Alessandra's POV.Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko.Nang magmulat ako ay nakita ko ang masaya nilang mukha habang nagtatawanan.
Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid.Nangunot lang ang noo ko ng hindi ito pamilyar sakin.Teka?
"Nasan ako?"Biglang tanong ko.Sabay sabay naman nila akong nilingong tatlo.Natigil rin ang tawanan nila.Ngayon ko lang din napansin na nandito rin si Diane.Ano kayang ginagawa niya rito?
"Nasa clinic ka sis,Nawalan ka kase ng malay kanina"Naalala ko naman ang nangyari kanina.Parang sumisikip ang dibdib ko.Bakit kase kailangan niya pa akong ipagtanggol sa mga kaklase ko?
Pwede namang manahimik na lang siya kagaya ko.Napaka paasa niya talaga.Sige na,ako na tanga.Hindi ko naman kasalanan na mahulog sa kanya.Masyado kase siyang paasa eh.Nakakainis na siya.
Sana di na lang niya ako ipinagtanggol.Sana nanahimik na lang siya.Kaya ko namang tiisin yung lahat ng masasakit na salitang ibinabato nila sakin pero yung sakit.Yung sakit na siya ang may gawa,hindi ko kaya.
Parang hinahati ang puso ko sa tuwing maaalala kong wala siyang pakielam saming mag ina.Na balewala lang kami ng anak niya.
"Wag ka ng malungkot ate Sandra,Smile ka lang,Ang ganda mo pa naman"Hirit naman ni Diane.Minsan Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ang bait ng batang toh.Samantalang yung kuya niya,Mas masama pa ata sa demonyo.
"Ikaw talaga,Pero salamat..Sino nga palang nagdala sakin dito"Tanong ko.Natahimik naman sila at parang walang may balak magsalita sa kanila.Nagsalubong lang ang kilay ko.Hindi naman pwedeng dinala ko ang sarili ko rito dahil wala nga akong malay.
"Ayos lang ba kayo?Sino ang nagdala sakin dito?Ikaw ba kuya Calvin?"Nakangiting sabi ko.Halos malaglag ang panga ko ng umiling siya.Teka?Kung hindi siya sino?Alangan namang si Lalaine eh magkasing katawan lang kami at sa tingin ko rin,Hindi niya ako kaya.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Lalaine.
"Yung bwisit na damuhong yun.Hmpp!Ang kapal ng mukha niyang hawakan at buhatin ka.Ang sarap niyang sapakin kundi ka lang talaga nasa ganung state."Hindi pa rin ako makapaniwala.Ni hindi ko nga maintindihan ang sinasabi nila eh.Sino ba yung tinutukoy ni Lalaine?
"S-sino?"Utal na sabi ko.Nakasimangot pa rin si Lalaine.
"Si dwayne ate,Yung loko loko kong kuya"Tuluyan ng nalaglag ang panga ko.Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.Nahihirapan akong huminga.
"Nagpapatawa ba kayo?Haha,Okay na napatawa niyo na ako"Pinilit kong hindi maniwala pero sumeryoso naman ang ekspresyon ng mga mukha nila.What the---Mas lalong kumabog ang puso ko.
"Hindi kami nagbibiro ate,Totoo yung sinabi namin"Sabi pa ni Diane.Ibinaba ko na lang ang tingin ko.Pakiramdam ko may tutulong luha mula sa mata ko.Ayan ka na naman eh,Umaasa ka na naman.Tapos iiyak iyak ka kapag naiwan kang luhaan?Tama na,Nakakapagod na kayang umiyak.Ang hirap masaktan.
"Actually ate,Gusto ni kuya na makausap ka"Napaangat naman ako ng tingin.
"Huh?"Wala sa sariling tanong ko.Nginitian niya lang ako.
"Nasa labas si kuya,Gusto ka niyang makausap.Ate Lalaine tsaka kuya Calvin labas po muna tayo"Magalang ba paalam ni Diane.Napaawang lang ang labi ko.No.Hindi toh totoo.
"Kapag may ginawa siyang hindi maganda sumigaw ka lang sis.Akong bahalang pumatay sa kanya"Bilin pa ni Lalaine.Ni hindi ko nga nagawang tumango dahil okupado ng isip ko ang sinabi ni Diane.Bakit ako gustong makausap ni Dwayne?Ano na naman bang laro ang gusto niyang ipalaro sakin.Ayoko na.Pagod na nga ako eh.
BINABASA MO ANG
Destined Amorous Lovers (Under Revision)
RomanceWhen two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.