DIANE'S POV.
Agad ko lang kinuha ang phone ko na nakapatong sa may katabi kong sofa. Agad naman na may sumilay na masayang ngiti sa labi ko bago pinindot ang answer button.
"Hello Moo, napatawag ka?" Masiglang bati ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa na naging dahilan nang pagkalabog nang puso ko.
"Hello din Moo ng buhay ko. Wala lang, namiss ko lang kase marinig yung boses mo. Bawal na ba ngayong kamustahin nang boyfriend ang girlfriend niya?" Mas lalo namang lumawak ang ngiti ko at halos mapunit na rin ang labi ko dahil sa kinililig ako sa kanya.
"Bakit mo naman ako namiss?" Kunwari ay wala akong pakielam kung namiss man niya ako o hindi. Wala lang, gusto ko lang.
"Kase hindi kita nakikita at nakakasama dahil pareho tayong busy. Ako ba? Hindi mo ba ako namiss?" Napakagat labi na lang ako at parang gusto ko nang humagalpak nang tawa. Halata kase sa tono niya na nagtatampo siya at kung nandito lang siya ngayon malamang sa malamang ay nakapout pa siya. Ang cute.mahinang bulong ko sa isip ko.
"Hindi kita namiss, Bakit naman kita mamimiss?" Parang balewalang sabi ko at bahagya ko lang na inilayo ang phone ko at humaglpak nang tawa. Ewan ko ba,gustung gusto ko siyang naiinis sakin.
"Moo naman eh" Naimagine ko tuloy kung nagpapadyak pa siya. Medyo may pagkaisip bata ren kase si Moo ko eh at ang cute lang niya.
"Haha, Joke lang Moo. Syempre namiss kita, Ilang araw kaya tayong hindi nagkita at nagkausap" Bigla akong nakaramdam nang lungkot. Nakakamiss naman kase talaga siya eh. Hindi ko alam kung bakit parang may kulang kapag hindi ko siya kasama o kaya naman ay hindi ko siya nakakausap sa personal man o kahit sa phone lang.
"Ang hilig mo talaga akong pagtripan Moo" Nagtatampo niyang sabi. Napailing na lang ako para pigilan ang sarili kong mapatawa na naman.
"Sorry na Moo, Love naman kita eh.Muah" Sabi ko naman with matching kiss pa.
"Mas mahal naman kita, By the way Moo nandito pala ako sa labas nang bahay niyo" Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko nang may marinig akong mag doorbell sa labas. Napaawang lang ang labi ko. What the hell? Anong ginagawa dito ni Moo?
"H-huh? Hehehe...Bakit pumunta ka pa dito?" Tanong ko naman.
"Bakit? Bawal na ba? Ayaw mo ba akong makita?" Parang batang nagtatampo ang tono niya. Napangiwi na lang ako at parang naubusan nang dahilan. Napabuntong hininga na lang ako.
"Hindi naman sa ganun Moo, nabigla lang ako. Hindi ka naman kase nagsabi sakin" Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil sa pagkapahiya. Narinig ko naman na napabuntong hininga rin siya.
"Hindi na ako nagsabi para naman magulat ka. Wala lang,gusto lang kitang isurprise. Nitong mga nakaraang araw kase lagi na lang kitang napapaasa na magkikita tayo pero hindi ako nakakasipot dahil andami kong trabaho. Gusto ko sanang bumawi sa pagiging paasa ko"
Naalala ko naman iyon. Mga Tatlong beses niya ata akong hindi sinipot sa date namin dahil nga sa sobrang dami nang trabaho niya. Medyo may tampo rin ako sa kanya kase kahit din naman ako busy sa school pero nagawa ko pa rin magpunta sa meeting place at maglaan nang time para saming dalawa.
Napabuntong hininga na lang ako. Pero kahit na ganun,wala namang nabago sa nararamdaman ko. Siya pa rin yung taong mahal na mahal ko kahit na minsan naisasakripisyo niya ako.
"Ayos lang naman yun sakin Moo. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi ka palaging nakakarating.... Hindi mo naman kailangan bumawi" Sabi ko naman at lumabas na rin nang bahay.
Natanaw ko naman siya sa labas habang nakatayo sa tapat nang gate at hawak ang phone niya
"Hindi naman pwede yun Diane. Siguro ngayon naiintindihan mo pa ako kase hindi ka pa nakakaramdam nang pagod pero Moo, kapag once na nagsawa kana baka bigla ka na lang mapagod at ayokong mangyari yun. Ayokong mawala ka sakin dahil lang sa nawawalan na ako nang oras para sayo"
BINABASA MO ANG
Destined Amorous Lovers (Under Revision)
RomanceWhen two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.