Chapter 36

3.5K 58 1
                                    

DIANE'S POV.

Nakatulala lang ako dito habang pinapaikot ko sa kamay ko ang ballpen ko. Wala kase ang teacher namin sa next subject kaya wala akong magawa.

Yung iba ko namang kaklase ay kanya kanya nang business.
Actually Friendly naman akong tao kaso mapili rin ako.
Kapag alam kong medyo hindi maganda ang ugali at medyo makapal ang lipstick sa labi at kolerete sa mukha. Ah, nevermind. Mas gugustuhin ko na lang mag isa.

I don't insult people. I just describe them and telling what are seeing my eyes. Ayoko sa mga ganung klase nang tao, sila kase yung mga taong nakakaagaw nang atensyon. At kung minsan puro negatives thoughts lang.

Napabuntong hininga na lang ako at tumungo. Nakakapagod pala kahit wala ka namang ginagawa. Ipinatong ko na lang ang dalawa kong braso sa desk at ipinatong dun ang ulo ko. Nakakaboring naman, mas gusto ko pang may teacher kesa wala para naman may napagkakaabalahan ako.

Halos mapatalon ako nang biglang tumunog ang ringtone nang cellphone ko. Agad ko naman iyong kinuha at halos man laki ang mata ko nang number ni mommy ang nag appear sa screen ko. Mabuti na lang pala at walang teacher kaya agad akong nakalabas nang room. Pinindot ko na rin ang answer button bago nagsalita.

"Hello mom? Bakit po kayo napatawag?" Takang tanong ko. Sa pagkakaalam ko kase ay busy sila ni daddy sa ibang bansa. Namimiss ko na rin si mommy kaso kailangan naman nilang asikasuhin yung business namin dun.Haysst.

"Hi sweettie, Anong araw ngayon? " Tanong naman ni mom. Nangunot naman ang noo ko at pilit na inaalala kung anong araw ngayon. Nang maalala ko na ay agad ko ring sinabi kay mommy.

"May 8 po ngayon mommy" Sagot ko naman. Isang week na rin ang nakakaraan nang surpresahin nila ate lalaine si ate Sandra. Ang daya nga nila eh, hindi man lang ako sinabihan. Haysst!Hindi ko tuloy nabati si ate Sandra dahil nabusy na rin ako sa mga projects namin sa school.

Namimiss ko na rin si Ate ganda pati yung mga cute na cute niyang mga babies. Haysst! Ang hirap maging estudyante, minsan may mga kailangan ka talagang isakripisyo huwag lang maapektuhan ang pag aaral mo.

"Exactly and what is the date on thursday? " Mas lalong nangunot ang noo ko at bigla na lang akong napangiti nang malapad nang maalala ko na kung anong meron bukas.

"May 10 po, Birthday ni kuya"Nakangiting sabi ko. Mag two twenty-one na pala si kuya pagkalipas nang isang araw.Bakit naman kaya napatawag si mommy dahil lang dun?

"Pricelessly! Ano ba ang plano niya sa birthday niya? May mga sinasabi ba siyang plano sayo?" Napaisip naman ako. Plano? Parang wala namang nababanggit sakin si kuya eh. Naging busy na rin yun sa trabaho kaya hindi na kami nakakapag usap.

"Wala naman pong binabanggit sakin si kuya mommy eh. Bakit po?"

"Well, Balak kase naming umuwi diyan bukas para surpresahin ang kuya mo. Alam mo naman itong daddy mo, masyadong favorite si Dwayne kaya mamaya rin ay babyahe na kami pauwi diyan. Huwag mo munang sabihin sa kanya ito Diane" Wala sa sariling napangiti ako. Mahal na mahal talaga nila mommy at daddy si kuya. Hindi naman  favoritism ang tawag dun.

Sadyang mas pinagtutuonan lang nila nang pansin at atensyon si kuya kase gusto nilang mapabuti si kuya. Ganun rin naman sila mommy sakin  although na iba pa rin yung kay kuya wala akong sama nang loob sa kanila. Nararamdaman ko naman kase na pantay lang ang pagmamahal at atensyon na binibigay nila samin.

"Sige po mommy, hindi ko po sasabihin kay kuya" Nakangiting sabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni mommy.

"Diane, Wag mong isipin na mas mahal namin ang kuya mo okay?Espesyal na araw niya kase bukas kaya kailangan natin siyang pasayahin" Mas lalo lang akong napangiti at hindi ko alam kung bakit bigla na lang may tumulong luha mula sa mata ko. Is it tears of joy?Hindi naman ako nasasaktan eh, masaya kaya ako.

Destined Amorous Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon