Chapter 36

114 0 0
                                    

Maaga akong nagising kaya maaga din akong dumating sa school.

" Good morning Miss." Bati sa akin ng isa sa mga nagbabantay ng School.

Si Manong guard lang naman.

Ngumiti at bumati din ako pabalik dito.

" Ang aga po natin Miss ah." Sabi nito.

" Naku Manong maaga din kasing nagising kaya ganoon." Ako.

Napatango tango na lang si Manong.

" Alis na muna ako Manong." Ako at pinaandar ang dala kong sasakyan. Si manong guard kasi ang nagbukas ng gate para sa akin.

" Sige po Miss." Huling rinig kong sabi ni Manong.

Nagawa ko na kasing makalayo.

Ipinark ko na muna ang kotse bago bumaba at binaybay ang daan.

Nang makitang malapit na ako sa room. Agad kong hinanap ang susi.

Hanggang sa nakarating ako sa tapat ng pinto. Kakahanap ng susi.

" May problema ba?"

Gulat na gulat akong napatingin dito.

Muntik malaglag ang puso ko sa kaba. Paano ba naman?

Parang kabuteng pa sulpot sulpot ang lokong to.

" What are you doing? Papatayin mo ba ako?" Singhal ko dito.

Napakamot na lang ito ng ulo.

" I'm sorry hindi ko sinasadya." Seryosong hinging paumanhin nito.

Inayos ko naman ang sarili.

Bago hinarap to.

" Tsk." Na sabi ko na lang.

Mabuti na lang at nakita ko din yung susi. Agad kung binuksan ang pinto.

Kahit na di ko sabihin alam kung sumunod to.

Pumunta ako sa kabilang pintuan para mabuksan din yun. Habang siya naman tinulungan akong buksan ang mga bintana.

" Salamat." Maikling sabi ko dito.

Tsk. Sa tinagal tagal ng mg araw na lumipas. Bakit pa to nagparamdam.

Tsk.

Nagpunta ako sa mesa at inayos ang mga gamit ko.

Maya-maya dadating na din ang mga bata kaya kailangang maghanda.

Lihim kung tinignan ang loko. Tahimik tong nakaupo sa isa sa mga upuan ng mga bata.

Hindi ko maiwasang mapangiti.

Ang cute nitong tignan sa maliit na upuan.

Noooo.

Stop that smile Era. Baka ano pang pumasok sa isip ng loko.

Ma misinterpret pa nito.

Ilang minutong walang umimik sa amin.

Ackward para sa akin.

*sigh

Hindi ko maiwasang mapatingin tingin sa loko.

Well aaminin ko. Na miss ko din siya.

Ilang araw ba naman hindi nagparamdam.

Ewan ko ba kung anong problema niya.?

Hindi ko talaga maintindihan ang mga kagaya niyang lalaki. Tsk.

Namula ako bigla ng makitang nakatingin ito sa akin.

Patay!

Nahuli ako nitong nakatingin sa kanya.

Waaaah.

Nakita kong ang pag ngisi na ikinapula ko lalo.

Wala na. Finish na.

* Insert Ringtone Here

Nawala ang atensyon ko kay King ng marinig ang paghuni ng Cellphone.

Nalaman kung sa akin pala yun. Kaya agad kong kinuha sa bag.

Tinignan ko ang caller. At malaki ang pasasalamat ko kay Kyla ng tumawag ito.

Tamang tama sa ackward na sitwasyon namin ng loko.

Agad kong sinagot yun.

Nabigla at nailayo ko ng sumigaw ito sa kabilang linya.

Aksidente ko din na pindot ang loud speaker.

Oy ang sama mong babaita ka. Hindi mo man lang sinabi na nagkita na pala kayo ni Boss.

Ano yun te? Destiny? Isang taon lang tapos agad agad nagkita. Oh ano? Nang makita mo naapektuhan ka pa di  ba ng gwapong mukha nito.

Oy babaita? Bakit di ka makasagot? Hey? May tao ba?

Hi! Ackward kong sagot dito.

Oh. Andiyan ka palang babaita ka. Akala ko walang tao. Kanina pa ako dito salita ng salita. Di ka man lang kumibo.

Huwag mong sabihin na andiyan pa din sa puso mo si Boss. Yung my loves mo.

Kylaa. Saway ko dito.

Ang ingay mo.

Anong maingay? Bakit ba asan ka ngayon? Huwag mong sabihin nasa school ka na?

Napapikit na lang ako. Hindi ko kasi makayanan ang titig ni King sa akin.

Well ang kaninang nakangisi. Wala na. Seryoso itong nanonood sa kilos ko.

Yeah. May klase pa ako. Hindi ako pwedeng makipag-usap sayo ngayon.

Oh. Naiintindihan ko. Well magkita na lang tayo. Nandoon din ang dalawa. Babuussh.

Sige. Bye. Ako at biglang namatay ang tawag.

Ibinalik ko na muna ang Cellphone sa bag.

Pero ng pagtingin ko sa kinauupuan nito.

Wala ng King ang nakaupo dun.

Napatingin ako bigla sa pintuan na pwedeng labasan.

Dali-dali akong lumabas. At tinignan ang corridor pero wala nang King.

Ni anino nito wala din.

Ang bilis ng loko.

Pero umalis lang ito ng hindi man lang nagpaalam.

Tsk.

Ngayon nga lang to nagpakita.

Agad namang umalis. Tsk.

May nangyari ka ya?

Bumalik ako ng table.

At napa upo.

Nagtaka ako ng tumunog ang Cellphone ko.

Someone texted me.

Unknown number kaya napakanuot ang noo ko.

Sino naman magtetext sa akin?

Kahit nagtataka man. Binasa ko pa din yun.

Pumunta ako para sana humingi ng paumanhin. But I think your busy. Kaya dito na lang ako hihingi paumanhin. Sorry sa nakaraang araw. I know wala akong karapatan na magalit. I'm really sorry. Umalis na ako. Alam kung may klase ka pa.

Yan ang laman ng mensahe. At agad kong nakilala to.

Sino pa nga ba? Walang iba kundi ang loko lokong yun.

Tsk.

Nandito na siya ha. Bakit hindi na lang sinabi.

Mas maganda nga yung face to face tsk.

Nang ramdam na ramdam ko ang paghingi nito ng paumanhin.

Tsk.

Lalaki talagang yun.

Di ko ma reach. Tsk. Ang hirap intindihin.








Unluckily Lucky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon