Chapter 2

10.7K 165 1
                                    

Chapter 2: Accidentally Pregnant

“Lies come easy, truth is really hard to say.”


ALESSANDRA’S POV

TULALA pa rin ako hanggang ngayon habang nakamasid sa kawalan. Mahigit dalawang linggo na rin ang nakakaraan ngunit hindi pa rin ako nakakalimutan ang katangahan nagawa ko.

Wala sa sariling nasabunutan ko ang sarili ko.

“Argh! Ang tanga-tanga ko! Bakit ko ibinigay ang sarili ko sa isang taong hindi ko man lang kilala? And worst sa isang womanizer at playboy pa?” lumuluha at puno ng pagsisi na paninisi ko sa aking sarili.

Ipinikit ko ang aking mata habang paulit-ulit na hinila ang dulo ng aking buhok. Tila hindi alintana ang sakit sa ginagawa kong pagsabunot sa sarili ko kasabay ng pagtulo ng luha na kanina ko pa pilit pinipigilan bumagsak.

Bigla ko kasing naalala ang mga pangyayari pagkatapos niya akong iwan.

- FLASHBACK -

Tulala pa rin ako habang naglalakad pauwi sa amin. I still can't believe that I did something stupid at iyon ay ang ipaubaya ang sarili at isuko ang pinakaiingatan ko sa isang lalaki hindi ko naman nobyo. Higit sa lahat, babaero.


Hindi ko tuloy maiwasan matakot. Nag-aalala ako sa maaaring maging reaskyon ng magulang ko. I know that it's my fault kung bakit nangyari iyon. But I still don't want them to be mad at me. Ayoko silang ma-disappoint sa akin.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay huminga muna ako ng malalim. Ilang segundo pa akong tumitig sa tapat ng pinto bago ako kumatok at dire-diretsong pumasok sa loob. Hindi naman ako napansin nila mama at papa na abala sa panonood ng paborito nilang palabas sa telebisyon kaya agad akong dumiretso sa kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ay kaagad kong ini-lock ang pinto saka dumapa sa kama. Hindi ko na napigilan ang sarili na mapahagulhol habang yakap-yakap ang isang unan.

I bite my lower lip at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa unan.

Hindi ko kasi maalis sa isip ko ang posibilidad na baka may mabuo.

I know that it only happen once but I can't help but feel scared. Sino ba naman ang hindi? I'm only sixteen for christ sake! Tiyak na huhusgahan ako ng mga tao kung sakaling magbunga ang isang gabi hinayaan ko ang sarili magpadala sa temptasyon.

-END OF FASHBACK-

Nakatulala pa rin ako hanggang sa namalayan ko na lang na may tumabi sa akin. Hindi na ako nag abalang lingunin kung sino iyon dahil medyo magulo pa ang isip ko.

"Sis, dalawang linggo ka ng ganyan. Ayos ka lang ba talaga?" malungkot na tanong sa 'kin ni Lalaine.

Nagpilit naman ako ng ngiti saka bumuntong hininga. “A-Ayos lang naman siguro ako,pagsisinungaling ko.

Nagtaas naman siya ng kilay. “Anong siguro? So, hindi ka nga okay?”

Hindi naman ako nakaimik kaya mas lalong lumawak ang gatla sa noo niya.

“Why aren't you answering? Is something bothering you?” nag-aalalang tanong niya.


Nag-iwas na lang ako ng tingin saka pinahid ang luha na tumakas sa aking mga mata. “W-Wala nga! O-Okay nga lang sabi ako,” pilit ang ngiti na tanggi ko.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon