lang ako.

The Next Day...

Balik klase na.

Kaya maaga akong nagising at naghanda sa pagpasok.

Dumating ako ng school ng maaga din.

Meron bumabati kapag nakakasalubong ko kaya ngumungiti na lang ako pabalik dito.

Ang sama naman kung di ko papansin. Baka isipin nila. Snobber pa ang peg ko.

Narating ko naman kaagad ang room ko.

At dahil balik school na. Naisipan ko na munang maglinis.

Wala pa naman ang mga bata.

Parang full na full ang energy ko ngayon dahil sa pinagagawa ko.

Unti unting dumating ang mga bata kasama ang Ina ng mga to.

" Good Morning Miss." Bati ng mga to.

" Good morning din po." Ako. Habang naglalampaso.

Mabuti na lang at malapit na ding matapos ang ginagawa ko.

" I'm sorry po Maam sa aberyang to. Huwag po kayong mag-aalala malapit na pong matapos." Ako.

" Naku Miss. Kami nga ang dapat humingi ng paumanhin. Huli na yung pagdating. Edi sana natulungan ka namin. Siguradong pagod na pagod ka na." Isa sa ina ng mga bata.

" Ayos lang po. Nasipagan kaya anong pinagagawa." Na sabi ko na lang na ikinatuwa ng Ina ng nga bata.

Yung mga bata pinaglaro ko na muna.

" Akin na yan Miss. Malapit nang matapos kakasabi mo lang. So kami na ang bahala." Isa sa Ina ng mga bata at kinuha sa akin ang walis.

" Watch and be amaze sa nagagawa namin." Birong sabi naman ng isa pa.

Napa iling iling na lang ako. Wala akong nagawa ng pa upuin nila ako sa isang upuan. Sila na nga yung tumapos ng gawain.

Ako nanonood lang.

Fast forward...

Naisipan ko na munang magbihis. Mabuti na lang at may dala akong extrang damit for emergency. Kagaya nito.

At bilang papasalamat sa Ina ng mga bata. Umorder ako ng pizza para sa lahat.

Agad din dumating. Parang nagulat pa yata ang lahat.

" Good morning sa lahat. Pizza lang ang makakayanan ko. Sana magustuhan nyo. Treat ko yan sa pagtulong nyo kanina at syempre sa matagumpay na pakikilahok sa na ganap na selebrasyon. Hindi ako makapaniwala na nagawa nating kunin yung award na Best choice. Malaking achievement na rin yun. Congrats sa ating lahat." Mahabang speech ko na ikinapalakpak at ikinahiyaw ng mga Ginang.

" Please enjoy the treat." Pahabol ko.

Agad akong naglibot. At hinanap si Princess.

Madali ko itong nakitang naka upo sa isang mesa habang kaharap ang Pizza.

Nakangiti itong kumakain ng pizza with her Nanny?

Pero asan ang kuya nito?

Dahil sa nalaman para bang....

Agad kong iniwaksi ang pakiramdam na yun.

Pilit akong ngumiti pero hindi katulad kanina na. Ang saya saya ko.

Parang biglang nawala ang lakas ko.

It just.....

" Miiisssss?" Napaangat ako sa tinig na yun.

Agad kong nakita ang nakangiting Princess.

Lumapit ako dito.

" Nag-eenjoy ka ba Cess?" Ako.

" Opo. Pero mas masaya sana kung si Kuyang pogi ang kasama ko." Rinig kung bulong nito.

" Naku Cess huwag kang mag-alala nandito naman ako. Hayaan mo muna si Kuya." Ako.

Mabuti na lang at nawala din ang lumbay sa bata. Pero meron pa din sa mga mata nito. Na ikinalungkot ko.

Damang dama ko ang lungkot ng bata.

Ako din naman. I expected him here. Pero nagkamali yata ako.

I wish he's here.

G@go yun ah.

Hindi man lang nagpakita. Eh para sa lahat to.

Malaki naman ang naitulong nito sa amin.

I really appreciate his effort. Para gawin yun lahat.

*Sigh

Pero paano ako magpapasalamat kung wala ang loko loko. Tsk.

Kagaya ng bata. Nang hindi na muna magulo ng lokong yun ang isip ko. Itinuon ko na muna sa pizza.

Ang sama naman kapag di ko papahalagahan ang pagkain.

Tsk.

Grasya kaya yun.

" Miss maraming salamat sa treat. Sa uulitin ha ." Pahabol na sabi ng isang ginang na ikinatawa ng iba.

Napangiti naman ako.

Napuno ang room ng halakhak.

Paano ba naman. May tinatago din pa lang kakulitan ang mga Ginang na to.

Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon